Chapter 24

111 28 4
                                    

A/N: New update :). Sorry ulit for wrong grammars and spellings...
Woah! Nagdugo ang magulo kong utak sa scene na 'to.
———————————————

Reya's POV

Days passed... Wala akong ginawa kung hindi ang paghandaan ang aking laban. I need to prepare myself physically and even mentally. Sa umaga, nagjo-jogging ako sa isang private memorial park na nasa malapit sa tirahan ko. I sleep every after lunch and continue working out at night. Kumuha na rin ako ng random men na ka-sparring  through Derek's minions.

Hindi na bumalik si Arthur simula noong huli naming pagkikita. Kung kailan hinahanap siya saka hindi magpapakita. I want to fight him again. I am not ready that time, and I badly want to try again.

Nakapatay ang phone ko dahil ayokong may mang-istorbo sa akin. Ngunit may mga oras na nati-tempt akong buksan ito lalo na kapag nagpapahinga lang ang ginagawa ko.

May mga oras na sumasagi sa utak ko kung ano na ba ang nangyayari sa mga iniwan ko. Tsk! Iniwan? What a word. I have to slap my own face dahil sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Of course they'll continue their lives... normal lives. Unlike me. Napangisi ako sa sariling idea.

Dumating na ang gabing pinakahihintay ko. The fight that I've been preparing for... I must win.

***

"Is this really needed?" Naiinis kong tanong.

The middle-aged woman didn't mind my question at all. Nagpatuloy siya sa pagkapkap sa buong katawan ko.

"Hey! I'm talking to you!" Sigaw ko sabay tabig sa kamay niya.

"Utos ito ng organisasyon Pink, gusto nilang makasiguro na magiging patas ang laban. Na walang nakatagong armas ang sasalang sa laban."

Napataas ang kilay ko sa narinig. Nauna na nga silang mandaya e. Nakakagago.

"Ang galing. Bakit di na lang din sila magpa-drug test sa mga fighters? For sure marami ang babagsak diyan." Nang-uuyam kong puna. Totoo naman na walang pake ang organisasyon kung anumang iturok ng fighters sa katawan nila. Katotohanang hindi pinapansin.

Kagaya ng hindi pag-intindi ng babae sa sinabi ko. Wala ng matino sa lugar na ito.

Sa likod ng itim na kasuotang tumatakip sa'kin ay puro pink naman na fitted na damit sa loob. At kung natatakpan ang buong ulo ko ng itim na tela liban sa mata, naka-itim na mask naman ako sa loob.

Natapos ang pag-iinspeksyon sa akin at kaagad akong nagtungo sa pagdaraosan ng aming laban.

Nahagip ng mga mata ko ang mga nakamaskarang fighters sa gilid. Pati yata sila ay interesadong-interesado sa labang ito?

My eyes ended at the man wearing a mask of a knight. Kalahati lang ng mukha niya ang natatakpan ng maskara. Nakahiwalay siya sa iba habang naka-cross arms.

He is intently looking at me, parang sumisigaw na dapat ako ang manalo.

This time, desidido akong manalo. Not because he told me, but because I want to. Gusto kong isampal sa pagmumukha ni Arthur ito.

Pumasok ako sa ring. Kung maaari lang maglabas ng pwersa ng pagnanasang manalo, baka tumilapon na ang mga tao sa loob.

Ang fighter na makakalaban ko'y nasa kabilang parte na ng ring. Nakatayo siya at nakatingin sa direksyon ko. Mapula ang mga mata nito at nakasuot ng maskarang parang kaliskis ng ahas.

Wala akong marinig na ingay na siyang nagpasidhi sa tensyon na nangingibabaw sa buong lugar.

Hanggang sa ang ingay na gawa ng bell ang siyang tanging maririnig... umpisa na.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon