Chapter 29

39 1 0
                                    


"Bilisan mo, hindi ko na nakikita si Cross." nagmamadali kong ani kay Grim.

"Saan ba kasi papunta ang isang 'yun?" tanong naman niya.

"Sa laboratory daw."

"Laboratory? Eh doon papunta ang lab." napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"Potcha, alam mo pala kung nasaan ang lab?" tanong ko na kunot-noo naman niyang tinanguan.

"Nagpapakahirap pa tayong sundan ang gagong iyon, alam mo naman pala kung saan 'yung lab."

"Bakit? Ano bang sadya mo sa lab? At diba sabi mo kanina gusto mong sundan si Cross?" naguguluhan niyang tanong.

Gusto kong mapatampal sa noo ko. Medyo nadulas ako. Hindi pa pala alam ng isang ito na pakay ko talagang sundan si Cross upang alamin kung saan ang lab.

Pero bakit naman dito nagpunta si Cross? Ang alam ko kasi'y sa laboratory ang tungo niya.

Kunot-noo kong tinignan muli ang kadilimang wari'y kumubli ng tuluyan kay Cross. Ano bang iniisip ng isang iyon?

"Why are you following me?" biglang tanong ni Cross na nanggaling sa dilim. Seryoso pa siyang nakatitig sa akin.

Mariin akong napahawak sa kamay ni Grim dahil sa gulat. Potcha, bakit di ko naramdaman ang paglapit ng lalakeng ito? Buti na lang at hindi ko siya namura.

Naramdaman ko ang bahagyang paghila ni Grim sa akin upang ilapit sa kanya.

"Cross." seryosong tawag naman ni Grim sa kaharap naming lalake.

Nawala ang tingin ni Cross sa akin at nalipat iyon kay Grim. Pansin ko ang paglalabanan nila ng tinginan kaya napatikhim na ako pagkaraan.

"Ahm, ano, hindi ka namin sinusundan, Cross." nagpilit ako ng ngiti ng balingan niya ako ng tingin. "Ano kasi, nagdi-date kami ni Grim, m-midnight date." palusot ko na sana gumana. Potcha, nanlalamig ako. Hindi ko alam kung kinikilabutan ako sa pinagsasabi ko o kinakabahan lang talaga akong makipag-usap kay Cross.

"Really?" di naniniwala niyang ani.

"That's true, Cross. We're having our date tonight. Why are you here, by the way?" saad naman ni Grim.

Napailing na lang si Cross.

"Tsk." aniya at walang salita kaming biglang iniwan.

"Bastos ang isang iyon." simangot ko kay Grim.

Napailing din si Grim sa akin bago magsalita.

"You wrongly suspected him, Xue." saad niya patungkol sa sinabi kong hinala kay Cross kanina.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako nagkamali sa hinala ko pero hindi ko na lang iyon isinatinig.

"Let's go back. You still need to come with me." aniya na nginusuan ko lang.

"Saan mo naman ako dadalhin?" simangot kong ani na nginisian lang ng gago. Tinaas-baba pa niya ang kilay niya.

"Hindi lang pala si Cross ang bastos, pati din pala ang emperor." ani ko na ikinawala ng ngisi niya.

"Paano naman ako naging bastos, Xue Portalejo?" nagtataka niya pang tanong na inikutan ko lang ng mata.

"What is your punishment, huh? Wet or dry?" pagpapaalala ko pa sa kanya tungkol sa unang tagpo naming dalawa.

"Tsk. That punishment is old, Xue. May naiisip akong bago."

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"At ano naman iyan, huh?" taas-kilay kong tanong. Nginisian niya lang ako tsaka hinila na ang kamay ko palayo sa kinatatayuan namin kanina.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon