Chapter 19

145 34 0
                                    

Reya's POV

Napapatitig na lang ako sa mga sasakyang dumadaan. Kanina pa ako pumapara ng taxi pero bwisit! Ni isa walang humihinto.

Minabuti kong maupo na lang sa isang waiting shed kung saan nakabalandra ang pangalan at pagmumukha ng pulitikong nag-donate sa bulok na shed na ito.

Hindi ko pa rin maigalaw ng maayos ang aking braso, naroon pa rin ang kirot pero mas magaan na ang pakiramdam ko. If only I have other choice, na wala akong nalalapit na laban, hindi ko na tatawagin pa si Daven.

And right now, I'm stuck in this place, I don't know where to go either.

Nasa malalim na pag-iisip ako nang biglang huminto sa mismong tapat ko ang isang asul na Subaru.

The windows are tinted so I can't see who's inside. Inilagay ko sa aking ulo ang hood ng suot ko kahit pa alam kong huli na para rito. Inihanda ko ang sarili sa maaaring mangyari.

Bumaba ang bintana ng sasakyan at tumambad ang pagmumukha ni Renzo. Medyo madilim man ay nakikita ko pa rin siya ng malinaw. Itinago ko ang gulat sa pamamagitan ng pagtingin sa malayo na para bang hindi ko siya nakita.

"Get in." Utos niya. I acted like I heard nothing. Bakit ba narito ang lalaking ito?

"Time is precious Miss Clemente" warning niya. Hindi ako kumibo. I'm not in the mood to deal with people like him.

"Ayaw mo? Gusto mong maghintay dyan buong gabi? Aalis na 'ko kung gan'on." Narinig ko ang pagbuhay niya ng makina ng kanyang magarang sasakyan.

Napatayo ako sa narinig. Hindi rin ito ang oras para makipagmatigasan. He wants to intrude in my life? Then be it.

Napatayo na lamang ako at lumapit sa kotse. Hindi siya nag-abalang lumabas at pagbuksan ako, bagay na hindi ko naman hinihintay na gawin niya.

Tahimik lang kami sa loob. Naka-concentrate siya sa pagda-drive habang diretso lang ang tingin ko.

Inayos ko ang suot na hood, maging ang tumatakip sa aking braso. Ayokong makita niya ang injury ko.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong niya na hindi ko pinansin. Naramdaman ko ang paglingon niya sa gawi ko. Hinarap ko rin siya.

"None of your business" I coldly answer.

Napaawang ang mga labi niya sa sagot ko. Ibinalik niya ang tingin sa kalsada kaya't napatingin na lang ako sa bintanang nasa kanan ko.

"Ibaba mo ako sa Graciela Ville." Tukoy ko sa isang exclusive subdivision. Hindi siya umimik.

Akala ko ay nakuha niya ang nais kong ipabatid na huwag akong kakausapin pero muli siyang nagsalita.

"Seeing your eyes, you remind me of someone" makahulugan niyang sabi na siyang ikina-init ng ulo ko.

But instead of yelling, I just sighed. Wala ako sa mood makipag-away pati na rin ang makipag-usap. I made up my mind, ayoko nang i-involve ang sarili ko sa ibang tao... kung hindi kinakailangan.

"Stop comparing me to someone Renzo."

"Its not like that. I just want to say that... tsk, hindi bali na lang." Wala akong maintindihan sa pinagsasabi niya, which made me roll my eyes.

"May nangyari ba?" Tanong niya na hindi ko inintindi dahil may sumagi sa aking isip.

Hindi kaya ang tinutukoy niya kanina ay hindi ang ex niya kundi ako bilang si Pink? No, bakit niya iyon maiisip? Iwinaglit ko ang posibilidad na iyon sa aking isip.

"Daven had this message this afternoon. Is it true? Anong nangyari?" Kaswal na tanong niya pero bakit nahihimigan ko ang pag-aalala mula sa kanya? Hindi, masyado na yata akong pagod kaya kung anu-ano na ang naiisip ko.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon