Chapter 10 Partners in Crime

231 67 9
                                        

Halos maningkit na ang mga mata ko sa kati-titig sa lalaki sa harapan ko. Naisipan ko na ring magbawi dahil hindi ako makatagal, ang pangit niya kasi. He looks like an innocent creature, but "looks can be deceiving" 'ika nga nila. And when most men I know have a tall height, ang isang ito ay hindi yata nabiyayaan. I am taller for a few inches with the height of five feet four inches.

"Ex- senator Felipe's case... Perez murder case. Bakit sinasabi mo ang mga iyan sa akin? Your mission should be highly confidential." Deretsahan kong tugon sa mga pinagsasabi niya kanina. Nasa pinakarooftop kami ng condominium kung saan siguradong walang ibang taong maaaring makinig.

"Dahil I need your statement."

"Ha... so ganoon lang kadali ang lahat?" Ano 'to lokohan?

"Yeah." He answered very quickly.

"Pwes, bahala ka sa buhay mo! Una sa lahat, wala akong alam tungkol sa mga patayan at issues na 'yan." I said. Parati ko na lang naririnig ang pangalang Merian Felipe. Haiist! Nakakasawa na. Tinalikuran ko siya at lalayasan na sana nang makaramdam ako ng bagay sa ere.

Dali-dali akong humarap at inilagan ang suntok nito. Nahulog ko tuloy ang hawak kong bag. Muntik na 'yon.

"WHAT ARE YOU DOING!" Buset na 'to. Alam kong may kakaiba sa taong 'to eh.

Ngumisi siya. "Sabi na eh. You're not just an ordinary woman. Wala akong makitang butas sa pagkatao mo kapag papers ang pinag-uusapan. Pero tiyak may tinatago ka."

"Damn you!" I shouted. I clenched my fist. Naka-bandage pa ang mga kamay ko pero siguradong kaya ko na itong gamitin.

"You look like Merian Felipe. Posible kayang ikaw at si Merian ay iisa? Magkapatid? Magkakambal? O di kaya'y-"

"Kalokohan! Tigilan niyo nga ako sa mga kalokohan ninyo. I am REYA CLEMENTE and not someone else." Giit ko. Paulit-ulit na lang, nakakasawa na. It all started when I met Lorenzo Andrews. Kasalanan niyang lahat ng ito.

Mabilis ko siyang sinugod pero inilagan niya lang ito. I tried to punch him again. Umiwas lang siya ng umiwas. Nang makakuha ako ng tiyempo, ginamit ko ang kanang paa ko para patirin siya.

Halos ma-out of balance siya at agad ko itong sinamantala. Sinuntok ko siya sa mukha, not just once but thrice.

"Uh! Sa-sandali." Awat niya sa akin. Itinaas niya ang kanyang mga kamay. I just smirk while looking at his injured face. Anyway, siya ang nauna.Akala ba niya hindi ko siya papatulan? Napameywang ako sa harap niya.

"Tama na. Okay? Suko na 'ko." Hawak-hawak na nito ang kanyang pisngi.

"Umalis ka na at huwag na huwag nang magpapakita sa akin. Naintindihan mo?" Hindi
siya umimik. Naglakad lang siya palayo. Napahinga ako ng malalim. "Ano 'yon? Parang baliw. Nakakainis." Bubulung-bulong kong sabi habang kinukuha ang aking bag.

"I'll be watching you Miss Reya Clemente." Makabuluhang sabi ni Alvin. Napataas-kilay ako sa narinig.

"Hoy!" Lumingon ako sa kaniya pero nakalabas na siya ng pinto. Tssk. Bwisit! Ang kapal ng pagmumukhang magbanta!

***
Everyone's looking at me... yeah, as if nakakita sila ng diwatang itinapon sa lupa.

"Good morning Ma'am. Ano pong hinahanap nila?" One of the saleslady curteously asked.

"Duh! What are you saying?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ma'am, kung ano po ang hinahanap niyo. Mobile phone? Laptop?" Lumapit pa ako sa saleslady at tintigan ang mga mata niyang may pagkasingkit. Ngumiti lang siya ng pilit as if seeing a weird creature in front of her.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon