Third Person's POV
"Kanina pa siya diyan. Buong araw na siyang nagkukulong at nag-eensayo mag-isa." Pambungad kaagad ni Derek sa kanyang among kadarating lamang.
Hindi siya pinansin nito at sa saradong pinto siya nakatingin. Napahawak tuloy siya sa kanyang ulo.
"Boss, hindi sa nangingialam, pero kailangan pa ba talaga natin siya sa grupo natin?" Alangang tanong niya.
Napaharap si Arthur sa kanya at bumunot ng baril. Walang alinlangang itinutok nito ang baril sa kanyang may peklat na mukha.
"Sa tingin mo, kailangan din ba kita?" Nanlilisik ang mga matang tanong niya. Mga matang hindi mag-aalinlangang pumatay ng kahit sino na siyang nagdulot ng kaba sa kausap.
Napataas na lamang ng mga kamay si Derek bilang tanda ng pagsuko. Naupo siya sa silya samantalang binaba ni Arthur ang baril niya.
Isa ang lugar sa mga hideouts ng grupo. Napadakong muli si Arthur sa saradong pinto.
"May operation tayo mamaya sa Norte. Sabihan mo ang lahat na maghanda. Dating lugar." Utos niya.
Makalipas ng ilang oras, naroon pa rin sa loob si Reya. The whole place is similar to a gym which is equipped with different materials for work out.
Ang tunog ng kanyang cellphone ay nakikipagsabayan sa bawat pagsipa niya.
Napahinto siya sa pagsipa sa punching bag. Mabibilis ang paghinga at tagaktak na siya ng pawis. Maging ang suot na itim na sando ay basa na rin.
Nag-aalab ang mga mata nito at waring uhaw na uhaw sa paghihiganti.
Tuluyan na siyang huminto sa ilang oras na pagpapalakas ng katawan.
Naupo siya sa sahig at isinandal ang pagal na katawan sa pader. Di niya alintana ang namamagang braso na binalot lamang niya ng puting tela.
Nagsimulang tumunog muli ang kanyang cellphone subalit wala siyang balak na lapitan ang maliit na lamesa kung saan nakapatong ito kasama ng kanyang bag.
Nang matapos ang pagtunog ay isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa buong lugar.
Nagpasya siyang lapitan ang bag at damputin ang cellphone na nasa tabi lamang nito. She had 27 missed calls and several text messages.
Inuna niyang buksan ang nasa inbox at tahimik na binasa ang mga mensahe. Ngunit isa lang sa mga texts na ito ang nakakuha ng kanyang atensyon.
Nagsimula siyang pumindot sa keypad ng kanyang makalumang cellphone.
Daven's POV
Pambihira, sa dinami-dami ng lugar, sa malayo pa nakuhang makipagkita.
Gabi na nang sa wakas ay maka-receive ako ng text mula sa kaniya. Mukhang may mali sa mga nangyayari. I have this feeling that I involved myself in a very critical situation.
Hindi ko mapigilang mapangiti na tiyak na mas lalong nagpadagdag sa kapogihang taglay ko.
Nagpalinga-linga ako sa labas ng bintana ng aking sasakyan para hanapin ang mismong building na pupuntahan ko.
"Bingo" mahinang sabi ko matapos matanaw ito.
... I just wanna lay on my bed
Don't feel like picking up my phone...Pakanta-kanta akong pumasok sa loob ng restaurant, sinasabayan ang pinakikinggang awit sa aking headset.
Kakaonti lang ang tao sa loob. Iginala ko ang paningin sa lugar upang hanapin siya.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
ActionSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...