Reya's POV
Well, hindi maipagkakailang may class ang party ni Renzo. The choice of colors and details. Simple pero may dating. Its not overdecorated. The expensive chandeliers catch my attention the most. Fairy tale huh. Hindi ko mapigilang maangat ang gilid ng aking labi.
"Alright, terno pala kami ng mga kurtina." Bulong ko sa kasama ko.
"Hmm. Ginusto mo yan, hindi ba?" Bakas ang pagdududa sa tono ng pananalita ni Arthur. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay. Humigpit ang kapit ko sa kanyang braso. Napakabilis talaga niyang pakuluin ang dugo ko.
"Yes, I chose this color but I never thought that guy will use such the same color as my dress. " Pandidilat ko ng mga mata.
Tuluyan na kaming nakapasok sa loob kung saan marami nang tao. We're late.
Mula sa pagkainis ay napalitan ng blangkong ekspresyon ang aking mukha. He is just few meters away, speaking with some familiar people. Mga taong nahulaan ko nang narito rin. Nasaan ba ang linta? Sa bagay na may masisipsip na dugo.
I tried my best to calm down. Naninigas na ang aking mga panga sa pagkontrol nito.
"What a nice scenery" bulong ng hinayupak na katabi ko.
All of a sudden, namalayan ko na lang na nakatingin na pala ang lalaking kanina ay abala sa pakikipag-usap. The people around him also stopped and as if we're in a fairy tale, parang nag-slow motion ang lahat. Hindi nakaligtas sa akin ang pagkabigla sa kanyang mga mata habang deretsong nakatingin sa akin. Kaya't nagpakawala ako ng isang kiming ngiti. "Oh great! "
Renzo starts to step forward. Pero bago pa man siya makalapit sa akin, may isang kamay ang biglang kumapit sa braso niya. Nanginginig ang mga kamay nito. She's wearing a white dress. I rolled my eyes. "White lady, tssk."
"Yeah a very wonderful scene" sagot ko kay Arthur.
"Re-Renz", tanging narinig ko mula kay Celene na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang lalaki. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni Renzo. He has this serious look.
"Good evening Mr. Andrews. Late na yata kami?"
"Stating the obvious Ms. Clemente? Hindi naman na ako magtataka."
Naging pormal ang lahat na para bang walang nangyari. Bumitaw si Celene kay Renzo. Ngunit kahit anong tago niya, bakas pa rin na nangingilid na ang kanyang mga luha.
"Nice to see you, Reya. You look so pretty with your pink dress." Bago pa man ako makasagot kay Celene ay nagsalita siya ulit. "Uhm. Can I excuse myself?" Walang anu-ano'y naglakad siya paalis. Hindi malaman ni Renzo kung susundan ba ang dalaga o mananatili sa kanyang kinatatayuan... Iyan ang nababasa ko sa kanyang mga mata.
Patay-malisyang iginala ko ang aking paningin. Anong maganda sa plain na dress with matching light make up? Tsk! Nasaan ba ang mga alak? I wanna drink. Damn!
"Mr. Andrews? " singit ng isang lalaking kanina pa nakamasid sa amin. Isa siya sa mga kausap ni Renzo kanina. Lumapit pa siya kay Renzo. Is this the right time to finally see this monster without my mask? Gusto kong suntukin ang nakangiti niyang mukha.
"May I know your name, beautiful lady?" tanong pa ng hayop.
Isang napakatamis na ngiti ang aking pinakawalan.
"Oh, thank you for the compliment. I am Reya Clemente. And you are?" Napakunot ng noo ang matanda sa sagot ko. Kasunod ng isang nakakalokong tawa.
"You haven't heard about me before?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Nakailang iling ako sa kanya.
"Not just even once?"
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
حركة (أكشن)Si Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...