Chapter 12

55 1 0
                                    




Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view



Nung sumunod na araw matapos ang naging tagpo namin ni Mel ay nagbakasali ulit akong hanapin ang kapatid ko.

Masakit ang buong katawan ko ng makauwi ako sa dorm. Pinili kong magkulong sa kwarto ko matapos kong gamutin ang mga sugat ko upang hindi lang malaman ni Wynn ang nangyari sa akin. Mahirap na, baka maging komplikado pa kung malalaman pa niyang binugbog ako ng isang yellowcard. Wala naman akong pakialam kung maparusahan ang babaeng iyon ngunit ang malaking problema sa akin ang makita ang mga magpaparusa sa kanya. Ang blacklist at ang emperor na iyon. Tsk.

Nung sumunod na araw ay nakabawi na din ang katawan ko. Nawala na ang mga pasa ko at kaunting sugat na lang sa labi ang nahahalata.

"What happened to you? At bakit may sugat ka sa labi? May sakit ka ba huh? Ilang araw ka ding nagkulong sa kwarto mo." may pag-aalalang tanong ni Wynn ng makita ako nitong palabas ng kwarto.

"Ah, oo.. nagkalagnat ako kaya nasa loob lang ako ng kwarto. Baka kasi mahawa pa kita." palusot ko na epektibo naman.

"Ganoon ba." nag-aalala pa rin niyang saad. "Mabuti na lang advance ako mag-isip at tumama ang sinabi ko sa student counsil patungkol sa pagliban mo ng klase."

"Bakit? Ano bang sinabi mo sa kanila?" nagtataka ko namang tanong sa kanya. Sa ilang araw ng pagkulong ko sa kwarto ngayon ko lang din naalalang studyante pa pala ako ng academy na ito.

"Na may sakit ka kaya hindi ka nakakapasok." proud niyang aniya.

Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung magpapasalamat pa ba ako o pababayaan ko na lang ang pagiging advance niya. Pero sabagay, nakatulong din naman ang sinabi niyang iyon. Baka makaiwas pa ako sa parusa kung meroon man.

Inaya ako ni Wynn na pumasok kaya sabay na kaming umalis ng dorm. Pumasok na siya sa room niya ngunit ako naman ay iba ang direksyon na pupuntahan. Kailangan ko na ulit maghanap at halughugin ang buong academy dahil iyon naman talaga ang sadya ko sa lugar na ito. Ayoko ng magtagal pa dito dahil baka maulit na naman ang naging tagpo namin ni Mel. Baka may iba pang kagaya niya na maghihiganti din sa pagpasok ko sa paaralang ito. Sampo ang namatay kaya malakas ang kutob kong may ibang studyante pa ang ha-hunting sa akin.

Sinimulan ko na ang paghahanap kay Cane. Every rooms ay pasimple kong sinilip at umaasang makikita ko siya sa isa sa mga iyon ngunit kagaya ng mga nakaraang araw ay bigo pa rin ako.

Napuntahan ko na ata ang lahat ng silid sa paaralang ito ngunit hindi ko pa rin siya makita.

Tumigil ako sa paglalakad at umupo sa malaking ugat ng punong naririto sa likod ng isang building. Napatingala pa akong tignan ang katawan ng puno na nagpakunot ng noo ko. Bakit wala man lang ni isang dahon? Puro malalaking sanga lang ang nakapalibot sa katawan nito.

Napailing na lamang ako sa pagtataka ko. Kinapa ko ang bulsa ng uniporme ko at kinuha ang stick ng sigarilyong noong isang araw ko pa gustong hithitin. Sobrang dami na ng pagtataka at kaguluhan sa isip ko. Na-s-stress na ako sa mga bagay dito sa loob ng paaralang ito.

Bumuga ako ng usok pati na din ang prustrasyong lumulukob sa kalooban ko ay gusto ko na ding ibuga na lang. Ilang araw na kasi akong naririto at naghahanap pero hindi ko pa rin makita ang kapatid ko. Muntikan na nga akong mapahamak pero wala pa ring nangyayari sa pakay ko. Tsk. Talaga nga bang andito siya o niloko din ako ng mag-asawang Camillo na iyon.

Napabaling ang paningin ko sa di kalayuan ng makarinig ako ng sigaw.

"Tangina niyo! Bitawan niyo ako!." aning boses lalake na hindi ko mapigilang tahimik na tignan.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon