Celine's POV
"Mabuti naman at okay ka na Goldie. Wag kang mag-alala, gagaling din ang pilay mo. Next time huwag ka ng tatawid sa kalsada ha." Pinagmamasdan ko siya habang natutulog sa lap ko. Ang cute cute talaga niya kahit saang anggulo. Ang kayumanggi niyang kulay ay bagay na bagay sa kanya.
"Doc. Anong gagawin mo sa kanya ngayon?" Biglang tanong ni Silver. Nilingon ko ang munting nilalang na mahimbing pa ring natutulog. I looked at his bandaged leg.
"I will adopt him." I said without any hesitation.
"Are you sure?" Seryosong tanong niya. Tumango ako as an answer. "Sa bagay, maganda iyon para may mapaglibangan ka at may pagtuunan ng atensyon." Dagdag niya pa. Naupo si Silver sa couch na nasa tapat ng kinauupuan ko. Hindi ko na siya pinansin pa at itinuon na lang ang atensyon kay Goldie. Hinaplos ko ang ulo nito.
"Dapat maghanap ka na ng boyfriend Doc e. Baka mamaya niyan tumanda ka ng dalaga." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano... werdo.
"Gutom ka ba Pilak?" Biro ko. "May pagkain tayo sa ref., masama na 'yan." Inantay ko ang sasabihin niya. Ini-expect kong magpapatawa siya like the normal. Pero nagkibit-balikat lang siya.
Tumitig ako sa mukha niya. Oh, his dimples are still visible even he does not move nor talk. Gwapo naman si Silver eh - his face looks younger than his age and he has a white and smooth skin. Mas maputi nga lang ako. Namana ko ang kulay ng balat ng grandfather ko na isang Korean. Pero hindi gaya niya, bilugan ang aking mga mata.
"Bakit ikaw? Kailan mo balak mag-asawa?" Balik na tanong ko. Pinigilan ko ang matawa, he has the guts to ask me about looking for a partner pero base sa pagkakaalam ko ay wala rin siyang girlfriend. Hindi ko ugaling mag-usisa tungkol sa love life ng iba pero siya ang nauna e.
"Ano na ang plano mo ngayon para rito sa clinic?" Pag-iiba niya sa usapan. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Two days na ang nakalilipas magmula nang mag-promise ako ng solusyon sa problema ko rito sa clinic.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan sa ere. "I don't know yet. Siguro ipapasara ko na lang ito."
"Ano?!" Hindi makapaniwalang sigaw niya. Maski ang natutulog na si Goldie ay nagising ng wala sa oras. Hinawakan ko kaagad ang munting nilalang para hindi makalayo sa akin. Hindi naman siya nagwala o ano. I really like na this cute creature!
"Huwag ka ngang maingay! Tinatakot mo si Goldie oh." Sita ko sa kaniya.
"I can't believe it. Bibitawan mo ang clinic na ito? Hindi ba't sabi mo ito ang pangarap mo? Ano ba Celine?" Ang mataas na boses niya'y ang tanging maririnig sa buong kwarto. " What can I do? Look oh. Wala man lang tao. Tayo na lang lagi ang nagkikita araw-araw. Nagsasawa na ako sa mukha mo." Biro kong sagot.
"Iyan ba ang sinasabi mong solusyon?" Kasabay ng paghigang muli ni Goldie sa lap ko ay ang pagharap ko sa seryoso at kunot-noong mukha ni Silver.
I want to say something but seeing his face, nalunok ko yata ang aking sariling dila. Mas affected pa siya kaysa sa akin. Well, tanggap ko na ang lahat. Biglang nagbalik sa aking alaala ang mga sandaling nag-uumpisa pa lang ako. Noong mga araw na ginawa ko ang lahat para payagan ako ng aking mga magulang na mag-shift ng kurso at magtayo ng isang veterinary clinic. To be honest, napakahirap ng desisyong ito but I have no other choice.
Suddenly, I heard a creeking sound which indicates that someone came in. Napaharap ako sa glass door which is not so far from my location. Maliit lang naman ang klinika ko. Dahil sa nakatalikod ako sa pinto ay pumihit ako upang malaman kung sino ang pumasok.
He's here. After two days, pinaunlakan niya ang request ko. I know how busy he is... nakakatuwa namang nagkaroon siya ng time para magpunta rito. Nakakatuwa naman talaga, hindi ko tuloy mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AzioneSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...
