Chapter 4

96 6 0
                                    


Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view

Matapos kong tulungan si Wynn sa paglilinis ng kinalat niya hindi ko napansing nakatulog pala ako kaya alas 9 na ng gabi ng magising ako ulit. Sanay akong sa umaga natutulog kaya ramdam kong kulang talaga ang tulog ko sa araw na ito. Kung hindi lang sana tumunog ang tiyan ko ay hindi na sana ako babangon.

Naglakad ako papunta sa kusina ngunit napatapik na lang ako sa noo ko ng maalala kong wala pala akong dalang stocks ng pagkain.

Problemado akong napahawak sa sikmura ko. Gutom na ako.

Napatingin ako sa fridge ni Wynn, balak ko sanang manghinge muna ng pagkain niya ngunit nakakahiya namang kumuha dahil tulog na din ito. Tsaka kakakilala pa lang namin baka iisipin niyang feeling close na kaagad ako, tsk.

"Malaking problema 'to." himutok ko sa sarili ko. "Bakit kung ano pa ang importante 'yun pa ang nakalimutan ko?" inis ko pang sabi.

Hinalungkat ko na lang ang papel na binigay sa akin ng staff kanina. Nakasulat daw dito ang rules at regulation ng paaralan pati na din ang curfew hours kung kelan lang pweding lumabas ng dorm.

6 am to 10 pm. Yan ang oras na pweding nasa labas. 9:15 pa naman, kaya makakabili pa siguro ako ng pagkain.

Binigyan din ako ng mapa ng mga building kaya hinanap ko kung saan pwedi bumili ng pagkain.

Suot ang jogging pants at hoodie jacket, lumabas ako ng dorm dala-dala ang mapa. Para tuloy akong maghahanap ng kayamanan sa gitna ng gabi. Balak ko din sanang hanapin si Cane ngayon ngunit malabo ko na iyong magawa sa mga oras na ito.

Madilim na ang ibang bahagi ilang distansya lang mula sa dormitoryong pinanggalingan ko.

Nakaramdam na naman ako ng kaba ng mag-iba na naman ang pakiramdam ko sa paligid.

Lalo pa akong kinabahan ng malakas na umihip ang hangin ng nasa gilid na ako ng malaking field. Tangina! Paano kung magmulto ang mga namatay na studyante sa field na ito? 

Gusto kong manginig sa nakakatakot na naiisip ko na nadadagdagan pa dahil sa malamig na ihip ng hangin. Kahit nakajacket na ako nanunuot pa rin ito sa katawan ko lalo na kinakabahan pa ako ngayon.

Nagdalawang-isip akong tumuloy pang bumili ngunit tumunog na naman ulit ang tiyan ko kaya nilakasan ko na lang ang loob ko upang baybayin ang daan patungong food court.

Napatingin ako sa field habang naglalakad. Kabaliktaran ito sa nakita ko kanina dahil napakadilim na nito ngayon. Wari pakiramdam ko nasa ibang mundo na ako dahil sa dilim ng paligid. Tsk, sa dami ba namang maaaring namatay dito, tiyak magiging kuta talaga ito ng mga multo. 

Potcha. Tanginang pag-iisip 'yan, Cyane. Lalo mo lang tinatakot ang sarili mo. 

Nadagdagan ulit ang kaba ko ng maisip ko na namang may nakatingin sa akin mula sa madilim na field. Weird. Pero ganito din ang pakiramdam ko kaninang umaga habang naglalakad ako palayo sa bahaging ito.

Nakarinig ako ng kaluskos na parang tinatapakang damo kaya napahinto ako sa paglalakad.

Sumingkit ang mata ko ng pilitin kong aninagin ang gitna ng field dahil lumakas ang kutob kong may ibang tao nga doon o kaya multo. P*tangina!

Pinilit kong maglakad muli at binalewala na lang ang kaluskos na narinig ko kani-kanina lang dahil baka may gusto lang man-trip upang takutin ako. Pwes hindi ako natatakot. Potcha, matapang ako! Ngunit kasabay din ng paglalakad ko ang siya ring palapit na palapit ng yabag ng taong naglalakad sa damuhan kaya naman napahinto akong muli sa paglakad.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon