Chapter 19

67 2 0
                                    


Liveid High Academy

- -**- -

Cyane Xue points of view

"Let's go. Bumalik ka na sa klase mo." aniya habang naglalakad na kami palayo sa school office.

Nanatili pa rin akong nakatulala. Parang sobrang late naman ng reaction ko at hanggang ngayon lutang pa rin ako.

Pasimple kong hinawakan ang labi ko? Bakit umabot sa pagkakahalik niya sa akin ang nangyari? Gusto ko lang naman tignan ang bulletin board kaya ako nagpunta dito.

Nilingon ko siya. Kunot-noo akong tumitig sa gilid ng mukha niya. Pansin kong nagsasalita pa rin siya pero wala doon ang isip ko.

"Gusto mo na naman bang maparusahan, huh? Huwag mong sunod-sunurin ang paglabag sa rules ng paaralang ito. Kahit pa nakiusap sa black list si Wynn na e-exempted ka sa parusa dahil kaibigan ka niya, kaya pa rin kitang parusahan, stupid." patuloy pa rin niyang sermon.

"Bakit mo kasi ako hinalikan?" nakasimangot kong tanong na nagpatigil sa kanya.

Napatitig siya sa akin. Tumahimik ang paligid ng kapwa naman tinitigan ang isa't isa.

"I'm falling for you, that's why I kiss you again." casual niyang sagot na nagpanganga sa akin. "You kiss me first, totoo 'yon. Kaya dapat panindigan mo ang ginawa mo."

"What?" gulong-gulo kong tanong sa kanya.

"Be a lady, Xue. Face your responsibility. You are my first kiss. Nakakatawa mang aminin pero iyon ang tinatak ko sa isipan ko. That whoever my first kiss is, iyon din ang magiging first girlfriend ko."

"A-anong? Di ba sinabi mong go with the flow, huh? Gago ka ba?!" halos pagigil kong bulyaw.

"I changed my mind." casual niyang sagot.

"Ha?!"

"Nagbago na ang isip ko. Kailangan mo na akong panindigan ng totoo."

"Nababaliw ka na ba?" naguguluhan ko na talagang ani. Sasabog na yata ng tuluyan ang utak ko.

"Nope." iling lang ng gago. Mariin din akong napailing sa kanya.

"Kumain ka na ba? Baka nalipasan ka lang ng gutom." nakangiwi ko ng aniya na inismiran lang niya.

"Tsk."

"Hoy! Nagbibiro ka lang hindi ba?" muli ko na namang ani. Patakbo na nga akong sumunod sa kanya dahil sa bilis niyang maglakad.

"No. I'm not joking, stupid. You can't have any other man in your life. That's your responsibility." saad na naman niya. Kung may ikukunot pa lalo ang noo ko dahil sa pinagsasabi ng gagong ito ay baka ginawa ko na.

"Teka lang ha," pigil ko sa kanya. "Sa pagkakatanda ko kasi magkaaway tayong dalawa. Sinuntok kita tapos pinarusahan mo ako. So sumatotal, magkaaway talaga tayong dalawa." pagpapaintindi ko sa kanya.

"Noon 'yun." saad lang niya tsaka muli na namang naglakad.

Binilisan ko ulit ang paghakbang ko at hinawakan ang braso niya upang huminto siyang muli sa paglalakad.

"H-hindi tayo pwedeng magkaroon ng relasyon." tinaasan niya naman ako ng kilay sa sinabi ko.

"Why?"

"Kasi ano.. kasi hindi kita type, ayoko sa mga bully."

Pinaningkitan niya naman ako ng mata.

"I'm not a bully."

"Oh, talaga?" hindi ko naniniwalang sabi sa kanya.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon