Chapter 57

28 0 0
                                    


First pov

"Shit! Gaga, are you okay?" nandidiring tanong ni Dew sa akin.

"Oo-

"Oh my gosh! They're sucking your skin! Yuck!" maarte na namang ani ng gaga. Kahit kailan talaga ay walang pinipiling lugar ang kaartehan niya.

"First." nag-aalala nang tawag ni Blue sa akin.

Nasa harap ko lang sila ngunit hindi nila ako malapitan. Delikado din kung magbabalak pa silang tulungan ako dahil maaari din silang mahawakan ng halimaw na pumulupot sa buong katawan ko. Gaya din ng sinabi ni Dew, wari'y sinisipsip nito ang buong balat ko na umaabot hanggang sa kalamnan ko. Ramdam ko na ding nauubusan na ako ng lakas dahil sa ginagawa ng halimaw kaya kailangan kong makawala ng walang ibang tutulong kundi ang sarili ko kung ayaw kong mamerwisyo ng iba.

"Huwag." pigil ko sa paglapit ni Blue.

Ramdam kong lalo siyang nag-aalala dahil napapansin na din niyang nanghihina na ako. Pakiramdam ko nga ay nagiging anemic na yung dugo ko.

Nagbalak pa ang galamay ng halimaw na abutin siya ngunit nahila ko din iyon bago pa siya mahawakan.

"Gaga, anong ginagawa mo?!" sigaw pa ni Dew ng madagdagan pa ang nakapulupot sa katawan ko. Ang nahila ko kasing galamay ay pumulupot na ngayon sa buong kamay ko.

"Dragging them. They already touch me kaya hahawakan ko na din sila. ;Oh putek! lalo akong dumikit."

"Let them go, gaga!" sigaw naman niya pabalik.

"Mas gaga ka, Dew. Paano ko bibitawan eh nakadikit nga. Oh, shit! Lalo akong nanghina!"

"First." nag-aalalang tawag ni Bry.

"Don't mind me, kaya ko pa." saad ko sa kanya.

"First." nag-aalalang tawag din ni Ivory sa akin at katulad ni Blue ay balak na din niya akong tulungan.

"You can't help me now. Kailangan kong makawala ng walang tumutulong sa akin dahil sa sandaling mahawakan niyo ako ay maaari din kayong dumikit sa halimaw na ito." saad ko sa kanila na tahimik lang nilang pinakinggan.

Kita ko sa mga mukha nila ang pag-alala at kagustuhang tumulong ngunit nagdadalawang-isip sila kung ano ang gagawin.

"Pero maaari kang mamatay kapag di ka namin tutulungan, First." ani Ivory.

Napangiti naman ako sa kanya.

"Don't worry, Ivory, kapag mamamatay ako ikaw una kong mumultuhin." biro ko pa na pinag-ikutan lang niya ng mata.

"Oh, shut up. Mamamatay ka na nga gusto mo pang maghabilin ng mumultuhin." ani pa nito.

"Shit! Ivory!" gulat kong sigaw ng biglang may halimaw at mabilis na pumunta sa direksyon niya. Mabuti na lang at mabilis ko iyong nahila ngunit hindi ang kamay ko pinanghila ko doon dahil ilang hakbang din ang pagitan namin. Napatingin ako sa galamay ng halimaw na nakapulupot pa rin sa akin.

"What the fuck happened, First?!" sigaw pa ni Ivory dahil sa nangyari.

Gulat akong bumaling sa kanya.

"A-anong-? Paano?" naguguluhan ko pang tanong.

"First." tanging pagtawag ni Blue sa pangalan ko dahil maging siya ay nagulat din sa nangyari.

Napatingin ako kina Dew, Bry at sa isang babaeng nakatalikod na nakikipaglaban pa rin sa mga halimaw na nakapaligid sa amin.

"A-am I one of them? Am I a monster too?" wala sa sarili kong tanong dahil sigurado akong ako ang komontrol sa galamay ng halimaw upang hilahin ang isa pang halimaw na gustong umaatake kay Ivory.

"No.. no.. You're not a monster, First. S-siguro na-control mo lang ang isang 'yan kaya—

"Iyon na nga 'yon Blue. H-halimaw na din ako!"

"Relax, First. Hindi pa natin sigurado ang nangyari pero hindi ka halimaw." pagpapahinahon pa niya sa akin.

"Oh my gosh! You controlled that monster. Maybe kaya mo din kontrolin ang iba pa." saad ni Dew ng makalapit na ito kina Blue at Ivory.

"What the fuck are you talking about Dew?" angil naman ni Ivory sa sinabi niya.

"Look. Nakita natin ang ginawa niyang pagligtas sayo with that monster's tentacles. Remembered what Cross said earlier? The monsters can hypnotize, imitate, regenerate and manipulate. Pero ang nangyari ngayon kay First, siya ang nagmanipulate sa halimaw." ani Dew.

"Mali ka sa iniisip mong 'yan."

Napatingin ako sa bagong boses na nagsalita. Nasa likuran siya ng mga kasama ko kanina kaya hindi ko siya napansin.

Nanlaki na lang ang mata ko ng makilala ang may-ari ng pamilyar na boses na iyon.

"Cane!" gulat ko pang tawag sa kanya.

"No, I'm not!" kaagad niyang nakasimangot na sambit na kahit nahihirapan na ako ay ginantihan ko din siya ng pagsimangot.

"What the?! Na-amnesya ka ba?" angil ko sa kanya.

"Tsk." napailing siya. Nilibot niya din ang paningin niya sa mga kasama namin at binigyan lang sila ng irap.

"You can manipulate the monster this time pero hindi magtatagal magiging isa ka na din sa kanila kung hindi ka makakaalis sa pagkakapulupot nila sayo. At para makawala ka you need to trust me." ani ng babaeng pinagkakailang siya si Cane.

"Trust, huh?" napalingon ako sa bahagyang pagtawa ni Ivory.

Buntong-hininga lang ang sinagot ni Cane sa kanya.

"Paano kami magtitiwala sayo kung minsan mo na kaming tinraydor?" si Blue naman ang seryosong nagsalita.

Tinignan lang siya ni Cane ngunit hindi din nagsalita. Hindi ko alam ang trip niya pero sigurado akong kahit ikaila niya pa ng ilang beses, siya si Cane.

"As what I've said, you need to trust me para makawala ka sa pagkakadikit sa halimaw." sambit nito at hindi na binigyang pansin ang sinasabi ni Blue.

"Aminin mo munang ikaw si Cane." pilit ko pa rin sa kanya kahit ilang sandali na lang ay papanawan na ako ng malay.

"Shut up, First. Just don't fucking move kung ayaw mong mahiwa ng espadang ito!" banta niya pa at mabilis na lumapit sa kinalalagyan ko. Isa-isa niyang pinaghiwa-hiwa ang nakapulupot sa katawan ko.

"What the fuck!" malakas kong sigaw sa kanya ng walang pakundangan niyang pinaghihiwa ang mga galamay ng halimaw na nakapulupot pa sa braso ko.

"Shit. Shit! Shit! Cane!" sigaw ko dahil feeling ko humiwalay na ang ibang parte ng katawan ko.

"Shit! Ahhhhhhhhh! Ang sakitttt!" muli kong sigaw dahil sa bawat paghiwa niya sa galamay ay nararamdaman ko din iyon.

"Shit! First!" 

"Give me your hand!" sigaw niya din at kahit magkahalong takot, sakit at inis ang nararamdaman ko ay kaagad ko namang ginawa iyon.

Kasabay ng paghiwa niya sa galamay na nasa leeg ko ang paghila niya sa akin mula sa wari'y arko na pinagdalhan sa akin ng halimaw kanina.

"Okay ka lang?" tanong niya kapagkuwan sa akin.

Tuluyang nanlambot ang tuhod ko hindi dahil sa mga halimaw kundi dahil sa paghiwa niya sa mga galamay nito na nakapulupot sa buong katawan ko.

Napatingin ako sa katawan ko. Paanong wala ako kahit isang sugat man lang ngunit nakaramdam ako ng sakit?

Talaga bang nakontrol ko ang halimaw kaya naramdaman ko din ang nararamdamang sakit nito.

Napatingin din ako kay Cane. Kung nagkataong hindi niya kontrolado ang galaw niya ay baka nagkapira-piraso na talaga ang katawan ko.

Masama ko muna siyang tinignan bago makapagsalita.

"Baliw ka! Kahit hindi mo na aminin, alam kong ikaw 'yan. Muntik mo na naman akong mapatay, gaga!" palatak ko na inilingan lang niya.

***

night firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon