Chapter 22

46 0 0
                                    


Liveid High Academy

- -**- -

Cyane Xue points of view

"Hmm."

Napanganga ako sa lugar na pinuntahan naming dalawa ni Grim.

Andito kami ngayon sa gym. Hindi ko alam kung paano ito nagawa ni Wynn pero nagmukhang romantic place ang paligid. May nakalagay pang mga christmas lights sa gilid. Nagkalat ang mga bulaklak na daisy sa sahig. Napadako ang tingin ko sa lamesang may mga pagkaing nakalagay. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon pero sumatotal nagmukha talagang dating place ang loob ng gym.

"U-upo tayo doon." nag-alinlangan kong ani kay Grim. Ramdam ko kasi ang pagtitig niya sa akin na parang akala niya ako ang may gawa sa nakikita niya ngayon.

"Hmm, it seems romantic, huh." na-impress niyang sabi.

Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Malalaman din naman niyang hindi talaga ako ang may gawa ng mga bagay na andito.

Pinaghila niya ako ng upuan ng marating na namin ang lamesa. Napataas pa ang kilay ko ng makita ko na ang mga pagkaing nakahain.

"Cupcake." nakangiting ani Grim na ikinatitig ko sa kanya. Paborito nga yata niya ang pagkaing iyon.

Tinignan ko ang ibang pagkaing naririto. Puro mga pagkaing nakikita kong binebenta sa cafeteria. Tsk. Sabagay, wala din namang ibang mapagkukuhanan ng pagkain kundi doon lang. At isa pa, hindi naman marunong magluto ang babaeng iyon kaya katanggap-tanggap ng bumili lang talaga siya sa cafeteria.

Kumain na kami. Tahimik lang akong ngumunguya habang minsan ay nagpipilit ng ngiti kay Grim habang siya ay enjoy na enjoy sa pagkain ng cupcake niya.

Nakakatawang isipin na kahit gabi na at may posibilidad na may magpakitang halimaw ay nagawa pa naming mag-date na dalawa. Napapaisip na din tuloy ako kung ganito na ba talaga kabored ang isang ito kaya naisipan niyang hingin bilang kapalit ang makaranas ng may ka-date.

"You want?" aniya sabay subo sa akin ng kinakagatan na niyang cupcake.

Muntik na akong mapaubo. Wala naman akong pakialam kung may laway na niya iyon. Hindi ako maarte. Pero potcha, nabigla ako. Hindi ko napaghandaan ang ka-sweetan niya.

"Masarap, hindi ba?" tanong pa niya ng wala na akong iba pang nagawa kundi nguyain ang sinubo niya.

Napatango ako. Masarap naman talaga. Kahit hindi ako mahilig sa matatamis, alam ko din naman kung masarap o hindi ang isang pagkain.

"So what do we do next?" tanong ni Grim nang matapos na kaming kumain.

Napatingin ako sa isang projector pati na din ang mini-player.

"Manonood?" patanong kong ani na tinaasan niya lang ng kilay. Hanga na talaga ako sa mga ideya ni Wynn.

Tumayo si Grim upang ayusin ang papanuorin naming dalawa. Pansin ko pa ang pagkunot ng noo niya ng may titigan siya sa player.

"Do we really need to watch this?" tanong pa niya kalaunan sa akin. Nagtaka naman akong napatayo at pinuntahan siya. Nanlaki na lang ang mata ko sa nakitang ipapalabas sana. 365 days. Baliw talaga ang babaeng iyon.

"Ah, hihi. Magpahangin na lang tayo sa labas." pinagpapawisan kong yaya sa kanya. Potcha, baka isipin niyang mahilig ako sa ganoong palabas. Tangina!

Napatango naman siya. Napakagat pa siya sa labi niya ng balingang muli ng tingin ang mini-player? Gago gusto pa yata niyang panoorin iyon.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon