Reya's Pov
"Stop the car." Namalayan ko na lang na hinihila ko na pala ang manggas ng damit ni Davin.
"Huh? Kung dito kita ibababa, medyo malayo pa ang lalakarin mo."
"Its okay, I can manage." Mabuti na lang at hininto na niya ang sasakyan kung hindi baka nagbangayan pa kami. Ayoko munang makipagtalo ngayong marami akong iniisip baka sa iba ko pa mabuhos ang stress ko.
"Thanks", wala sa loob na sambit ko bago bumaba ng sasakyan. Napupuno ng halu-halong emosyon ang aking dibdib sa mga oras na ito. Dere-deretso akong naglakad papalapit sa taong hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko na ng harapan. I need to be strong, wala akong makakapitan kundi ang sarili ko lang.
Taas-noong naglakad ako papalapit sa building ni Henry. I am Reya Clemente, fearless, cold-hearted, and strong... Sa mga sandaling katulad nito, kailangan kong maging Reya Clemente na binuo at pinakita ko sa mundo.
Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid, hudyat na malapit nang gumabi. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ang lalaking nakatayo sa gilid ng glass door ng gusali. Ngumisi ako nang makilala ito. Nakatingin din siya sa akin na animo hinihintay ang pagdating ko. Kahit gaano pa kabilis ang kabog sa aking dibdib, kailangan kong ipakita na kaya ko siyang harapin.
Nagpatuloy ako sa paglapit sa kinaroroonan niya. Bigla siyang namulsa at tinalikuran ako. Unti-unti siyang naglakad, hindi siya pumasok sa loob ng gusali. Siguradong gusto niyang sundan ko siya.
Ilang metro ang distansya ng pagitan namin. Nakapamulsa siyang naglalakad habang tahimik naman akong nakabuntot. Halos hindi ako kumurap sa pagtitig sa likod niya, mahirap na baka mawala siya sa paningin ko.
Sa wakas ay huminto rin siya. Namalayan ko na lang na nasa basement na kami. Walang kahit ano rito maliban sa mga ilaw sa itaas at mga naglalakihang poste.
"You have the guts to show your face to me. Hindi ko na alam kung matapang ka ba o stupida."
"Shut the fuck up! Of course, magpapakita ako! Hindi mo ako natuluyan kaya malas mo lang!"
Tumawa siya bigla. Isang malakas na halakhak na nagpalambot sa aking tuhod. Kapag ganyan na siya, para akong nakakakita ng demonyo sa katauhan niya. Humarap siya sa akin at kahit pa ilang metro pa ang layo ko siya kaniya'y hindi ko maiwasang mapaatras.
"Scared?" ngisi pa niya. Huminto ako sa pag-atras upang iparating na hindi ako natatakot, kahit na alam ko sa sarili ko ang totoo. "So you really want me to be killed that night?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"May duda ka ba Reya? Sayang nga at hindi natuloy. Gusto mo bang tapusin ko ang palabas dito?"
Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ako nakagalaw kahit pa nakita ko na papalapit siya. Hinayaan ko lang na panoorin siya ng mga mata ko. Natuon ang atensyon ko sa mukha ni Arthur. Hindi ko na mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Am I losing hope Arthur?
"Any final word my dear toy?"
Namalayan ko na lang na hawak na niya ako sa leeg. Diniin niya ang kamay niya na siyang nagpaalarma sa akin. "Ack!"
Napakapit ako sa kamay niyang pinangsasakal sa akin. Kailangan kong mag-isip ng tamang atake bago niya pa ako tuluyang malagutan ng hininga! I am about to try kicking him but he suddenly shouts. "Speak!" he impatiently ordered.
Niluwagan niya ang pagkakasakal sa akin ngunit hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa leeg ko. Halos maghabol naman ako ng hininga sa ginawa niya. "A-Answer me Arthur."
Ilang segundo pa ang ginugol ko upang manumbalik sa normal ang aking paghinga. Tumitig ako sa walang buhay niyang mga mata. "May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng mga lalaking inutusan mo na paslangin ako?"
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AksiSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...
