Renzo's POV
"Sorry Sir. Hindi po sa nangingialam kami pero, Miss Reya Clemente? Its a big no."
"Wala siyang alam sa business kahit pa nagpapatakbo pa siya ng isang shop. Ni hindi nga yata niya chine-check ang sariling negosyo. Baka mahirapan ka niyan and worst is siya pa ang makasira sa mall. Maraming empleyadong umaasa sa mall na ito Sir." Segunda ng isa pa sa board of directors ko.
Nagpatawag ako ng meeting sa mga members ng Nisia Mall para pag-usapan ang mga pagbabago sa management. Nabanggit ko ang proposal ni Reya na maging co-owner ng naturang mall. And now I received negative reactions.
"She has the money para mag-invest." I said trying to know more about what they think.
"Kaya mo naman pong tumayong mag-isa. You have more money Mr. Andrews. Wala siyang kapasidad at maging credentials. Based on what I'ved heard, she's a kicked-out student of a prestigious school. Paano mo aasahan ang isang taong ni hindi nakatapos ng kolehiyo? And worst is she has a lazy and bad attitude." Mr. Agustin said. Isa daw siya sa matagal nang manager ng accounting department.
"How did you know?" I asked him.
"Ang totoo, I know his father, Gerald Clemente. Nakilala ko siya years ago bago siya magkasakit.Isa siyang negosyante at sakit sa ulo talaga niya ang anak niya mula nang umuwi si Reya dito sa Pilipinas. Its the reason kaya nabankrupt ang negosyo ng mga Clemente. Sayang, papalago na sana ito nang bumagsak ang katawan ni Gerald. Hindi niya maasahan ang anak niya. Instead, nagtayo ng sariling shop si Reya . I don't know, parang galing din sa ama nito ang ginagamit niyang pera." Napaisip ako sa sinabi ni Mr. Agustin. I never thought that Reya still has a family. Naalala ko tuloy noong nasa hospital kami, nabanggit din ni Arthur ang tungkol sa ama niya. Ano nga ba ang alam ko sa kanya? At isa pa pala, iyong profile na binigay sa akin ni Jean na tungkol kay Reya, some informations are missing.
Nang tinanong ko kung bakit, its Reya's decision to not fill-out everything especially the family background part. I want to ask where her father is pero ayokong magmukhang tsismoso. Tumangu-tango ako.
"Pinag-iisipan ko pa lang naman." I said then dismissed the meeting. Nauna akong lumabas ng conference room. Its just 10 in the morning and the last time I checked, my next appointment is this afternoon, around 2 o'clock. Tuluyan kong nilisan ang lugar para bumaba sa second floor. I used the elevator.
Unlike other well-known malls in the country, walang branches or outlets ang Nisia. Nakatayo ito sa sentro ng siyudad at wala akong balak magdagdag ng another Nisia sa ibang panig ng Pilipinas. Ang pinakauna kong gustong baguhin ay ang pangalan nito. Its now my property so nararapat lang iyon.
Paglabas ko ng elevator ay nagderetso ako sa lugar na iyon. Pagtapat ko sa entrance ay parang nag-alangan akong bigla. What if she's inside? Anong gagawin o sasabihin ko? Kailan nga ba ako nagpasyang iwasan siya? Haist, ngayon siya naman ang lumalapit nang di ko alam kung ano nga ba ang totoo niyang intensyon.
I am about to turn and go back nang mapatigil ako at magpatuloy na lang sa pagpasok. Tssk. Bahala na nga.
"Good morning Sir." Bati sa akin ng isang saleslady. I looked at her at agad kong napansin ang hindi niya maipintang mukha. Then I remember, she is the woman Reya once scolded. Iyong dahilan kaya nangyari ang mga hindi inaasahang bagay THAT NIGHT. Uh, I don't want to blame her but... ah basta, ang hirap kasing makalimutan ang mga nangyari. Nang dahil din sa maliit na bagay na iyon... nakasaksi ako ng krimen. Even days have passed, mahirap kalimutan ang lahat. Tandang-tanda ko pa ang mga hitsura ng mag-asawang namatay. Binaril sila ng malapitan panigurado gamit ang silencer. Wala kaming narinig na anumang putok ng baril o ingay maliban sa mga tunog na galing sa pulis. Malinaw na malinaw ang hitsura ng mga bangkay. Napapikit ako at pilit winawaksi sa utak ko ang lahat.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AcciónSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...