Chapter 16

155 45 8
                                    

Third Person's POV

Matapos ma-check ni Celine ang buong lugar ay kaagad niyang sinang-ayunan ito. She found a perfect place for her new clinic, thanks to Renzo. The size is just enough. It has two divisions, tama lang upang maglagay ng maliit na opisina.

I'm glad there's still a vacant space in this mall. I am also planning to sell some animal needs and stuffs" she uttered. Humarap siya kay Renzo ng may ngiti sa labi.Tumango si Renzo sa kanya. But the guy still has a blank expression all over his face, dahilan para sumeryoso rin siya.

Lumapit ang babae sa may glass door kung saan kitang-kita ang mga nagdaraan sa labas. Renzo is just behind her. His silence makes her feel that he's waiting for something. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.

"Ang totoo niyan, nauna lang ng isang semester si Reya doon sa university" pagbukas niya ng topic.

"I am currently enrolled into Civil Engineering sa ibang school that time nang lumapit ang isa kong classmate noon sa high school. Sabi niya nakita raw niya si Merian. At iyon nga, umasa ako kahit mukhang imposible. Para akong stalker na nagpupunta ng kanyang campus. Reya's totally looks like Merian. Until I decided to transfer. Nagkaroon ako ng way para makalipat sa kursong gusto ko. Dahil sa gusto kong pumasok sa school ni Reya, natupad ang pangarap kong gawin. Nakakatawa hindi ba?" Humarap siya kay Renzo na tahimik lamang na nakikinig.

"At anong nangyari?" tanong ng lalaki. "Alam mong si Merian ang dahilan kaya bumalik ako rito. Her death is still a mystery and I'm doing my best to find justice. But seeing a person who's so exactly looks like her, hindi ko napigilang umasa. Hanggang sa makausap na nga kita. Isinantabi ko ang kahit maliit na posibilidad at itinuon ang atensyon sa kaso ng pamilya ni Merian. At ngayon naman malalaman kong matagal mo nang nakilala ang babaeng iyon. Maybe I want explanations?"

"O dahil sa umaasa ka pa rin? Renzo, kung si Merian nga siya, dapat matagal na kaming magkasama! Hindi ko sasayangin ang panahon na walang gawin at manahimik sa isang tabi! Alam mo bang iyan din ang naramdaman ko noon? Umasa ako Renzo, pero-" Napakalalim ng titig ni Celine kay Renzo.

"Pero nakita ko kung gaano kasama ng ugali ng babaeng iyon. Wala siyang sinasanto maging ang sarili niyang ama." Hindi mapigilan ni Celine ang magtaas ng boses. Malinaw sa alaala niya ang mga nangyari noon.

"Pinahiya niya ang kanyang ama sa loob mismo ng campus. Palagi rin siyang laman ng guidance office at hindi nagtagal ay na-kick-out na. Tell me? Paano siya magiging ang kaibigan ko? Ni hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin kapag nagkakasalubong kami."

"Alam ko kung gaano sila magkaiba."

"Hindi lang 'yan Renzo, like I've said, may ama siya. Paano siya magiging si Merian? Kung ako sa'yo, lalayo ako sa babaeng iyon. Sorry pero alam kong naging plastic ako kanina. Mabigat ang loob ko sa kanya Renzo. Wala siyang idudulot na maganda."

"I know what I'm doing. And business is a business. Salamat na rin sa advice."

Titig na titig pa rin si Celine sa kaibigang punung-puno ng kalungkutan ang mga mata.

***

"She's totally different! Alam mo bang inapakan niya ang paa ko? Palagi na lang kawawa ang lower limb ko sa kaniya. At ito pa ha, gusto niya akong gawing persona-" Natigilan si Daven sa pagkukwento matapos maalala ang mga sinabi ni Reya sa kaniya. "And don't you ever tell this to Renzo or anybody else."

"And then?" tanong ni Renzo. Medyo nabigla pa si Daven dahil ang buong pag-aakala niya ay hindi nakikinig ang lalaki sa mga sinasabi niya. Nakatungo lang kasi ang lalaki at isinusubsob ang sarili sa mga binabasang papel. Napangisi na lamang si Daven at hindi pinahalata ang pagkamangha sa pinapakitang interes ng kausap.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon