Chapter 14 -

175 47 8
                                        

"Acck!" Hindi ko na talaga kinaya. Sinuka ko na lahat ng kinain ko. Gabutil na ng monggo ang pawis ko at umiikot ang paningin ko. Am I poisoned?

"Are you alright?" Nakakapanting sa taingang tanong ng lalaking akala ko ay nag-dissolve na kanina pa.

"Bakit nandito ka pa rin? Aren't you busy Mr. Lorenzo?" Tanong ko sa kanya sa tinig na nagtataboy. I don't want him to see me in this condition. Halos sumalampak na ako sa sahig, sa tabi ng basurahang itim. Nakaramdam na naman ako ng sakit sa tiyan dahilan para hawakan ko ito ng dalawa kong kamay. Malas naman uh.

"Bakit hindi ka na lang sumagot ng maayos? Kakaiba ka talaga, masama na ang pakiramdam at lahat, napakatigas pa rin ng loob. Alam mo ba ang katagang walang sinuman ang nabubuhay sa sarili lamang" Awtomatikong gumalaw ang mga mata ko pairap sa lalaking nasa likod ko lang.

"Wala sa bokabularyo ko ang mga salitang iyan Mr. Lorenzo." I answered fiercely while trying to endure the pain that starting again inside this abdomen. Hayan na naman at nasusuka na ako. I immediately covered my mouth using my right hand to prevent myself from vomiting. Bakit kasi tinulungan ko pa ang lalaking ito kanina eh.

Muntik na akong matumba nang biglang may humawak sa braso ko. Napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa pagtangka kong lumayo. Subalit hindi bumitiw si Renzo. "Pero hindi ibig sabihin na kapag hindi ka naniniwala, hindi na ito totoo Miss Reya." He murmured.

Tumayo ako habang pigil ang hiningang tinatago ang nararamdaman. I stood as if nothing's wrong... subalit ayaw niyang bitawan ang braso ko.

"You look so pale. Kailangan mo ng magpunta ng hospital. Baka dahil iyan sa kinain mo kanina."

"Shut up okay? Look, ayokong mag-umpisa ng away dito. Please iwanan mo na lang ako. I don't need to go to the hospital. Simpleng sakit ng tiyan lang ito. Maaari mo na akong iwanan dito." Pagtataboy ko sa kanya. Wala na 'kong lakas para awayin siya. And the heck I'll go back to the hospital. "Please?" Halos mabilaukan ako sa sarili kong salita. Oh my, kailangan ko pa talagang sabihin ang salitang iyan? But instead of leaving, hinila niya ako. I rolled my eyes while trying to get rid from his grip.

"Okay wait, huwag mo na kong hilahin. Sa bahay ko. Ihatid mo na lang ako sa bahay ko." I weakly said. Oh my, bakit ba parang palagi akong talo pagdating sa lalaking ito?

Binitawan niya ang braso ko pero hindi man lang siya nagsalita. Inayos ko ang sarili, mula sa hibla ng buhok na tumatakip na sa mukha ko hanggang sa pagtuwid ng tayo na para bang walang nangyari. I act like nothing's wrong with me.

Napatingin ako kay Renzo na walang imik at nakatingin lang sa akin. He has this blank expression. Hindi ko alam ang nasa isip niya. Ngunit ang mga titig niya, bakit hindi ko kayang sabayan? I just looked away.

***

"Hindi ka pa ba tapos?" I heard the sound of his annoying voice coming from outside. "No!" Pasigaw kong sagot saka hinipo ang aking noo. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nandito sa loob. Nanlalamig ang mga kamay at paa ko at panay ang pagsuka. Mabuti na lang at malinis ang banyo ng Lorenzo na ito kundi ay mas lalo siguro akong masusuka. Wala pa naman na akong mailabas dahil naisuka ko na yata lahat ng laman ng tiyan ko.

I gave him my address pero sa lintik na bahay niya ako dinala. "Buksan mo itong pinto kundi sisirain ko 'to." He sounds calm, tinig na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Na para bang dapat mo siyang sundin.

"Tssk. Sandali!" Sigaw ko. Dahan-dahan akong tumayo para pagbuksan ang feeling hari.

Inayos ko ang aking postura at pati ang ekspresyon sa aking mukha. "I'm okay now, kaya ko nang umuwi. Salamat sa pag-aabala." I said without looking at him. I stared at his shoes.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon