Chapter 39

39 0 0
                                    


"Xue." mahinang tawag ni Grim ng makapasok siya sa kwartong kinahihigaan ko ngayon.

"Grim." balik ko ding tawag sa kanya.

Mabilis siyang naglakad at kaagad akong niyakap. Hindi iyon mahigpit, hindi din maluwag. Sakto lang upang magkalapit kaming dalawa.Marahil ay inaalala niya ang sugat ko sa tiyan.

"How are you? Okay ka na ba, huh?" pabulong niyang tanong habang yakap pa rin ako.

Tahimik akong tumango.

"Natakot ako, Grim. Akala ko mamamatay na ako." ani ko. Ramdam ko ang bahagyang paghigpit ng yakap niya.

"Akala ko hindi ko na katatakutan ang magiging kamatayan ko pero.." bahagya akong natawa. "sa bandang huli makakaramdam pa rin pala ako ng takot."

"Xue."

"Sanay akong mag-isa. Sanay din akong wala akong ibang taong masasandalan, na walang tumutulong sa akin. Pero ng sinasaktan ako ng mga halimaw na iyon, gustong kong sumigaw at humingi ng tulong. Ayoko pang mamatay. Ayoko pang pumanaw ng hindi nagagawa ang gusto ko." muli kong saad.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa likod ng ulo ko.

"I'm sorry hindi man lang kita natulungan. I'm so sorry, Xue."

"Wala ka namang kasalanan."ani ko sa kanya.

"I am your boyfriend, Xue. It's my responsibility to protect you. Dapat nandoon din ako upang natulungan man lang kita." may pagsisisi niyang sabi.

Bahagya akong umiling.

"Hindi ka dapat naroroon, Grim. Ayokong mapunta ka sa lugar na iyon. Pugad iyon ng mga halimaw at baka mapahamak ka pa."

"Pero-

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"I saw them. Nakita ko ang mga taong nakuha ng mga halimaw. They're suffering there. Gusto nilang makaalis pero wala silang magawa." saad ko. Unti-unti ang pagguhit ng pagkabigla sa mukha niya.

"You saw them?" gulat niyang ani. Tumango ako sa kanya.

Pansin ko ang malalim na paglunok niya bago magsalitang muli.

"You might had seen my mother, Xue." ilang sandali ay napansin ko ang pagtulo ng luha niya ng banggitin niya ang ina niya.

"I don't know. Hindi ko kilala ang mga taong nakita ko doon."

"My mother, Xue. She's. . she's also a doctor. She have mole on the left side of her forehead. She looks like Wynn but her hair was short. Her. .her skin is fair. She's . . she's" napakagat siya sa labi upang hindi lang magtuloy ang pag-iyak niya.

"Grim, hey. .it's okay. . It's okay."

"Did you see her, hmm?" muling tanong niya sa akin.

Bahagya akong napailing na ikinayuko naman niya.

"Mga studyante ang nakikita ko doon, Grim." malungkot kong ani hindi lang dahil hindi ko nakita ang ina niya kundi pati na din ang kapatid ko ay hindi ko din nakita doon. 

"Nasaan siya? Saan siya dinala ng mga halimaw na iyon?"

"Hindi ko alam." sagot ko.

Pareho lang kami ng katanungan. Saan kaya naroroon ang kapatid ko. Muli kong inalala ang nangyari noong mapunta ako sa lugar ng mga halimaw ngunit hindi ko talaga mahanap sa alaala ko ang imahe ng kapatid ko maging ang ina ni Grim.

Namayani ang katahimikan sa paligid namin hanggang sa dumating sina Wynn kasama ang mga black list.

"Okay ka na ba Xue? Namiss na kita." maluha-luhang ani Wynn sa akin.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon