Chapter 32

37 0 0
                                    


"Where have you been?" muntik ko nang mabitawan ang hawak-hawak kong phone dahil sa gulat.

Masama ko siyang tinignan na seryoso lang ding nakatingin sa akin.

"Sa labas." sagot ko lang sa kanya kapagkuwan. Binalingan ko pa ang suot niya dahil naka-uniform pa siya.

"Saang labas?" seryoso na naman niyang tanong. "Did you disobeyed my rules, again, huh, Xue?" may pagdidiin niyang dagdag. Napalunok ako. Naalala ko kaagad ang parusang personal niyang ipapataw sa akin.

"A-ahh, sa ano lang. . sa tabi-tabi lang." sagot kong muli. Nanatili ang seryosong mukha niya.

"It's granted. Your favor has been granted, Xue. Pumayag ang school official na malilipat ka sa North wing at maging member ng blacklist." aniya na ikinalaki ng mata ko.

"Talaga?" natutuwa ko pang ani.

"Yeah, at sa akin ka titira." seryoso niya pa ring saad. Kaagad akong tumango. Napawi non ang seryoso niyang hitsura at pinaningkitan na niya ako ng mata.

"Okay lang talaga sayo na magkasama tayo sa isang dorm?" paniniguro niya. Tinanguan ko na naman siya.

"As long as hindi mo ako gagawing f-buddy mo." ani ko.

Malalim siyang napahinga at mariing tumitig sa akin. Lumingon siya sa kanang bahagi ng dorm ko pagkaraan kaya napasunod ako doon.

"Your things are already packed. Wynn did it." aniya. Mas nauna pa palang makaalam ang kapatid niya sa paglipat ko kaysa sa akin.

"Nasaan si Wynn." tanong ko naman upang makapagpaalam man lang ako kahit papaano dahil sa tingin ko ngayong araw na din ako aalis sa dorm na ito.

"Nauna na siyang umalis." saad niya.

"Lilipat na din siya sa North wing?"

"No." kaagad niyang sagot.

"Ahh okay."

"Let's go. May kailangan pa tayong gawin." aniya maya-maya. Kinuha na niya ang maleta ko at ako naman ang nagbitbit sa bag ko.

"Ano?" tanong ko.

"Punishment." simpleng aniya na kinunutan ko naman ng kilay.

"Para saan?" inosente kong ani.

"Don't fool me, Xue Portalejo. Alam ko ang bawat galaw mo kahit hindi ako nakatingin sayo." banta niya.

"B-bakit? A-ano bang alam mo?" medyo kinabahan ko namang sabi.

Tumigil siya sa paghakbang kaya napatigil din ako.

"You're with Vegas earlier." seryosong aniya. "At magkasama pa talaga kayong nagpunta sa East wing. Dalawang beses mong nilabag ang rules ko, Xue. Why the fuck are you with that asshole, huh? What did you do? Why the hell do you have to hold hands?" tuloy-tuloy niyang tanong na ikinagulat ko. Paano niya nalaman ang mga bagay na iyon?

"A-ano, g-gusto ko lang mapuntahan ang East wing."

"Na kasama siya." dagdag niya sa sinabi ko. Napalunok naman akong umiling sa kanya.

"H-hindi naman sa ganoon." kaila ko pa rin.

"Eh ano pala?" pairap niyang aniya. "And you hold hands huh, you hold each other hands." pagdidiin pa niya sa mga salita niya.

"S-sino ba ang nagsabi sayong magkahawak kami ng kamay?" napanguso akong nagtanong sa kanya.

"I saw you." may pait niyang saad. Natahimik naman ako sa sinabi niya. Muli siyang naglakad palabas ng dorm. Sinundan ko lang siya ng tingin bago din nagpasyang lumabas.

Pinasok niya ang maleta ko sa kotse niya at sumunod naman siyang pumasok sa driver seat. Bumaling siya ng tingin sa akin at tamad lang na sinenyas ang kabilang pintuan ng sasakyan upang sumakay na din ako.

Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan ng makapasok na din ako. Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang marating namin ang North wing.

Tahimik siyang lumabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto at mabilis ding kinuha ang maleta ko ng makalabas na ako.

Naglakad siya papasok sa North, tahimik ko lang din siyang sinundan hanggang marating na naman namin ang dorm niya.

"WELCOME TO YOUR NEW HOME, XUE!" malakas na salubong ni Wynn sa akin ng makapasok na ako sa loob. Kasama pa niya ang lahat ng blacklist. Napangiwi ako sa kanila bago sundan ng tingin ang tahimik pa ring si Grim na tuloy-tuloy lang na naglakad papunta sa kwarto niya. Parang hindi niya nakikita ang mga taong nandito sa loob ng dorm niya.

"Ohh, LQ?" nginisian ako ni Loki ng balingan ko siya ng tingin.

"Don't mind him, Xue. May tupak lang ang isang iyon." ani Wynn patungkol sa kapatid niya. Nakangiti siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng basong may lamang wine.

"For your new home." aniya at nakipag-toast sa
akin. Nakangiwi kong sinakyan ang trip niya at ininom na din ang wine na binigay niya.

"Woahh! This gonna be exciting." excited niya pang saad.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon