Chapter 51

41 1 0
                                    


Blue pov
(Sterces pov)

"Talaga bang susunod tayo sa baliw na doctor na iyon? Alam mong isang patibong ang pagpasok natin sa Liveid, Blue." saad ni First.

"Kailangan nating makapasok sa paaralang iyon, First. Alam kong manganganib ang buhay ng sino man sa atin ngunit mas lalong lalaki ang panganib kung hindi natin mapipigilan ang balak ni Dr. Yamamoto." sagot ko sa kanya.

"Ano ba talaga ang plano ng doctor na iyon maliban sa pagpapakalat niya ng dievel drug?" tanong ni Bry.

Napalingon naman ako kay Ivory ng siya na ang sumagot sa tanong nito.

"Human weapon. Plano niyang gawing human weapon ang lahat ng studyante ng paaralang iyon?" seryosong ani Ivory na ikinailing ni First dito.

"Tsk, hindi pa talaga siya nakuntento sa atin? Sabagay, ganoon naman talaga ang mga lalake, hindi marunong makuntento." biglang saad ng gaga na ikinakunot ng noo ko maging ang iba naming kasama ay napatingin na din sa kanya. May problema ba siya kay Clover?

"May pinaghuhugutan ka ba, Uno?" usisa naman ni Dew. Napapangisi pa ito ng pinag-ikutan siya ng mata ni First.

"Tsk. Wala no."mapaklang ani First at pinalagutok ang mga daliri niya sa kamay. Baliw talaga.

"Weeh? Huwag mong sabihing nagtataksil na sa iyo si Clover? Chance na ba ng manok ko ang umepal sa love life mo?" saad ni Ivory. Mahina na lang akong natawa sa sinabi nito.

"Huwag mong pinapakialaman ang baby Tork ko, Ivory." banta naman nito.

"Baby? Anak mo, huh?" ngisi naman ni Ivory sa kanya.

Inis namang napatayo si First at ilang beses pa itong nag-inhale exhale sa harap ni Ivory.

"Nagdidilim paningin ko, Ivory." aniya pa.

"Mag flash light ka First." muling pang-asar ni Ivory na tinawanan na ng lahat.

Lalong nainis si First na kulang na lang ay maglupasay sa harap.

Lumapit naman ako sa kanya upang matigil na ang pagpapadyak niya na parang doon niya pinapakawalan ang inis na nararamdaman niya hindi lang sa aming naririto ngayon lalong lalo na kay Clover na wala namang alam na buhay pa siya hanggang ngayon.

"Tsk."

"So, anong unang hakbang ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Dew pagkaraan.

"Kung patibong ang plano ni doctor Yamamoto ay makikipaglaro tayo sa kanya." sagot ko.

"Papasok ang lima sa atin sa academy habang ang tatlo ang mag-aabang sa labas upang abangan ang pagdating ng mga gangs." dagdag ko pa.

"Bakit hindi pa natin sila isabay sa pagpasok?" tanong ni Bry.

"Masyado ng agaw-pansin kapag kasabay natin sila. At isa pa, hindi lang iisang gang ang tutulong sa atin, higit-kumulang iyon sa sampu." ani ko.

"Seryoso na talaga ito. Hindi ko alam kung anong kakaharapin natin sa loob, kinakabahan na tuloy ako." ani Bry.

"Kailangan lang nating mag-ingat. Wala pa tayong alam kung ano ang madadatnan natin sa loob kaya kailangan nating planuhing mabuti ang bawat hakbang na gagawin. Hindi din biro ang kakaharapin natin sa oras na makapasok na tayo. May hinala na akong hindi na kagaya natin ang makakaharap natin doon."

"Anong ibig mong sabihin, Blue?" kunot-noong tanong ni Hillary.

"Hindi ko pa alam ngunit isa lang ang sigurado ako, mas malakas ang nandoon kaysa sa atin."

"Nakaka-excite naman." singit ni First kaya napalingon na naman kami sa kanya.

"Tsk, magtino ka nga First." ani Zariah na bakas din naman sa mukha niya ang excitement.

Napalingon ako kay Cat na tahimik lang na tinitignan si Ivory.

"Makikita din ba natin si Cane doon?" mahinang tanong ni Cat kaya napalingon si Ivory sa kanya.

Tahimik lang na tumingin si Ivory sa kanya ngunit hindi na din sumagot. Alam kong may hinala na si Ivory na naroroon din si Cane sa loob ng academy. Hindi ko alam kung sa sandaling magtagpo ulit ang landas namin ay papanig siya sa amin.

"Kami nina Ivory, First, Dew at Bry ang papasok sa loob, habang kayo nina Cat, Hillary at ikaw Zariah ang mag-aabang sa mga gangs sa labas. Kung maaari ay huwag kayong pakampante dahil alam ni Dr. Yamamoto ang mga galaw natin sa oras na tumuntong na tayo sa lugar niya." paliwanag ko sa bawat isa.

Tahimik namang tumango ang tatlo.

Nagsipaghanda na din kami. Maghahapon na kaya kailangan na naming umalis. Pagsapit ng gabi ay papasok na kami sa academy upang walang masyadong makakita sa pagpasok namin. Alam kong pinaghandaan na ni Dr. Yamamoto ang pagdating namin. Katulad ng nararamdaman ni First, kaba at excitement din ang nararamdaman ko. Batid kong magkakaroon na ng kasagutan ang tanong ng bawat isa sa amin sa oras na makaharap na namin ang doctor.

"Ingat." sambit ni Zariah ng lumabas na kaming lima sa sasakyan. Nasa harap na kami ng academy at kahit sino sigurong makakita ng bukana ng paaralan ay makakaramdam ng kakaibang kaba.

"First will give you the signal kung kailan kayo papasok. You need to convince the gangs to wait lalong lalo na ang Dark Knights." muli kong bilin kay Zariah.

Binigyan naman ako ng irap ni First.

"Matigas kasi ulo ni San Sebastian kaya kailangan mo talagang makombinse ang isang iyon, Zari. Dagdagan pa ang kulang sa pasensyang si Enrile kaya baka mas mahihirapan ka pa sa kanila kaysa sa mga makakalaban natin sa loob." tuloy-tuloy na ani First. Magsasalita pa nga sana siya ngunit hinila na siya ni Dew.

"Daldal mo, First." saad nito sa kanya na tinawanan lang ng gaga.

"Tsk."

Napalingon ako kay Ivory na nakatitig sa mga nakalagay na camera sa itaas na bahagi ng pader. Alam kong ganoon na din ang ginagawa ni Dr. Yamamoto. Nakatingin na din ito sa monitor at pinapanood kaming papasok sa lungga niya.

"Let's go." yaya ko na sa kanila. Sabay-sabay kaming lumapit sa maliit na screen at ilang segundo din ay bumukas ang malaking gate ng academy na wari ba'y binibigyang-daan kami ng doctor na iyon upang lubusan kaming makapasok sa loob.

"Welcome to Liveid High Academy. The school where you can only choose once. . LIVE OR DIE!" malakas na pagbati ng nasa monitor.

Lahat ng studyanteng nasa paligid ay napatingin sa pagbukas ng gate at ang pagbati na galing sa speaker.

Nagsimulang magkagulo ang lahat. Lalo pang umingay ng biglang tumunog ng malakas ang bell na animo'y siyang hudyat sa mangyayari sa gabing ito.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon