Chapter 65

34 0 0
                                    


Cyane Xue pov

Paalis na kami ni Cross ng dumating si Grim. Napalingon pa ako sa likuran nito ng mapansin kong kasama nito ang amang si Mr. Aguirre pati na din ang mga tauhan ni Dr. Yamamoto.

Tahimik lang siyang nakatitig sa akin.

"We're here for you, Xue." humakbang ang ama niya sa unahan kaya nasa likuran na nito si Grim.

"You should come with us, may gusto lang kaming itanong sa iyo iha." dagdag pa nitong saad.

Patuloy pa rin ang pagtitig ko kay Grim. Naghihintay ng sasabihin niya.

"Let's go, Xue, iha." himok ng ama niya.

Lumapit ang dalawang tauhan nito sa tabi ko at hinawakan nila ang magkabilang braso ko.

"Get inside, Grim. Ako na ang bahala dito." utos ni Mr. Aguirre sa anak.

Ilang segundo pa itong napako lang sa kinatatayuan niya. Ni wala akong mabasang emosyon sa mukha niya kahit diretso itong nakatingin sa akin.

Umiwas siya ng tingin sa akin kasabay niyon ang paghakbang niya pakanan upang abutin ang doorknob sa likuran ko.

Mapakla na lang akong napangiti.

"Let's go." utos ni Mr. Aguirre at giniya na ako ng dalawang tauhan nito upang sumunod sa kanila.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. May ideya na ako sa maaaring mangyari pero parang may malaking espasyo pa rin sa puso ko ang bigla na lang nawalan ng laman.

"What are you doing here, Cross?" unti-unting nabalik ang kamalayan ko sa paligid ko ng magsalitang muli si Mr. Aguirre. Hindi ko man lang napansin ang pagkawala at paglitaw ni Cross na kani-kanina lang ay kausap ko.

Ramdam ko ang pagbaling ng katawan ni Grim paharap sa akin kaya bahagya din akong napatingin sa kanya bago ko balingan ng tingin si Cross na nasa harapan na pala namin.

"I'll take what's belong to me, Mr. Aguirre." ani pa nito.

"What do you mean?" nagtatakang tanong pa ng matanda sa sinabi niya na kahit ako ay bahagya ding nangunot ang kilay dahil sa salitang ginamit niya.

"Xue," ani Cross at maliit na ngumiti sa akin. "—she belongs to me." saad na naman niya.

"Ano bang pinagsasabi mo, huh?" biglang sambit ni Grim na nasa likuran ko.

Unti-unti ang pagngisi ni Cross sa kanya.

"Xue will be coming with me, Grim."

"Don't involve yourself here, Cross, or your father might know this." banta pa ni Mr. Aguirre kay Cross na automatikong nawala ang ngisi ng marinig ang pagbanggit ni Mr. Aguirre sa ama nito. Napalitan iyon ng seryoso at galit.

"My father can't stop me this time, Mr. Aguirre." seryosong saad ni Cross dito na siyang dahilan upang sumeryoso na din ang emosyon ng kausap.

"You already know what will happen kung hindi ka susunod, Cross. Mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan mo kung lalabag ka." may pagpipigil sa pagbabantang ani Mr. Aguirre.

Napailing si Cross.

"Mas mawawalan ng saysay ang lahat kung hahayaan kong maisakatuparan ni Dr. Hiroshi ang plano niya, Mr. Aguirre."

"Cross!" sigaw na ng matanda at pasimpleng tumingin sa akin.

"Niloloko lang kayo ng hayop na yun, Mr. Aguirre. Wala sa plano niya ang iligtas ang mga nakapasok sa ibang dimensyon dahil ang habol lang niya ang maging pinaka makapangyarihan sa lahat ng organisasyon."

"Shut up, Cross. Hindi iyan ang napag-usapan ng organisasyon." pigil ng matanda kay Cross.

"Tsk." muling iling ni Cross dito at kay Grim naman tumingin.

"Ako ang nauna kaya sa akin sasama si Xue. Kung balak mo siyang ipamigay, sa akin na lang." nakangisi ngunit seryosong ani Cross.

Napatingin ako sa biglang paghawak ni Grim sa braso ko.

"No! She'll never go with you!" madiing saad ni Grim.

Napatawa naman si Cross.

"Why? May balak kang ibigay siya sa ama mo at kay Dr. Yamamoto, bakit hindi na lang sa akin, huh Grim?!"

"Shut up asshole!" sigaw na nito.

"Mas gago ka Grim. Balak mong ibigay si Xue kay Dr. Hiroshi kapalit ng buhay ng ina mo, hindi ba?"

"Tumahimik ka, Cross!"

"Sabagay, kahit hindi ko sabihin ang balak mo alam kong alam na ni Xue iyon, hindi ba?" sa akin naman napatingin si Cross. Ramdam ko ang lalong paghigpit ng hawak ni Grim sa braso ko.

Malakas akong napahugot ng hininga bago balingan ng tingin si Grim.

"Kailan mo pa alam? Kailan mo pa binalak na kunin ang loob ko huh, Grim? Sa simula ba'y kilala mo na ako?" sunod-sunod kong tanong na nagpakunot ng kilay niya.

Ilang segundo siyang natahimik. Pansin ko ang kaguluhan ng isip niya na rumihestro sa mukha niya.

Tanging pag-iling lang ang nagawa niya. Ibig sabihin ba'y nagkakamali lang ako ng hinala?

"It's not my son who recognized you Miss Portalejo. It's my daughter." si Mr. Aguirre ang sumagot sa tanong ko.

"Si Wynn?" puno ng pagtataka kong tanong na kasabay din ng pagbigkas ko ng pangalang iyon ang pagbukas ng pintuan sa likuran ko.

"Yes, tama si dad, ako nga ang unang nakakilala sayo katulad ng pagkakilala ko sa kapatid mo, Xue."

***

night-firefly

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon