Reya's POV
1. Party
2. Pet
3.Hmmm? Hindi ko maisip kung ano ba ang idadagdag ko sa listahan. One word lang nilalagay ko dahil naiintindihan ko naman ang sinulat ko. Duh! Ako kaya ang gumawa.
Wala namang masama kung magpaka-normal akong tao. I want to try, gawin ang mga bagay na matagal ko nang hindi nagagawa. Pero wala akong maisip, ibinalik ko na lang ang phone sa bag. Dito ko kasi tinatype ang mga To Do List ko.Saka na lang kapag nakaisip na ako ulit.
May kumatok sa pinto at hinintay kong pumasok ang tao pero naka-isang minuto na yata ay wala pa ring pumapasok. The heck! Ako pa ba ang magbubukas?
Ilang sandali pa ay kumatok ulit ang taong nasa kabila ng pinto. "Pasok!" I shouted.
Sinamaan ko ng tingin ang lalaki nang makapasok siya. "Hinihintay mo bang pagbuksan pa kita?" Nanggigigil kong tanong. Napailing naman si John. Nagkamot pa siya ng ulo.
"Ah sorry po, iyong huling pasok ko rito napagalitan niyo kasi ako nang pumasok ako kaagad." Paliwanag niya. Mas lalong naningkit ang mga mata ko. Ako pa ngayon ang may kasalanan?
"Ano na naman 'yon?"
"May tumawag po kasi dito sa contact number ng shop. Hinahanap po kayo."
"Sino?"
"Sa St. Joseph Hospital daw po."
Ano kaya ang kailangan ng hospital? Tsk."Tatawag daw po ulit. Ikaw ang hinahanap kaya sinabi ko na lang na ipapaalam ko sa inyo."
"Ibigay mo ang number ko kapag tumawag ulit." Walang ganang wika ko.
Nasa opisina niya ang telepono kaya't siya ang nako-contact ng mga tao. Ayoko ngang sumagot sa mga inquiries at mang-entertain ng reklamo. Baka away lang ang maganap kapag nangyari iyon. Nagpaalam si John at naiwan akong mag-isa. Inilabas kong muli ang cellphone ko.
Tinignan ko ang nakasave na listahan. Number 4? Ilalagay ko ba? Nagtatalo ang utak ko.
Hanggang sa isang text message ang matanggap ko.
Bumalik ka sa office. Ngayon na.
Ang angas ng dating ng text ni Renzo. Nagiging pala-utos na rin siya. Kung pwede lang sanang ibato sa kanya itong cellphone kong magandang pamato sa piko e. Iniwanan kong magulo ang table ko at agad na lumabas.
"Hindi ba pinag-usapan na natin ito? Nagta-trabaho ako. Pwede ba?! Kung wala akong oras para sa inyo, iyan ay dahil gusto kong tustusan ang pag-aaral ng mga anak natin! Huwag mo akong akusahan dahil hindi mo alam kung anong ginagawa ko para sa pamilyang ito!" Pumasok si John sa kabilang pinto at malakas na binalya este sinara ito. Its the first time I saw him mad. Lagi ko siyang nakikitang nagpapasensya at sobrang mapagkumbaba.
I continued to walk, problema niya 'yan. Nang makarating sa floor kung nasaan ang opisina ni Renzo ay nagmadali akong naglakad upang malampasan kaagad ang Admin office. Ayokong makita si Enrique Agustin. Akala mo kung sino siyang concern sa ama ko. Nakakatawa namang nababanggit ko ang salitang iyan ngayon... ama.
Nagtuloy ako sa pintuan ng opisina ni Renzo matapos na tanguan lang ako ng sekretaryang si Jean.
Kumatok ako ng ilang beses bago buksan ang pinto. Nakita ko ang paglingon ni Renzo na nakaupo na naman sa harap ng lamesa niya at kaharap ang sangkatutak na papel.
But before I could fully enter the room, tumunog ang phone kong nasa aking bitbit na shoulder bag. Hinanap ko ito at nakitang isang numero ng landline ang nakarehistro sa screen.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
حركة (أكشن)Si Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...