Chapter 52

29 0 0
                                    


Cyane Xue pov

"Hey." bumungad ang pagmumukha ni Vegas ng magising ako. Muli pa nga akong napapikit ng maramdaman ko ang hapdi sa tagiliran ko ng bahagya akong gumalaw.

"Did it hurt, huh? What I'm gonna do? You want something?" mabilis niyang tanong.

Ginalaw ko ang kamay ko upang tumahimik lang siya at ginawa naman niya iyon.

Ilang segundo ko pang pinakiramdaman ang katawan ko at ng masiguro kong kaya ko ng gumalaw ay dahan-dahan akong umupo.

Nilibot ko ang paningin ng maramdaman kong madami ang nakatingin sa akin. Unti-unti pang nangunot ang kilay ko ng makita ko na ang iba na sa pagkakaalala ko ay wala naman dito kanina.

"Anong ginagawa ng mga 'yan dito?" mahina kong tanong kay Vegas tungkol sa mga blacklist na parang nagmemeting sa lugar na ito habang wala akong malay.

"Xue." tawag ni Naver sa akin kaya napabaling ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito, Naver?" tanong kong muli.

Napailing muna siya bago ako sinagot.

"Nagsisimula na ang malaking gulo, Xue." aniya.

"Anong gulo ang sinasabi mo?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Dr. Yamamoto had started his plan. May mga babae ding dumating dito sa academy kanina na sa palagay ko'y pinaghandaan niya talaga ang pagdating nila."

Patuloy ang pagkakakunot ng noo ko sa sinabi niya.

"Sinong mga dumating? A-anong alam mo sa plano ni Dr. Yamamoto?" naguguluhan kong tanong na kahit ang mga kasama namin ay napatingin na din sa kanya dahil na din siguro sa sinabi niya.

"Limang babae iyon at patungo na sila sa laboratoryo sa mga oras na ito." sagot naman ng bagong dating na si Loki.

Tinignan kong muli si Naver dahil hindi niya pa sinasagot ang tanong ko tungkol sa plano ni Dr. Yamamoto ngunit hindi na din siya muling nagsalita.

Ilang segundo pa akong nanatiling tahimik. Nag-iisip ng tamang gagawin. Pumasok din kasi sa isipan ko ang sinabi ni Cross kanina habang naglalaban kami.

Mga kaibigan ko ang dadating.

Kaibigan? Shit! Paanong nasabi ng doctor na iyon na kaibigan ko ang mga iyon?

"What are you doing?" tanong ni Grim sa biglaan kong pagtayo.

"I need to go, kailangan kong mapigilan ang pagpunta ng mga babaeng iyon sa laboratory." mabilis kong aniya.

"Why? Bakit mo gagawin ang pagpigil sa kanila? Kilala mo ba sila?" tanong niyang muli.

Seryoso ko naman siyang tinignan bago pa sinagot.

"No." saad ko na nagpakunot ng noo niya.

"Hindi mo pa kayang gumalaw. Let me stop them." presenta niya sa sarili na kaagad ko ding tinutulan.

"No! You can't stop them, Grim." ani ko. Nagtataka na naman niya akong tinignan.

"Why? How could you say so? Do you really don't know them, huh, Xue?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"What are your connections to them? Are they your friends?" patuloy pa rin siya sa pagtatanong.

Malalim akong napabuntong hininga.

"Wala at hindi na din importante kung sino sila."

"Tsk. Then why you sounds like they knew them, Xue? Do you also care what will happened to them sa oras na marating nila ang laboratory?" si Loki ang muling nagtanong kaya napatingin ako sa kanya. "At sino ka ba talaga huh, Xue?" dagdag niya pa. Gusto kong mapapikit sa dami ng tanong niya.

"Tsk. Pakialam mo ba, huh?" natatawa kong iling.

Do I really care?

Muli akong tahimik na natawa dahil sa sinabi niya.

"Wala akong pakialam sa mga babaeng iyon, ayoko lang na masira ang plano ko kaya gusto ko silang pigilan." seryoso kong aniya.

"Bakit? Ano bang plano mo?" tanong ni Grim. Ilang segundo pa akong napatitig sa kanya bago iyon sagutin habang nakatingin pa rin sa mga mata niya.

"To kill! Gusto kong pumatay! At walang makakapigil sa gusto kong gawin kahit sino pang nandito sa loob ng paaralang ito." ani ko na alam kong nagpatigil sa kanya maging ang mga kasama namin ngayon. Pansin ko pa ang pagkunot ng kilay niya.

"W-what?!" rinig kong pasigaw na tanong ni Vegas.

"Xue.." tawag naman ni Naver sa akin.

Alam kong sa sandaling ito ay nag-iba ang tingin nila sa akin.

"S-sino ka ba talaga, huh, Xue?" muli ay narinig kong tanong.

Napangisi lang ako kay Damon.

"I'm Xue Portalejo, Damon." ani ko sa kanya. Kinunot naman niya ang kilay niya at halatang naghihintay pa siya ng sasabihin ko.

"Then why do you want to kill, huh? Who?" seryosong tanong ni Grim na ilang segundo pang tumahimik bago dagdagan ang sasabihin niya. "Is it Dr. Yamamoto? Siya ba ang gusto mong patayin?" tanong niya.

Seryoso akong napatitig sa mga mata niya. Napangisi pa ako dahil kahit hindi ko sagutin ang tanong niya ay alam kong napagtanto na niya iyon.

"No! Hindi mo siya pwedeng patayin, Xue. Hindi ako makakapayag na papatay ka ng tao. .No."

"Grim." Natigilan ako. Kunot-noo kong natawag ang pangalan niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at parang nagmamakaawang sundin ko ang sinasabi niya.

"Hindi ka mamamatay-tao, Xue. Please don't be like this." aniya. Lalo akong natigilan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong matawa sa sinasabi niya ngunit may biglang kirot akong naramdaman sa puso ko.

Paano kung tuluyan niyang malaman kung anong klaseng tao ako? Magiging ganito pa kaya ang pakikitungo niya sa akin?

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon