DAVIN' POV
"Hanggang kailan ba tayo magiging ganito?" Hindi ko mapigilang maitanong.
"Kung ayaw mo na, maaari mo na kaming bitawan."
Naihampas ko ang kamay sa manibela. Ganoon na lang ba iyon? Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko? She's so complicated. "Ano ba ang tingin mo sa akin ha?"
"Ibabalik ko sa iyo ang tanong Davin, ano ba ako sa'yo? Sa pagkakaalam ko matagal na tayong hiwalay." Mas lalong nag-init ang aking ulo sa sinabi niya. Lahat ng paghihirap ko upang hanapin siya, patunayan na kaya kong tumayo sa aking sariling paa, hindi pa ba sapat na dahilan?
"Ako ang unang nagtanong answer me first."
"Noong lumayas ako at umuwi dito sa Pilipinas, pinutol ko na ang relasyon na mayroon tayo, kung mayroon man. Sa pagkakaalala ko, its just an agreement. You have to get rid of this woman na patay na patay sa'yo. Kaya tinulungan kita. Nagpakasal tayo para lubayan ka niya. And we succeeded, right? Iyon lang naman ang papel ko."
"Kung gan'on, ito ang dahilan kaya ka umalis?"
I closed my eyes, trying to calm myself. Oo, inaamin ko, we had an agreement. We're best friends before. Nagkakilala kami sa Canada. OFW siya roon habang ako naman ay tauhan ng ama ko sa hospital. Yes, my father who is a naturalized citizen of Canada runs a hospital kaya ako nag-aral ng medisina. I have dual citizenship. Sa Pilipinas ako nag-aral dahil mas gusto ko rito. Nagbalik ako sa Canada upang magtrabaho ngunit hindi ako naging masaya sa sarili naming hospital. Comparisons, expectations...sobrang toxic. May pagkakataon pa nga na nagkakamali ako, what do they expect from a fresh graduate and newly licensed? People start talking behind my back hanggang sa nawalan na ako ng gana. Malimit akong hindi pumasok kaya palagi kaming nag-aaway ng aking ama. Isang araw, lumayas ako sa amin at nag-renta ng tutuluyan. Sa tulong ng mama ko na hindi ako pinabayaan ni minsan, nakaka-survive pa rin ako kahit walang trabaho. My life is totally messed.
Hanggang sa makilala ko siya. Magkatapat lang ang tinutuluyan namin. Seeing a Filipino in foreign country, kakaiba sa pakiramdam. Araw-araw akong nakikipagkuwentuhan tungkol sa Pilipinas. Inaabangan ang pagdating niya galing trabaho. Lagi ko siyang kinukulit, minsan nagpapaluto pa ako ng pagkaing Pinoy. Nagkagaanan kami ng loob. Sabi niya, nawawala ang pagka-home sick niya dahil sa akin. We became best pals, pati ang buhay ko nasabi ko na yata sa kaniya.
Hindi ko akalaing magbabago ang lahat, isang gabi, nagpunta ako sa isang club, well just to have fun, drink a little. Nag-cross ang landas namin ni Natasha. Noong una, I treated her like a friend, kagaya ng friendship namin ni Sophia. Pero habang tumatagal, nasasakal na ako sa kaniya, daig pa ang asawa kung umasta. Nagtapat siya sa akin, pero wala akong maramdaman para sa kaniya. Sinabi ko na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong i-offer pero hindi niya ito tinanggap.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AcciónSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...