Chapter 40

38 1 0
                                    


"You all get out, lalong-lalo ka na Vegas. Kailangan ng magpahinga ni Xue." ani Grim sa mga kasama niya.

"Oh, yeah. Magpahinga ka na Xue para makalabas ka na bukas." sang-ayon naman ni Wynn.

"Gusto ko pang manatili dito. Pwede naman iyon, di ba, Xuey?"si Vegas naman ang nagsalita.

"No. Hindi ka pwede dito kaya umalis ka na." bulyaw ni Grim sa kanya.

"Sige na Vegas. Kailangan ko na ding magpahinga. Sumasakit na ang mga sugat ko." ani ko na nagbigay ng pag-aalala sa kanya.

Napatunghay siya sa akin.

"Magpagaling ka, huh. See you tomorrow, okay?" ani nito. Tumikhim naman si Grim dahil sa sinabi niya ngunit hindi niya iyon pinansin pa.

"Lumabas na kayo." pagpapaalis pa ni Grim sa kanila at isa-isa na din silang lumabas. Nahuli si Vegas na tinulak lang ni Grim upang lumabas na din ito.

Pansin ko ang paglock ni Grim sa pintuan kaya kumunot ang noo kong tumingin sa kanya.

"Ano ang ibig sabihin ng gagong iyon, huh, Xue? Dahil ba sa kanya kaya gusto mong maging blacklist, huh? Siya ba ang gusto mo kaya hindi mo ako type?! Pwes, hindi ako makakapayag!" tuloy-tuloy niyang sambit.

Napanganga ako sa kanya.

"Explain Xue. I deserve your explanation!" aniyang muli. Umupo siya sa kaharap na upuan habang naka-cross sa dibdib ang mga kamay niya. Mariin din siyang nakatingin sa akin.

Napatikhim muna ako bago magsalita.

"Hindi si Vegas ang dahilan kaya gusto kong maging blacklist, Grim." sagot ko.

"Then what? At bakit niya naman nasabi ang ganoon kung hindi iyon totoo, huh?"

"Malay ko ba sa gagong iyon." napanguso ako sa kanya.

"Tsk."

"Ang sinabi ko sayo ang siyang totoo, Grim. Gusto kong maging black list dahil malaya kayong nakakalabas tuwing gabi." saad ko.

"And because of that ay napahamak ka, Xue."

"Buhay pa naman ako, okay na iyon."

Pinaningkitan niya ako ng mata dahil sa sinabi ko.

"What if tuluyan kang nawala dahil sa katigasan ng ulo mo huh? Ano sa palagay mo ang mararamdaman ko?"

"Huh?"

"I was so worried about you, Xue. Nang nanunuod ako sa mga doctor habang ginagamot ang mga sugat mo, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sobra akong kinabahan. Sobra akong natakot na baka mawala ka ng tuluyan." aniya.

"And that.- turo niya sa sugat ko sa tiyan.

"Paano mo kinayang tahiin ang sugat na iyan? Hindi ka ba nasaktan, huh?" tanong niya kapagkuwan.

"Masakit. Syempre. Pero gusto ko pang mabuhay kaya kinaya ko." sagot ko.

Napailing siya.

"Ibang klase ka nga talaga." aniya.

Bahagya naman akong natawa.

"Kaya nga nagustuhan mo ako, di ba?" tatawa-tawa ko pang sabi.

"Tsk." bahagya na din siyang natawa.

Tumayo siya at lumapit siya sa higaan ko. Hinagod niya ng kamay niya ang buhok ko nilagay iyon sa likod ng teynga ko.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napapaatras ako.

"Hoy, Grim. A-anong ginagawa mo?" tanong ko pa. Ngumisi naman siya sa akin tsaka tinuloy ang binabalak niyang paghalik sa akin.

Dampi lang iyon sa una ngunit naging matagal ng sundan niya.

"I miss you, Xue." pabulong niyang sabi.

Napatunganga lang ako. Hindi ko na naman alam kung ano ang sasabihin.

Muli siyang nagbalak na halikan ako ngunit biglang humapdi ang sugat ko.

"A-aray." ani ko na ikinatigil niya sa balak niyang paghalik ulit sa akin.

"What? Why? Saan ang masakit?" kaagad niyang tanong.

"S-sa likod ko." turo ko naman sa likuran ko.

Napatingin siya doon. Dahan-dahan niyang inangat ang telang suot ko at ilang sandali siyang napahinto.

"What? Dumugo ba ang likod ko, huh?" tanong ko dahil ilang sandali din siyang natigilan.

"N-no. ." aniya sabay haplos sa masakit na parte ng likod ko.

Mainit ang kamay niya.

"What the fuck had happened to you, Xue? Bakit ang laki ng pasa mo sa likuran?" tanong niya.

Naalala ko naman ang ilang beses na pagwasiwas sa akin ng halimaw. Masakit pala iyon kaysa matamaan ng bala. Potcha! Pakiramdam ko durog na durog ang buto ko sa katawan sa oras na iyon. Pasalamat na lang talaga ako ngayon at buo pa ang katawan ko.

"Makakalabas na ako bukas. Susunduin mo ba ako dito?" tanong ko upang mapunta lang sa iba ang pag-uusapan namin. Ayoko na kasing maalala ang ginawa ng halimaw sa akin. Lalo lang nararamdaman ng katawan ko ang sakit.

"No."

"Huh?"

"Tsk. I'm going to sleep her para sabay na tayong umalis bukas."

"Ah, ganon ba. Hihi."

"Tsk. Hindi mo kasi muna ako pinatapos."

"Ang bagal mo naman kasing magsalita."

"Mabilis ka lang kasing mag-react."

"Tsk. Eh saan ka naman matutulog dito?"

"Dito sa tabi mo."

"Huh?"

"Sa tabi mo."

"A-ano? Eh paano kapag may makakita sa atin? Yung ama mo, yung mga doctor. Baka anong isipin nila."

"They already know about our relationship, Xue. You don't need to worry about it."

"Pero Grim—

"You're going to stay with me simula bukas kaya masanay ka ng magkatabi tayong matulog."

"Ano?"

"Bakit? Saan mo ba ako patutulugin? Sa sofa? Hindi ako mapili, Xue. Mas komportable ako sa tabi mo kaya pipiliin ko na iyon."

"Grim."

"What?"

"B-basta sundin mo 'yung rules ko."

"Anong rules?"

"Huwag mo akong gawing f-buddy."

"What the fuck, Xue Portalejo."

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon