Chapter 39

66 15 0
                                        

Short update 😀.
Sorry for the errors.
________________________________

Reya's POV

Hinintay kong magsalita ang taong nakatayo sa likuran pero wala akong narinig mula sa kanya. Wala akong balak na lingunin siya. Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Maraming katanungan ang bumabagabag sa isip ko. Parang may mali.

"Alam mo kung nasaan si Celine hindi ba?" Sa wakas ay usal niya. The smell of his perfume never changed. Sinabi ko nang magpabago-bago siya ng pabango pero matigas din pala ng ulo ng taong ito.

"Pinagbibintangan mo ba ako?"

"No." Malungkot na sagot niya.

"Come on. You can just say yes."

"Pero alam kong wala kang kinalaman dito. I can feel it."

Napatingin ako sa kanya. "Huh. How can you trust me that easy?".

"Hindi ko rin alam. Kaya't kung alam mo kung nasaan ngayon si Celine. Tell me. Please, Reya. Please? God! Answer me."

Natahimik ako sa pagmamakaawa niya. Punung-puno ng pag-aalala ang tinig niya at waring nagpapahiwatig na ayaw niyang mawalan ng isang mahalagang bagay sa buhay niya. I turned around just to see him. His eyes are full of worry and sadness.

"Do you really trust me?" I asked.

"Yes."

"Then..." I paused for a while. Tama ba ang desisyong gagawin ko? Bahala na.

"Ililigtas ko ang iyong prinsesa. In one condition, kapag matapos ang lahat ng ito, you have to grant me one wish."

Tinalikuran ko siya pero bigla niyang hinagip ang kamay ko.

"Wha-what do you mean? I won't allow you to do ridiculous thing."

"I won't Mr. Andrews. I know what I'm doing and for your information, hindi ako isang ordinaryong babae lang. Kaya imbes na ubusin natin ang oras dito, why don't you just agree with my condition? Time is running."

Tinangka kong alisin ang kamay niya pero mas lalo niya pang hinigpitan ito. "Let go of me!"

"HINDI! Hindi ka aalis! Tell me where she is. Ayokong pati ikaw. No, I won't allow it. So just tell me what you know! Nakikinig ka ba? Reya, pakiusap huwag ka ng dumagdag pa."

Hindi ko magawang tignan siya sa mga oras na ito. Nilalamon siya ng kaniyang emosyon kaya't kung anu-ano na ang nasasabi niya. Tama. Dala lang ng sitwasyon kaya niya nasabi ang mga ito.

"Haist!" Hindi ko malaman  ang gagawin. Damn it!

Nagpumiglas ako ngunit hindi ko magawang makaalis sa kamay niya. Gusto ko siyang suntukin ngunit pinigilan ko ang sarili.

Sa hitsura niya ay wala siyang balak na paalisin ako. "Okay fine!" Napipilitang pagsuko ko. "You're right! Nagkataon na naabutan ko si Celine kanina na dinudukot ng mga lalaki kaya sinundan ko kung saan siya dadalhin. I will tell where she is, pero kailangang i-grant mo pa rin ang isang hiling ko."

Dito na napabitaw sa akin. Mabilis ang paghinga niya at pilit na binabalik ang composure sa sarili. Napatuwid ako ng tayo.

"Kahit ilan pa 'yan. Follow me." He ordered.

***

Magmamadaling-araw na nang sa wakas ay matapos ang plano sa search and rescue ng mga pulis kay Celine. Wala akong nagawa kung hindi sabihin kung nasaan si Celine.

Pinaligiran ng mga pulis ang bahay kung saan ko nakitang pumasok ang van kaninang sinundan ko ito.

Tahimik akong naghintay sa loob ng sasakyan ni Renzo. Sinabihan kami na huwag makialam kaya't heto kami at naghihintay ng mga mangyayari.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon