Chapter 35

34 0 0
                                    

"Damn it! There all coming this way!" ani Cross ng mapansin niya ang paglapit ng mga halimaw sa pwesto namin. Napatingin pa siya sa akin bago din tignan si Grim.

"Make her safe. Hindi pwedeng magpadalos-dalos siya ng desisyon tungkol sa mga halimaw." aniya pa kay Grim.

"Okay." saad naman ni Grim habang hawak na nito ang palapulsuhan ko.

Inikutan ko sila ng mata.

"I can fight kaya huwag niyo na akong alalahanin." ani ko sa kanila. Anong akala nila sa akin? Mahinang nilalang? Tsk.

Muli na naman akong tinignan ni Cross.

"Let's see kung kaya mo ba talagang makipaglaban sa kanila. You're once under their hipnotic ability, stupid. Don't think na may magagawa ka pa kapag nahawakan ka ng isa sa kanila." pabulyaw na saad ni Cross sa akin.

"Cross." pigil naman ni Grim dahil marahil sa tono ng pananalitang nanghahamon sa akin.

Napailing lang ako sa kanya. Ramdam ko pa ang bahagyang paghigpit ng hawak ni Grim sa palapulsuhan ko kaya maliit akong napangiti sa kanya bago balingan ng tingin si Cross.

Unti-unti akong napangisi kay Cross. Kung akala niyang hindi ko kayang makipaglaban ay malaki ang pagkakamali niya. Kayang-kaya kong makipaglaban. .kahit pa nga makipagpatayan.

"Eyes on me, Cross. Papatunayan ko sayong, kaya ko!" saad ko at mabilis na inagaw ang hawak niyang espada.

"What the— Xue!"

Hindi na ako nagawang pigilan ni Grim ng mabilis kong tinungo ang halimaw na papalapit sa pwesto namin. Maging si Cross nga ay ramdam ko ang pagkagulat dahil sa ginawa ko.

Mabilis kong hiniwa ang katawan ng halimaw na tinatawag nilang reapers. Para pang bulak ang katawan nito dahil wala man lang akong maramdamang bigat ng dumaplis ang espadang hawak ko.

"ACCCCCKKKK!" sigaw pa nito dahil marahil sa sakit na natamo.

Unti-unting natutunaw ang katawan nito na parang sumasama sa hangin papunta sa kadiliman.

Sinunod kong hiniwa ang katawan ng kasama nitong halimaw.. sunod ang isa pa. . hanggang sa isang iglap ay naubos ko sila.

Napatingin ako sa dalawang lalakeng gulat pa din hanggang ngayon dahil sa ginawa ko.

"Ano? Kumbinsido ka na bang kaya ko, huh, Cross?" saad ko.

Napamaang siya. Maging si Grim ay natigilan din.

"What the hell, Xue! Paano mo— Anong— ." naguguluhan at gulat na ani Grim. Hindi din ito makapaniwalang tumingin sa paligid namin ng tuluyang mawala ang mga halimaw.

"Paano ka natutong makipaglaban?!" seryosong tanong ni Cross kapagkuwan.

"Hindi mo na kailangan pang malaman iyon. Ang mahalaga napatunayan ko sa inyong kaya ko ding makipaglaban sa mga nilalang na iyon at.." napatingin ako kay Grim bago dagdagan ang salita ko. "..sapat na ang patunay na iyon upang maging myembro din ako ng blacklist, di ba, Grim?"

Natahimik silang dalawa. Seryoso lang kaming nagkatitigan hanggang sa dumating si Loki.

"The monsters are everywhere. Marami na din ang nakukuha nila and mostly sa South at West wing ang nabibiktima nila." ani Loki.

Nagkatinginan na naman kaming tatlo.

Si Grim ang unang nagsalita sa amin.

"We need to save them." aniya.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon