Third Person's POV
Nagpapahinga mag-isa si Gerald Clemente sa kanyang kwarto. Kakatapos lang ng kanyang dialysis. Dama niya ang luwag sa paghinga subalit ang kanyang katawan ay nanghihina. Nakapikit siya subalit gising na gising ang kanyang diwa.
Isang lalaki ang pumasok sa loob. Nagmulat siya ng mga mata at tumambad ang isang lalaking ngayon lang niya ulit nakita.
"Sunud-sunod yata ang mga bisita ko." Napakahina ng kanyang boses. Kahapon lang nang dinalaw siya ni Reya at ngayon ay lumitaw naman si Arthur. Alam niyang may balak ang lalaki sa pagpapakita sa kanya.
"Kamusta?" Seryosong tanong ng kanyang bisita. Lumapit siya sa nakahigang matanda.
"As you can see. Mukha ba akong nasa maayos na kalagayan?" Hindi pinansin ni Arthur ang sagot ng matanda bagkus ay tinitigan lang siya nito. Isang malalim at seryosong tingin na nagpakaba sa kanya.
"Don't feel nervous Mr. Clemente. Hindi pa ito ang panahon para mawala ka. Ang kailangan mo lang gawin ay sumunod sa akin." Napahinga ng malalim ang matanda. Its not a statement but a command. At walang sino man ang makakapigil dito.
***
Reya's POV"Yo! Where are you?!" Halos mabingi ako sa boses ni Daven. Nailayo ko ang phone sa lakas ng boses niya. Akala ko pa tinawag niya ang aso ko.
"I won't go!" Sigaw ko rin. Nasa gilid ako ng swimming pool, nakaupo sa may bakal na upuan habang nasa paanan ko si Yo. Wala akong balak na dumalo sa birthday niya. Tsk, nagbago na ang isip ko. Hay naku! Mas nanaisin ko munang magkulong sa aking bahay kaysa makisalamuha sa iba.
Pinatayan ko siya ng phone ngunit ilang sandali pa ay tumunog na naman ito. This time, its my message alert tone. Punyemas! Kanina pa niya ako tinatadtad ng messages. Saan bang angkan ang lalaking ito galing? Ang kulit!
Pupunta naman na sana ako, kung hindi lang sana kasamang tiyak si Lorenzo. Ayoko munang makita siya matapos ng huli naming pagkikita. Alam ko na hindi maiiwasan na magkita kami kung hindi man sa araw na ito'y sa mga susunod pa. But I am not yet ready now.
"Come! Huwag kang masyadong tamad, maglakad ka at hindi puro karga." Sermon ko kay Yo. Tinalo pa ako sa pagiging tamad e. Nagtungo ako sa sa sala at nakasunod naman ang aso. Binuksan ko na lang ang TV. My maid is already cooking for my dinner. Nahiga ako sa mahabang sofa. Ito namang alaga ko na kasama ko na buong araw ay nasa sahig naman.
"Patuloy pa rin ang blogger na si HiddenTruth sa paggawa ng artikulo tungkol sa kaso ni Roman Felipe. Malaking palaisipan pa rin sa lahat ang biglaang paglitaw niya sa social media. Mabilis na kumakalat ang iba't ibang kalkulasyon na nauugnay ito sa darating na eleksyon..."
Napukaw ang atensyon ko nng balitang pinapanood. Ano naman ang mapapala ng taong iyon sa pagtalakay sa isyung iyan? Iisa lang talaga ang taong naiisip ko na maaaring nasa likod nito. Tanungin ko kaya siya? But, how? Iniiwasan ko nga ngayon iyon e. Hindi kaya kumikilos na siyang mag-isa? Akala ko ba magpapatulong siya sa paghanap ng katotohanang ini-insist niya? Nakalimutan na niya yata akong isama sa pag-iimbestiga niya. Gumawa pa ang gago ng sariling blog.
Umingay ang doorbell namin at hindi ko na sana papansinin ito kung hindi lang ako naiinis sa sunud-sunod na ingay na galing dito. Wala akong choice kung hindi ang sumigaw. "Manang Hilda! May tao sa labas!" Anong akala niya? Na ako ang magbubukas? Malaki ang pasahod ko ano at saka ang sarap ng higa ko e.
"Ay, pasensya na Ma'am, nakasalang kasi 'yong kawali kaya hindi ako makalabas." Dahilan niya bago lumabas. Gusto ko sanang biruin na dalhin niya ang kawali o kaya'y pagalitan na pwede namang patayin muna, duh! Pero dahil mabait na ako, kaya't pinigilan ko na lang ang matabil kong dila.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AcciónSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...