Chapter 67

52 2 2
                                    


"To complete his invention?" nagtatakang saad ni Wynn na mula sa pagkakatitig kay Cross ay unti-unting dumapo ang mga mata niya sa akin.

Mula sa pagtataka ay unti-unti ding nagbabago ang emosyon niya. Isang makahulugang pagngiti ang iginawad niya. Ngiting nagpapahiwatig na may balak siya. Masamang balak.

"Pwes, dapat ka nga naming ibigay kay Dr. Hiroshi." aniya.

Mabilis na pumalibot sa amin ang mga tauhan ng ama niya. Ang iba sa kanila'y kanina pa nagmamasid sa amin mula sa di kalayuan na naghihintay lang ng hudyat upang lumapit sa kinaroroonan namin.

Mabilis ang paglapit ni Cross sa kinatatayuan ko at inagaw ako mula sa dalawang lalakeng humawak sa braso ko.

"Huwag mo ng pahirapan pa ang sitwasyon, Cross. Pabayaan mo na si Xue kung ayaw mong  madamay." banta ni Wynn.

Tahimik lang si Cross habang nakatingin lang sa kanya. Napabaling ako ng tingin kay Grim at sa kamay ko napako ang tingin niya. Hawak iyon ni Cross at ramdam kong iyon ang dahilan ng pag-igting ng panga niya.

"No, Wynn. You can't." iling ni Cross kay Wynn na ikinagalit ng hitsura nito. "Sa akin sasama si Xue at kayo ang dapat na huwag magpahirap sa sitwasyon. You don't know what can I do kung ako ang kakalabanin ninyo!" seryoso namang banta ni Cross.

Natigilan si Wynn dahil sa pagbabantang iyon ni Cross. Bumakas sa mukha niya ang pagkabigla marahil hindi nito inasahan ang pagbabantang ginawa ni Cross sa kanya.

"Pwes, wala na kaming pagpipilian kundi idamay ka, Cross." sabat na ng ama nito.

Humudyat si Mr. Aguirre sa mga tauhan nito upang atakihin kami.

Isang dismayadong pag-iling ang ginawa ni Cross bago niya pa mag-isang nilabanan ang lahat ng tauhan ni Mr. Aguirre.

Mabibilis na mga suntok ang pinakawalan ni Cross na kaagad ding nagpatumba sa mga kinalaban niya.

Ngunit mabilis din ang paglapit ni Wynn sa tabi ko upang itutok sa akin ang hawak niyang baril.

"Wynn!" gulat na tawag ni Grim sa kanya.

Hawak ni Wynn ang braso ko habang nakatutok sa sintido ko ang dala niyang baril.

"Pabayaan mo ang babaeng ito kung ayaw mong hindi na talaga sila magkikitang muli ng kapatid niya." seryosong banta ni Wynn. Bakas sa boses nito ang galit. Wari ba'y wala na ang taong unang nakilala ko noong pumasok ako sa paaralang ito.

"Xue." tawag ni Cross sa akin. Makahulugan niya pa akong tinitigan ngunit pag-iling lang ang sinagot ko sa kanya.

Alam kong isang galaw ko lang ngayon ay mababaliktad ko ang sitwasyon namin ni Wynn    at walang kahirap-hirap ko lang na maaagaw ang hawak niyang baril ngunit naiisip ko din naman ang sinasabi niya kanina. Kailangan niya akong madala kay Dr. Yamamoto kung gusto kong makitang muli ang kapatid ko pati na din ang ina nila.

Bumaling ako ng tingin kay Grim. Bakas sa mukha niya ang kaguluhan ng sitwasyon. Kung nasa ibang pagkakataon kaya kami ngayon may pag-asa kayang totoo ang nararamdaman niya para sa akin? Tsk. Mapakla akong napangiti, ano ba ang iniisip ko?

"Go to them, Cross. Pabayaan mo muna ako." makahulugang saad ko kay Cross na sa una ay kinunutan niya lang ng nuo ngunit kalaunan din ay bumuntong hininga na lang siya.

"Tsk." aniya pa at walang sabi-sabing umalis na.

Naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Pinapunta ko siya sa mga kasama ko upang sabihin sa kanila ang maaaring mangyari.

Tinulak ni Wynn ang braso ko gamit ang baril na hawak niya. Mabilis namang lumapit ang mga tauhan nila na kanina lang ay napuruhan ni Cross.

"Don't worry, Xue, malapit munang makasama ang kapatid mo, —sa kabilang mundo." natatawang ani Wynn kaya galit akong bumaling sa kanya. Kung hindi ko lang naiisip na kahit papaano'y pinapahalagahan ko pa rin ang pinagsamahan namin noon kahit palabas lang ay baka nahihirapan na siyang huminga ngayon at inunahan na niya ako sa kabilang mundo.

Malalim na lang akong napahugot ng hininga upang pigilan lang ang galit ko.

"Grim let's go." yaya ni Wynn sa kapatid. Hinatak na ako ng mga tauhan nila kaya hindi ko na siya tinignan. Baka din kasi kung titigan ko na naman siya'y iba na naman ang maiisip ko. Tsk.

Hindi ko na pinapansin ang nasa paligid ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa laboratoryo. Nakatuon ang isip ko sa posibleng mangyari sa sandaling makita ko na ang doctor. Hindi ko siya pwedeng patayin hangga't hindi ko pa nababawi ang kapatid ko.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon