Chapter 37

74 12 0
                                    

Reya's POV

"Reya!"

Kakapasok ko pa lang ng mall ay iyan na agad ang aking narinig. Hindi ko alam kung titigil ba ako o bibilisan ang lakad paalis.

"Hey! How are you?" Habol niya sa akin nang hindi ko siya pansinin.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "What now?!" nababagot kong tanong.

"I just wanna apologize sa inasta ko kagabi."

"Nah. Ano bang nangyari kagabi? Wala naman 'di ba?" I just answered. Maglalakad na sana ako nang bigla na naman siyang humarang.

"Really?" Ang lapad ng ngiti niya. Dapat ba sinabi kong galit ako sa mga ginawa niya?

"Yes. Happy?"

"Very happy. Hmm... Can I ask a favor?"

"No" mabilis kong reply.

"Please! Please, Reya. Samahan mo ako." Hinihila niya ang kamay ko. Tsk! Ang kulit ng babaeng ito.

Nagulat na lang ako nang mapaupo siya sa sahig. Napatingin ang ibang tao sa amin. Naningkit ang mga mata ko at matalim na tumingin sa taong 'di katangkaran na nakabangga kay Celine.

"Sorry Miss." Paumanhin niya. Patingin-tingin siya sa paligid na parang may tinataguan. Natatakpan ng mask ang kanyang mukha.

"Ah. Its ok." Sagot naman ni white lady. Dito na ako nameywang saka napangisi.

"What? Ganoon na lang? Its not okay." Mataray kong sabi. Napatingin sa akin si Celine samantalang aligaga naman siya. Naka-longsleeve na stripe at maong pant ito. Tsk! Talking about fashion.

"No. Okay lang po talaga. Sige na kuya mukhang nagmamadali ka." salungat naman ni Celine.

"Stop!" sigaw ko nang paalis na siya. Something's weird. Hindi maganda ang kutob ko.

"Tanggalin mo muna iyang nakatakip sa mukha mo."

Imbes na sumunod ay bigla siyang tumakbo. "Hey!" sigaw ko. Halos hindi malaman ni Celine ang gagawin samantalang ako naman ay kumilos upang habulin siya.

"Hoy!" sigaw ko nang makitang malapit na siya sa exit. Ang pagtangka niyang makalabas ay hindi natuloy nang harangin siya ng isang guwardiya at lalaking naka-blue na t-shirt.

***

"Boss, pasensya na."

Nakatingin kaming lahat sa taong nakabangga kay Celine. Dinala siya sa opisina ng guard at napasama kaming dalawa ni Celine.

"Guys, I'm sorry okay?"

Napatitig ako sa maliit niyang mukha. Ngayon ay wala na siyang harang sa mukha. Napangiwi na lang ako. "You, little girl! What do you think you're doing?" sita ko sa kaniya.

"A-Ano? Little girl? Twenty-four na ako ha" she pouted.

Tumingin sa akin si Celine. "Ang cute. Baby face."

Napahawak na lang ako sa noo ko. "Kung wala kang matinong sasabihin, pwede ba itikom mo na lang iyang bibig mo? We're not playing here." I harshly told her. Duh! Its not time for her childish act.

"Guys, I'm sorry talaga. Gusto ko lang sana kumuha ng scoop" nakanguso namang sabi ng babaeng maliit.

"Ano ba ang trabaho mo Miss?" tanong naman ng guwardiya. Inilabas ng babae ang nakakwintas na kaniyang ID.

"Maggi A. Sanchez. Reporter ka sa isang newspaper?" Basa ng guwardya.

Napatingin kaming lahat sa babae. Tumango siya bilang sagot.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon