Chapter 66

28 1 0
                                    


"Ano bang dahilan mo para traydorin mo ako ng ganito huh, Wynn?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Bahagya niyang nginitian ang tanong ko. Humakbang siya palapit sa kinatatayuan ko upang hawakan ang braso ni Grim.

Napatingin ako kay Grim na hanggang ngayon ay kunot-noo pa ring nakatingin sa akin.

Tahimik silang naglakad papunta sa ama nila na seryoso lang na nakatingin sa akin.

"It's your sister's fault kaya napunta ang ina namin ni Grim sa kabilang mundo. Hindi ba tamang rason iyon upang gawin namin ito sayo?" ani Wynn.

Kunot-noo pa rin akong nakatingin sa kanya.

"Paano mo ako nakilala?" tanong kong muli.

Nag-ikot siya ng mata sa akin.

"Mahabang palinawagan but to make it short, nakipag-deal sa amin si Dr. Yamamoto. He told us na may kapatid si Cane na siyang tanging paraan upang makabalik ang ina namin sa mundong ito. Kilala namin ang tumayong magulang ni Cane, si Mr. Castillo kaya bumuo kami ng plano upang makapasok ka sa paaralang ito. Mr. Castillo and my mom are friends at isa siya sa mga nakaligtas ng araw na pumalpak ang eksperimento dahil sa kapatid mo. Your sister dragged her to the other dimension kaya hindi na namin siya nakakasama ngayon." mahabang paliwanag ni Wynn.

"But my sister is also a victim, Wynn." seryoso kong ani na inilingan lang niya.

"No! Your sister is a monster kaya nababagay lang siya kung saan siya naroroon ngayon." gigil niyang aniya na nagpa-igting ng teynga ko. Galit ko siyang tinignan. Lahat pala ng pinakita niya sa akin ay kunwari lamang. Sa umpisa pa lang kilala na pala talaga niya ako at hindi lang nagkataon na magkasama kami ng dorm dahil plinano na niya iyon, plinano na nilang lahat iyon.

"Fuck you, Wynn! Doctor ng Livied ang ina mo kaya siya dapat ang tinatawag mong halimaw ngayon! Kung hindi niya ginamit ang kapatid ko sa eksperimento ay hindi mangyayari iyon sa kanya!"

"Bitch! Your sister deserves what happened to her dahil pakialamera siya. Mang-aagaw! Malandi. Gusto niyang maging bayani dahil gusto niyang pansinin siya ng lahat."

"Ano bang pinagsasabi mo?!" inis kong ani.

"Wynn." pigil naman ni Grim sa kanya.

Lalo akong naguluhan. Pakiwari ba'y may iba pa siyang dahilan kaya malalim ang pinanghuhugutan ng galit niya sa kapatid ko maging sa akin.

"She doesn't deserved it, Wynn." sabat ni Cross kalaunan. Kay Wynn pa rin ako nakatingin kaya kita ko ang mapaklang pagtawa nito kay Cross.

"Inagaw ka niya sa akin, Cross. Our family had the agreement about us. Pero ng makilala mo ang babaeng iyon ay bigla kang nagbago!"

"What the fuck?!" mahina kong mura. Kunot-noo akong napalingon kay Cross. All this time ay may nakaraan din pala silang dalawa ni Wynn. Hindi ako makapaniwalang napailing sa kanya.

"That was in the past, Wynn." ani Cross dito.

"Yeah, you're right. Noon nga iyon at ngayon ay itong babaeng ito naman ang umaagaw sayo." saad na muli ni Wynn na halos ikinahulog ng panga ko.

"Baliw ka na ba?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.

"You really don't get it huh, Xue? Sa lahat-lahat ng bagong nakapasok sa paaralang ito, ikaw pa lang ang pinagtuunan ng pansin ni Cross. Even the first day na napunta ka dito, Cross already helped you. Dahil kung hindi ka niya tinulungan ay baka unang gabi pa lang, nakuha ka na ng mga halimaw. Honestly, it's not Grim who protected you from the other wing na gustong manakit sayo. It's not Vegas too, but Cross."

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon