Chapter 29

127 25 9
                                        

Hi Miss AteShaiLaiM ! Thanks po sa review. Hindi ko pa naa-apply ang mga ito pero naka-note na lahat. I just want to finish the story first but unti-unti, i-edit ko siya :).
-------------

Reya's POV

" Tara na. Bibili ako ng aso."

Dere-deretso akong lumabas, mabibilis ang hakbang at 'di alintana ang hitsura na mayroon ako ngayon.

Nang nasa kalsada na'y naramdaman ko ang isang kamay na pumigil sa akin sa pagtawid.

"What are you doing?! At saan mo balak pumunta?" Hinihingal niyang tanong. Nakalimutan ko na may kasama pa pala ako. I am so occupied na nawalan na ko ng pakialam sa paligid ko.

"Uuwi na. Umuwi ka na rin." Sagot ko saka inalis ang kamay niya. Para naman akong nagbitaw ng mga salitang hindi katanggap-tanggap dahil sa kanyang reaksyon. Mukha siyang hindi makapaniwala sa mga narinig niya. Akala ko nga umuwi na siya kanina.

"Pagkatapos kitang hintayin, ganyan ang sasabihin mo? God, I wasted my time for this damn-" Inantay ko ang kanyang sasabihin ngunit wala akong narinig. Nakatingin lang siya at galit na galit ang mukha. May kaonting guilt na namuo sa aking dibdib pero nangingibabaw ang aking galit sa mga nangyari kanina. Henry tried to kill the sick old man... nakakatawa at halos nais ko nang sugurin sa lungga niya ang matandang hukluban. I still have damn three weeks to enjoy, bakit bigla siyang magpaparamdam? How dare him!

"Ano?! Ha ituloy mo! Wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon! Wala kang alam sa mga nangyari! If you think you wasted your precious time... so-sorry!" Pareho kaming natahimik. Gulung-gulo na talaga ang utak ko! Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat na sabihin. All I know is I am still thankful to him dahil kung hindi niya ako pinilit na magpunta ngayon, baka nga pagsisihan ko ito habambuhay. Marami na akong bagay na pinalampas, mga pagkakataong pinakawalan. Kaya't napakahalaga ng sandaling ito. I saved someone's life.

"Pwede ka ng umuwi. Pasensya na sa abala. S-salamat na rin." Mahinang sabi ko.

Bakit kahit na gaano pa kabigat ng nararamdaman ko'y 'di ko magawang lumuha? Ang bigat sa dibdib na wala ka ng ibang gustong gawin kung hindi ilabas ang galit na ito. Pero hindi ko alam kung paano.

Ayokong marinig ang sasabihin niya kaya't tinalikuran ko siya at akmang tatawid ng nakayuko nang bigla niyang hablutin ang beywang ko. Ang bilis ng mga pangyayari, naramdaman ko na lang na nasa gilid na naman kami ng kalsada. Napasubsob ako sa kanyang malapad na dibdib. Isang motorsiklo ang mabilis na dumaan sa gilid. Kung hindi niya ako hinila ay tiyak na nabundol na ako.

Naririnig ko ang kanyang malalim na paghinga at mabilis na pintig ng puso. Napapikit ako habang sinasamyo ang mamahalin niyang pabango. All my worries vanished. Mas epektibo yata ang ganito kaysa yumakap ng aso.

Ngunit ilang segundo lang ang lumipas nang makabalik ako sa realidad. Kumalas ako sa kanyang pagkakayakap. Hay! Nababaliw na talaga ako. Kung anu-ano na ang naiisip at nagagawa ko.

Agad akong tumalikod. Nawalan ako ng sasabihin o gagawin. "I'm s-sorry." Tila nalilitong sabi ko. Shit! Ano ba ang pinagsasabi ko? Parang naalog pa lalo ang utak ko.

"It's the third time." Sabi niya na mas lalo pang dumagdag sa kalitohan ng utak ko. I'm clueless.

"You apologized for the third time around." Nakangiti niyang paliwanag. Gusto ko ng bawiin ang mga sinabi ko. Uminit ang aking pisngi, dala lang siguro ng maalinsangang panahon.

"At dahil diyan, pinatatawad na kita. Let's go. Bibili pa tayo ng aso." Kinuha niya ang kamay kong hanggang ngayon ay hawak pa ang cellphone na ginamit ko kanina.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon