Chapter 1

201 6 0
                                    

Cyane points of view:

Ilang minuto na rin akong nakatayo sa labas ng gate ng malaking bahay. Nakatingin lang ako sa pindutan ng doorbell na wari'y nagdadalawang isip pa ako kung pipindutin ko ba ito.

After 8 years ay nakabalik ulit ako sa lugar na ito. Lalo pa itong lumaki ngayon na nagpapakita ng karangyaan sa buhay ng mga taong nakatira sa lugar na ito. Sa lugar kung saan ko iniwan ang kapatid ko.

Ilang segundo pa ay tuluyan ko ng pinindot ang doorbell. Maya-maya ay sumilip ang guard sa akin na nakangiti ko naman itong tinignan.

"Sino ang hanap mo iha?" tanong kaagad nito sa akin.

"Andiyan po ba si Cane?" sambit ko kaagad dito na ikinakunot lang ng noo niya.

"Sinong Cane iyon ineng? Walang Cane na nakatira dito." nagtataka niyang sambit na ipinagtaka ko din.

"Si Cane po Manong, yung inamp— anak po ng may-ari ng bahay na 'to." sabi ko naman dito na katulad kanina ay parang wala talaga siyang kilalang may ganoong pangalan na nakatira sa malaking bahay na pinagtatrabahuan niya.

"Ineng kung gusto mo lang mambudol ay itigil mo na iyan. Masama yan sa lipunan iha at baka makulong ka pa sa ginagawa mo. Walang anak ang mag-asawang Camillo kaya umalis ka na." pagtataboy ng guwardiya sa akin.

"Manong hindi ko po kayo niloloko. Walong taon mula ng iniwan ko ang kapatid kong si Cane dito kaya alam kong dito siya nakatira." pagpupumilit ko pa.

"Iha baka nagkakamali ka lang ng bahay na pinuntahan. Sa tagal ng pagtatrabaho ko sa pamilyang ito ay wala akong kilalang Cane na sinasabi mo." maang pa rin nito na ikinainis ko na.

"So, nasaan pala ang kapatid ko? Saan siya dinala ng mag-asawang Camillo?" inis kong sambit dito. Hindi ako pweding magkamali. Maayos kong iniwan ang kapatid ko dito noon dahil umaasa akong mabibigyan siya ng magandang buhay ng mga taong umampon sa kanya pero ano ito ngayon? Nasaan na siya? Bakit hindi siya kilala ng taong nagtatrabaho sa bahay na ito?

"What's happening here guard?" napalingon na lang ako sa may katandaang lalakeng nagsalita mula sa loob ng gate.

Kunot-noo niya akong tinignan na parang iniisip pa niya kung sino ako.

"Nasaan ho ang kapatid ko Mr. Camillo?" nagtitimping tanong ko sa kanya.
Nanlaki naman ang mata niya, siguro ay naaalala na niya kung sino ako.

"W-wala na siya dito. M-matagal na siyang wala kaya umalis ka na." nauutal nitong sambit na lalong nakadagdag ng tinitimpi kong galit.

"Nasaan siya? Gusto ko siyang makita. Saan niyo ho siya dinala?" mahinahon ko pang tanong ulit na kahit sasabog na ako sa galit ay pinilit ko pa ring pigilan ito.

Hindi niya ako sinagot kaya galit akong napatingin sa kanya. "Nangako ho kayo sa akin noon na aalagaan niyo siya. Na bibigyan niyo ng magandang buhay ang kapatid ko." humugot muna ako ng malalim na hininga bago magsalitang muli. "Nasaan ho ang kapatid ko?!" mabigat kong tanong sa kanya na ikinaiwas niya ng tingin sa akin.

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO! NASAAN SI CANE?! SAAN MO DINALA ANG KAPATID KO?!"

Tuluyan ng sumabog ang galit ko. Pasigaw na akong napatanong sa kanya na halos ikapanghina niya.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon