Chapter 40

79 12 0
                                    

Reya's POV

Nakatanaw ako sa kawalan habang nakaupo sa sulok. Narito na naman ako sa lugar na ito. Masamang tingin ang pinukol ko sa babaeng dadaan. Nakasuot siya ng scrub suit na puti at may hawak na ballpen at papel. Hindi naman ako napansin ng nurse. Ilang beses ko na bang sinabi na kinamumuhian ko ang lugar na ito? At ilang beses na ba akong napapadpad dito?

"Baby! Stop running!" sigaw ng maputing lalaki. Nilingon ko ang pinanggalingan ng ingay.

"Tsk. Baby? Come on, She's old enough to be called that way." Nakairap kong bulong.

"Sorry Dad. I wanna see tita. Where is she? Which room? " sagot ng bata.

"This way baby. Huwag kang makulit sa loob ha?" akay sa kaniya ng isang babae. Matangkad siya at mahaba ang straight na buhok.

"Let's go." Pagmamadali ng lalaki. Isang beses ko lang siyang nakita ngunit nakilala ko kaagad ito. Paano ko malilimutan? Para silang kambal ni Celine.

Bago pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan si Celine ay tinanguan ako ng kuya niya. I bet he recognized me too. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Naiwan na naman akong mag-isa sa labas. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito pa ako? Mataas na ang araw at mukhang maayos na ang lahat. Isinugod din sa hospital na ito ang kidnapper. Mukhang napuruhan ang gago. Well, he deserves it.

"Ang lamig ng kamay mo. Sorry kung natakot kita."

Napakurap ako ng ilang beses. Bakit sumasagi sa utak ko ang mga nangyari kanina? Damn it! Kailangan ko bang iuntog ang ulo sa pader?

Napatayo na lamang ako. Haist! Makaalis na nga!

Nilingon ko ang pintong nakasara. Lumapit ako rito at dahan-dahang binuksan upang sumilip sa loob.

There I saw her... Nakaupo siya sa higaan habang napapaligiran ng kaniyang pamilya. Naroon din si Renzo at Silver. Its a private room anyway at kahit marami sila sa loob ay pinayagan ng ospital. She seems fine.

Marahan kong sinara ang pinto. I don't have reason to stay here. Naglakad ako paalis. Habang nasa daan ay may naalala ako. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko subalit kailangan ko munang makasiguro.

Malalaki ang mga hakbang na tinahak ko ang daan para makarating kaagad. Ang alam ko, tapos nang maoperahan ang kidnapper para maalis ang bala sa kanyang binti.

Makalipas ng ilang minutong paglalakad, sa wakas ay narating ko rin ang kwarto kung nasaan siya. Binabantayan ng isang pulis ang labas ng kwarto.

Lumapit pa ako rito.

"Hey. Maaari ba akong pumasok sa loob? May itatanong lang ako sa pasyente."

"Pasensya na po Ma'am pero mahigpit na utos sa amin na bawal pong lumapit ang kahit sino rito."

"Bakit naman hindi pwede?" Nakapameywang na tanong ko.

"Order po sa amin ito Ma'am. Sumusunod lang ako. Saka hindi niyo naman siya makakausap ngayon dahil unconscious pa ang pasyente."

"Aba-" Naputol ang sasabihin ko nang may humawak sa braso ko.

"You heard him right? Huwag matigas ang ulo, Reya."

Matatalim ang matang napatingin ako sa kaniya.

"I am Reya Clemente at wala akong pinakikinggan. Ginagawa ko ang gusto ko." Matigas na sagot ko sa kaniya.

"Then I am Lorenzo Andrews, ang magpapabago sa pananaw mo." Nakangiti niyang sagot. Ang sarap tusukin ng kanyang mata. Tsk.

"Nagugutom na ako. Tara, samahan mo akong mag-almusal." Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ang aking kamay.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon