Chapter 38

59 13 0
                                    

Reya's POV

Akala ko magpapadala ng sundo? Bakit siya ang narito?

Nakatayo siya sa gilid ng kotse na parang modelo sa dilim.

"Renzo?" Gulat na tanong ni Celine. Hindi ko pala nasabi na susunduin niya kami.

"Yeah. Tumawag siya kanina. Nag-aalala na sa iyo." Sabi ko na lang.

"Celine!" Malakas na tawag ng isang lalaki.

"Silver?"

"Kanina ka pa hinahanap ng kuya mo. Hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta."

"I am not a child anymore. Ano ka ba? "

"Kasama ng kuya mo ang Daddy mo. Binisita niya ang clinic mo kanina."

"Talaga? A-anong sabi niya?" Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Celine. She's worried.

"Ano ka ba Doc! Cheer up! Masaya ang daddy mo para sa iyo. Totoo."

"Really? Oh my! Hindi ba siya na-disappoint or any violent reaction? Please tell me the truth."

Nakangiting napapailing si Silver. "He even said that he's proud of you. Kaya umuwi ka na dahil tinatadtad na ako ng messages at calls kanina pa ng kuya at daddy mo. Umuwi ka na raw sa inyo from now on."

"Ahm. Kailangan naming mag-usap about diyan. Pero uuwi ako doon ngayon." Nagniningning ang mga matang turan niya.

Napatingin sa akin si Celine na parang hindi mawari kung paano magpapaalam.

"Go. Hay sa wakas!" pagtataboy ko.

Nabigla na lang ako nang yumakap siya sa akin. "Thank you for the day, Reya."

"Oo sige na. Drama." Hindi nawala ang ngiti niya na mas lalong ikinasimangot ko. Kumalas siya at patakbong nilapitan si Renzo.

"Renzo!" malakas na tawag niya.

Hay! Makauwi na nga rin. Hindi ko na pinatapos na mag-usap ang dalawa. Tumalikod na ako para makasakay na sa bus.

"Miss Reya, saan ka pupunta?" tanong ni Silver.

"Kailangan ko nang umuwi." Sagot ko ng hindi tumitingin.

Nagpatuloy ako sa paghakbang papunta sa bus. Parang ngayon ako nakakadama ng pagod. Iyong mga binti ko sumasakit na sa kalalakad. Nasa harap ko na ang pinto ng bus nang may magsalita galing sa likod ko.

"Where do you think you're going?"

Kahit hindi tumingin, alam ko kung kanino ang boses na iyon.

"I already said it. Uuwi na ako."

"Nandoon ang sasakyan. Hindi diyan."

Dito na ako napatingin sa kanya. "I can ride the bus." Nasa ganoong ayos kami nang bumusina ang isang sasakyan. Napalingon ako rito, only to see Celine. Nasa loob siya ng kotse at kumaway bago sila tuluyang umalis..

"Lets go." Tinalikuran niya ako ngunit alam kong gusto niyang sundan ko siya.

Pwede naman akong sumakay na ng bus. Sanay akong sarili lang ang karamay... Kasama. Ngunit bakit? Bakit pinaparamdam mo na hindi ako nag-iisa?

***
Natabunan ng nakakabinging katahimikan ang buong sasakyan.

"Did you catch the culprit?" basag ko sa katahimikang ito.

"Hindi pa. Hindi rin siya namukhaan ng sekretarya ko dahil nakatalikod na ito nang makita niyang paalis galing sa opisina."

"Anong rason?" napahawak ako sa baba ko. Ano nga ba? "May kaaway ka ba? O dahil ito sa pag-iimbestiga mo?"

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon