Chapter 27

39 0 0
                                    


"Where are you going?" napahawak ako sa dibdib ko ng magulat ako sa tanong ni Wynn.

Akala ko tulog na ang isang ito. Tsk.

"Ah, magpapahangin lang sa labas. Hihi." sagot ko na lang sa kanya dahil hindi naman na din niya paniniwalaan kung magsasabi pa ako ng ibang sagot. Hawak ko na kasi ang doorknob ng pintuan ng dorm namin upang buksan na sana iyon.

"Xue, its already curfew hour. Hindi ka ba natatakot kapag lumabas ulit ang mga halimaw?"

"Natatakot." sagot ko naman sa kanya. "Pero mas lamang ang nararamdaman kong kuryusidad sa kung bakit sila lumalabas tuwing gabi, Wynn, at iyon ang gusto kong malaman." dagdag ko pa.

Napailing naman siya sa akin.

"Too much curiosity can kill a cat, Xue."

"Pero hindi naman ako pusa kaya hindi ako mamamatay."

Naningkit ang mata niya sa sinabi ko.

"What if mahuli ka ng mga halimaw, huh? What if dalhin ka nila sa kung saan? O kaya'y papatayin ka nila? Ano ang gagawin mo?" nag-aalala pa rin niyang salungat sa kagustuhan ko.

"They can't kill me, Wynn. And if ever na makuha nila ako, alam ko pa ring hindi ako mamamatay." sagot ko naman.

"How could you be so sure, Xue? Hindi mo pa alam kung ano pa ang kayang gawin sayo ng mga halimaw na iyon."

"Hindi ko man alam ang magagawa nila sa akin, alam ko pa ring hindi ko pa oras mabawian ng buhay. Hindi sa paaralang ito, Wynn. Hindi sa ngayon."

"Tsk. Mapapahamak ka sa tapang mong iyan, Xue."

"Tsk. Huwag ka na ngang mag-alala diyan. Pakiramdam ko tuloy mahalaga ako sayo."

Napaseryoso naman ang mukha niyang tumingin sa akin.

"You're important to me, Xue. You are." aniya pa na bahagya ko na lamang inilingan. Important?

"Tsk. I gotta go. Goodnight." paalam ko na lamang at nagmadaling lumabas. Ayoko ng pahabain pa ang pag-uusap naming dalawa.

Mabilis akong tumakbo palayo sa dorm. Balak kong magmanman sa paligid ngayong gabi. Pinlano ko din kaninang alamin kung saan ang bagong laboratory ng Liveid dahil baka makakuha ako doon ng impormasyon o kaya'y may makita akong kahina-hinala. Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang iniisip ang bagay na iyon.

Nag-iba ako ng daan. Imbes na sa gitna ng field ay tinumbok ko ang daan papunta sa South wing. Dadaanan ko muna ang wing na iyon bago ko marating ang East kung saan naroroon ang school office. Alam kong doon ko malalaman kung saan naroroon ang bagong laboratory ng Liveid. Batay kasi sa pagmanman ko hindi nila dito nilagay ang pasilidad na iyon o pwedeng ding nakatago lang talaga ang laboratoryong iyon dito sa loob ng paaralang ito.

Tahimik ko ng binaybay ang daan. Kahit nag-iisip ako hindi ko pa rin hinahayaang hindi ko mabantayan ang paligid ko. Kailangan kong mag-doble ingat dahil hindi lang mga halimaw ang pwedeng makakita sa akin ngayon pati na din ang mga blacklist at ang mga nakaputing maskarang mga lalakeng iyon.

Pinili kong dumaan sa madilim na bahagi. Nakarinig ako ng mahinang ingay ilang distansya ang layo sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad.

"May namataan ba kayong mga halimaw?" rinig kong tanong ng isa.

"Wala pa simula kaninang tumunog ang kampana." aniya ng isa.

"Mabuti naman kung ganoon. Nakakapagtakang walang lumabas ngayon ngunit magandang balita na din iyon para makapagpahinga naman tayo ngayong gabi." saad na naman ng lalakeng rinig kong naunang nagsalita kanina.

"Si Cross, nasaan?" tanong nung isa. Nakuha naman nun ang atensyon ko.

"Nasa lab, pinatawag siya."

Lab?

Alam ni Cross kung nasaan ang lab?

"Kaya pala walang lumalabas ngayon, wala din pala ang isang iyon." tatawa-tawang ani naman ng isang lalake.

Anong ibig niyang sabihin?

Naghintay pa ako na magsalitang muli ang lalake ngunit hindi na din niya dinugtungan ang sinasabi niya.

"Tara na, magpahinga na muna tayo. Hayaan na natin ang mga blacklist na magbantay muna sa paligid." saad ng lalake at pagkaraan ay umalis na din sila patungo sa North wing.

Napaisip ako. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Anong kinalaman ni Cross sa hindi paglabas ng mga halimaw ngayong gabi?

May koneksyon ba siya sa mga ito o may kinalaman din ito sa laboratoryo kung nasaan siya sa mga oras na ito.

Malalim akong napahinga. Bago pa ako malunod sa pag-iisip ng posibilidad ay tumuloy na ako sa paglalakad.

Kung tutuusin ay maganda din ang narinig ko kanina na walang lumalabas na halimaw ngayon. Ibig sabihin, ang blacklist na lang ang iiwasan ko ngayong gabi.

Tahimik akong nakarating sa school office. Muli kong binalingan ng tingin ang bulletin board kung nasaan naka-post ang mga pangalan ng mga studyanteng nawawala. Inalala ko naman ang listahang nakita ko sa lumang laboratoryo nung isang araw. Ngayon ko napagtantong kaya hindi ko nakita ang pangalan ni Cane sa board na ito ay dahil apat na taon na din ang nagdaan simula ng mawala siya. Sa hinuha ko, ito ang listahan ng mga nawawala dalawang taon bago ang taon na ito.

Nangunot ang noo ko ng sumagi sa alaala ko ang sinabi ni Mr. Camillo noong nakausap ko sila. Dalawang taon na ang nagdaan ng hindi na nila ma-contact si Cane. Ibig sabihin hindi pa siya nawala noong nagamit siya ng mga doctor sa loob ng dalawang taon. Pero bakit wala ang pangalan niya sa mga naka-post? Ibig sabihin ba niyon ay hindi siya nawala? O hindi lang talaga lingid sa kaalaman ng school officials na nawawala siya. Pero imposible naman ang bagay na iyon.

Bahagya kong nahilot ang ulo ko. Gulong-gulo na ako ngayon kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Nakakainis. Kung may pwede lang akong pagtanungan ay tinanong ko na lang ang tungkol sa bagay na iyon upang hindi na sumakit ang ulo ko sa pag-iisip. Tsk.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon