Chapter 22

138 35 5
                                    

Special thanks to PinkeuJas for my new cover. Grabe, ang cool! Sorry hindi ako maka-dedicate sa phone so dito muna <3.

Reya's POV

"Nasaan ka na?"

"Hayan na nga o! Papunta na. Sandali at bibilisan ko pa itong lintik na kotse nang makarating ako kaagad." Minamadali niya ako samantalang humihingi lang siya ng pabor.

"Lintik talaga! Traffic." Nasabi ko ng malakas nang maipit na ako sa mga sasakyan. Mayroon pang nagbusina. Bubusina na rin sana ako nang maalala kong may kausap pa ako sa cellphone.

"Your mouth Miss Clemente. Drive safe. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko, susunod ako."

Stop being weird Renzo. Ayoko ng kinikilos at pananalita niya.

Napakapit ako ng mariin sa manibela. Kung hindi lang ako pumayag sa pinapagawa niya wala ako ngayon dito.

"What?" Tanong ko kay Renzo. Nasa kalagitnaan ako ng pagja-jogging nang tawagan niya ako.

"I need you today."

"Wait. Hindi ba ang usapan bukas tayo pupunta ng underground battle?"

"Oo at tuloy na tuloy iyon. But I like you to help me now."

"Huh? Ano na naman ba?"

"May appointment akong naka-schedule this evening. Gusto kong ikaw ang pumunta."

"Ano? Bakit ako? Anong sasabihin ko? Baka hindi na bumalik iyan kapag ako nakipag-usap."

"Nakuha mo." I rolled my eyes.

"Ang labo mo."

"Its alright to turn him down. Wala akong balak na makipag-merge sa kompanya nila. Ikaw na ang bahala. Basta dapat ay maayos kang makipag-usap."
"Alam mo ba kung gaano kahirap iyang inuutos mo? Sobra ka na ha!"

"Hindi ako makakaalis kaagad dito. Susunod ako."

Hindi ako sumagot. I am about to turn off my phone nang magsalita ulit siya na siyang nagpagulo sa utak ko.

"Please Reya. I know you can do it."

May kung anong pakiramdam na lumukob sa akin. The heck!

Huwag mo akong pagkatiwalaan Renzo. Hindi mo alam kung ano ang kaya 'kong gawin

"Do it Reya! Or else ipapatanggal shares mo sa mall." Nag-iba ang tono niya. Napangisi ako. Bipolar ang isang ito. Anong hinithit niya?

"K. Hahanap ako ng magaling na abogado." Hamon ko.

Narinig ko ang malutong na pagtawa niya. Hindi ko mahimigan ang pang-aasar bagkus ay tuwa dahil sa narinig niya.

"Hindi ako nakikipagbiruan dito."
"Aasahan kita."

Hindi ako umimik.

"And don't you know that I can hire the top lawyer of this land? Huwag mo ng subukang banggain ako dahil I can get what I want with a blink of an eye."

"Don't exagerate-" Pinatayan niya ako ng phone. Ang yabang!

Sinuksok ko sa aking jogging pants ang cellphone ko.

"Bahala ka diyan." Nagsimula ulit akong tumakbo.

***

Nakabusangot pa rin ang mukha ko habang pumapasok sa mall. Sinabi ni Renzo kanina kung saang restaurant naghihintay ang kakausapin ko. Hindi rin pipitsugin ang mall na ito. Hindi ito pinapasukan ng mga occupants na pang-tiangge ang products.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon