Chapter 37

35 0 0
                                    

"Cyane.." napalingon ako sa halimaw ng muli ko na namang narinig ang pagtawag nito sa pangalan ko.

"Cyane.. help me.." boses babae nitong ani. Cane?

"C-cane!"

"Please help me. ." nakikiusap na naman nitong ani.

Napailing ako. Pilit kong nilalabanan ang pagkawala ng sarili ko. Alam kong unti-unti na naman akong nahuhulog sa hypnotic ability ng halimaw.

"Damnit!" malakas ko pang mura dito.

"Cyane."

"No! Hindi ikaw ang kapatid ko, kaya tigilan mo na ang pagtawag sa pangalan na iyan!" bulyaw ko dito.

Bigla namang nag-iba ang boses nito.

"Bakit! Nagsisisi ka na ba, huhhhhhh?!!!" sigaw nito sa akin.

"A-anong—

Nagtaka ko itong tinignan. Bakit kaboses ko na ang halimaw na ito?

"I am the monsters inside you, Cyane!" aniya gamit pa rin ang boses ko.

"Ilusyon ka lang!"

"Hahahahahahahahaha!" Malakas itong humalakhak. Halakhak na gamit pa rin ang boses ko.

Patuloy ang malakas na paghalakhak nito habang palapit ng palapit sa kinatatayuan ko ngayon.

Gusto kong gumalaw ngunit hindi ko iyon magawa. Naisip ko ng nasa ilalim na ako ng kapangyarihan nito ngunit nilalabanan ko pa rin iyon.

"Shit!" mura ko ng nasa harapan ko na talaga ang halimaw.

Nakakakilabot ang mukha niya na nakadagdag pa ang nakakatakot niya ding pagngiti sa akin.

Lalo akong natuod. Pakiramdam ko nawala ang lakas ko upang makasigaw at humingi man lang ng tulong.

Napansin ko ang pagtaas niya ng kanyang mahahabang kamay upang dakutin ako at sa sandaling iyon ay halos panawan na ako ng malay ng magtagumpay siyang makuha ako.

"Cyane."

Muli ang pagrinig ko ng pagtawag niya sa pangalan ko. Ngunit sa pagkakataong ito alam kong boses na ng halimaw iyon. Hindi na ako nag-iilusyong kapatid ko ang tumatawag sa akin.

Walang kahirap-hirap niya akong naiangat sa ere. Kahit ramdam ko ng sa ilang sandali ay mawawalan na ako ng malay alam ko pa rin ang pagdagsa ng lahat ng halimaw kung saan ako naroroon kasama ng halimaw na may hawak sa akin ngayon.

Pansin ko ang animo'y madilim na usok na siyang dahilan upang unti-unti akong matunaw kasama ng mga halimaw at sumasama sa kadiliman. Saan nila ako dadalhin?

"Ahhhh!!"

Nasasaktan kong sigaw ng mamulat ako at maramdaman ko ang pagpilipit ng kung sino sa katawan ko.

Narinig ko ang pagtawa nito. Malakas iyon kaya pinilit kong ibuka ang mga mata ko. Kasabay naman niyon ang malakas na paghagis niya sa katawan ko na ikinatama ko sa batuhan na dahilan din upang muntikan na naman akong mawalan ng malay.

"Shit!" sigaw ko pa dahil sa sakit.

Muli ko na namang naramdaman ang paghawak sa akin ng halimaw. Nagpumiglas ako ngunit paa ko naman ang nahawakan nito.

Walang kahirap-hirap ako nitong inangat sa ere. Nakabaliktad ako kaya ramdam na ramdam ko ang pag-ipon ng dugo sa ulunan ko.

"Ahhhhhh! Bitawan mo ako!" sigaw kong muli sa halimaw.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon