Chapter 38

37 0 0
                                    


Malabo ang lahat ng magkaroon ako ng malay.

May naririnig akong nag-uusap sa paligid ko ngunit hindi ko makilala kung sino sila.

"We need to bring her to the lab. Kahit nagawa niyang gamutin ang malaking sugat niya, patuloy pa rin sa pagdurugo ang ibang bahagi ng katawan niya."

"Nakapagtataka lang kung paano siya napunta sa lugar na ito."

"That's not the important right now, dad. Ang mahalaga ay sigurado na akong katulad ko, nagawa niya ding makabalik."

"She'll gonna be a big help to us, son. We need to know what she's capable of."

"You're right dad. We really need to know more about her."

Muli na naman akong nakatulog dahil sa sakit ng katawan na nararamdaman ko.

Hindi ko na alam kung nasaan ako at kung anong araw at oras na ng muli na naman akong magising. Nakakarinig pa ako ng may nag-uusap sa paligid ko.

"She's fine now. . Nagawa niyang gamutin ang sarili niya kaya malayo na siya sa panganib ngayon." ani ng isang lalake.

"Pero bakit hindi pa rin siya nagigising, doc? It's been two days." tanong ng isa na alam kong boses iyon ni Grim. Paano niya kaya nalamang narito ako? Pero nasaan ba ako ngayon?

"Bumabawi pa siya ng lakas. Her whole body was totally injured kaya kailangan niyang magpahinga." injured? Ah, oo. Nakuha pala ako ng halimaw at dalawang araw na akong tulog sa lugar na ito.

"Hanggang kailan kaya siya magigising?" tanong ulit ni Grim.

Pinilit kong galawin ang talukap ng mata ko upang magising lang ako.

"Maybe tomorrow, maybe the other day. It depends to her. But don't worry, Grim. I will call you immediately kapag nagising na siya."

"Salamat Mr. Yamamoto."

Yamamoto?

"Go back to your class. Kami na muna ng mga doctor ang bahala dito." saad ng taong tinawag ni Grim na Mr. Yamamoto.

Naramdaman ko ang paghawak ni Grim sa kamay ko bago ulit siya magsalita.

"Okay. Please take good of her." aniya bago ako nito iniwan.

"Okay. Don't worry." saad pa sa kanya ng kausap bago ko pa marinig ang pagsara ng pintuan.

Biglang nag-iba ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako.

"How are you, Miss Portalejo?" tanong ng lalake na nandito pa pala sa tabi ko.

Pinilit kong buksan ang mga mata ko. Ramdam kong alam niyang gising na ang diwa ko pero bakit hindi ko magawang idilat ang mga mata ko.

"You're still under medication, maybe later ay magagawa mo na ding magising." aniya pa at naramdaman kong naglakad na siya palayo sa kinahihigaan ko. Medication? Kaya ba hindi ako magising-gising dahil doon? Anong klaseng gamot naman ang binigay nila sa akin?

Muli akong nakatulog.

Hindi ko alam kung ilang oras ang nagdaan bago ako muling nagising.

"N-nasaan ako?" kaagad kong tanong sa isang doctor na nabungaran ko. Nagawa ko na ding buksan ang mga mata ko.

"You are here in the lab." sagot niya.

"P-paano ako napunta dito?" tanong kong muli habang sinusubukan kong bumangon.

"Easy, you're not fully regain your strength kaya kailangan mo munang magpahinga." kaagad namang pigil ng doctor sa gagawin ko sanang pagbangon.

"Paano ako napunta dito?" muli ko na namang tanong.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon