Chapter 63

32 1 0
                                    


Blue pov

"What's happening here? Bakit may mga halimaw tayong nakalaban kanina?" naguguluhan pa ring tanong ni Zariah.

"Inventions. Liveid High Academy are full of inventions." sagot naman ni Dew sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin, Dew?"

"Dievel drug, mind-altering, open gateway, other dimension, human weapon. Those are some of the invention na ginagawa ng mga doctor sa lugar na ito and the students here are their subject." muling sagot ni Dew.

"What the hell?!"

"Ito ba ang malaking laban na kakaharapin natin sa lugar na ito?" tanong naman ni Race sa akin.

"Maybe yes, pero duda akong may mas malaki pa doon, Race." ani Ivory sa tanong nito.

"Yeah, tama si Ivory. Tangina! Muntik na akong maging halimaw kanina kung di ako nakawala sa halimaw na iyon." palatak naman ni First.

"Yeah, and those dopplegangers. Where did they go?" si Bry naman ang nagsalita.

"You know there is one person na makakasagot sa mga tanong natin ngayon and that's the fucking crazy psycho doctor. Bored na bored na ata talaga ang matandang iyon kaya kung ano-ano na lang ang maisipang imbentohin." may inis na ani Zariah na napapailing pa.

"Tama ka Zari, si Dr. Yamamoto talaga ang makakasagot sa mga katanungan natin ngunit kailangan muna nating hanapin si Cyane bago tayo magtungo sa kanya." ani First sa kanya.

"Cyane? Sino 'yun?" naguguluhang tanong nito.

"Ang kilala nating si Cane ay hindi talaga Cane ang pangalan kundi Cyane. At yung Cane kakambal talaga niya." ani First na nakadagdag pa ata sa kaguluhan ng isip ni Zariah.

"Ha? So si Cane.. — .. Saglit. Pakiulit nga Ivory." ani Zariah na imbes na kay First pinaulit ang pagpapaliwanag ay kay Ivory na lang humarap.

"Cane lied to us, Zariah, and here real name is Cyane, Cyane Xue Morris." napapailing na ani Ivory at umirap pa kay First.

"Tsk. Inenglish mo lang naman 'yung sinabi ko gaga." irap din ni First kay Ivory.

"Nasaan si Cane— este si Cyane? Andito din siya? Bakit?" magulo na namang tanong ni Zariah.

"Tumakbo—

"Wait, si Ivory na lang ang sumagot, First." pigil pa ni Zariah sa magulong pagpapaliwanag na naman ni First sa tanong niya.

"Tsk."

"She run. She wants to runaway again kapag may problema na at wala na siyang choice kung hindi ang tumakas." malalim na ani Ivory.

"What do you mean, Ivory?" tanong ko na dahil sa sinabi niya.

Napatingin siya sa akin at bumuntong hininga.

"Those children na sinasabi ni Cross kanina na kasama ni Cyane noon habang ginagawa ang eksperimento, I am one of them, Blue. We are one of them, Bry." ani Ivory na mula sa pagkakatingin niya sa akin ay nalipat ang paningin niya kay Bry at Zariah. "-and even you, Zariah." dagdag pa niya na ikinatahimik ng dalawa.

"You mean, noon pa talaga kayo magkakilala?" pagsingit naman ni Race sa usapan.

Mabilis namang tinakpan ni First ang bibig nito para hindi na muling sumingit.

"Huwag ka munang magtanong Race." mahinang aniya pa habang sinesenyas ang pag-uusap nina Ivory at Zariah.

Nanatili ang pakikinig ko sa dalawa. Maging ako ay gusto ding malaman ang tungkol sa kung anong nangyari sa kanila noon. Hindi pa nila ito naki-kwento sa amin noon habang nasa hide-out kami kaya nabibigla din ako sa sinasabi nila ngayon.

"But how? P-papanong nahuli muli ng organisasyon si Cyane? Hindi ba't iniwan niya tayo? Inuna niyang iligtas ang sarili niya noon kaya natagalan ang paglabas natin sa organisyong iyon, Ivory." may pait na saad ni Zariah.

"I don't know, Zari. Maybe muli siyang nahanap ng organisasyon at ginamit sa eksperimento nila ng magtagumpay tayong makaalis doon." sagot din ni Ivory.

"Ang malas naman ni Cyane." komento naman ni First.

"Let's hear her reason first, bago tayo magbigay ng conclusion. Kahit pa may masama siyang ginawa hindi naman natin alam kung kagustuhan niya din iyon o naipit lang talaga siya. Bawat isa sa atin ay may malalim na pinagdadaanan at alam kong may paliwanag si Cyane sa mga choice na pinili niyang gawin." ani ko sa kanila.

Napatahimik naman sila. Pinag-iisipan ang sinabi ko.

"So how about Cyane? Bakit pala natin kailangang mahanap siya bago tayo magpunta kay Dr. Yamamoto?" tanong ni Zariah kapagkuwan.

"The doctor will used her again with his mind-altering experiment." ani Ivory.

"What?!"

"That's the only thing upang makapasok ang ilan sa atin sa ibang dimensyon upang maligtas ang mga taong nakulong doon."

"Ha?!"

"Yeah, Zariah, you heard it right. Papasok ang iba sa atin sa mundo ng mga halimaw upang iligtas ang mga nandoon." sagot ko sa kanya.

"What the hell?!"

"What the hell talaga dahil hell ang tinitirhan ng mga halimaw." saad naman ni First.

"What the fuck, gaga."

"Tsk."

"What if hindi pumayag si Cyane na magamit ulit ng mga doctor?" tanong ni Zariah.

"That's not possible because her twin na Cane ang pangalan ay nasa ibang dimension kasama ng mga halimaw, and she is one of them. That girl also was the reason kung bakit may doppleganger kami." ani Dew.

Napabuntong-hininga ako dahil sa sandaling makakaharap ulit namin ang mga doppleganger na iyon alam ko sa sarili kong hindi ako magpipigil.

***

night-firefly

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon