Chapter 15

172 45 7
                                    

"It's almost two weeks from now" tipid kong sagot sa aking kausap matapos kong marinig ang dahilan kung bakit niya ako pinatawag. Ni hindi man lang pinarating sa akin mismo ang bagay na ito.

The sun's just starting to shine. Kitang-kita mula sa kinaroroonan namin ang view ng itaas na parte ng mga gusali. Mahilig din talaga ang taong ito sa matataas na lugar.

"You've changed." Napangisi ako sa sinabi niya. "Talaga? Medyo lang."

I feel like I'm starting to reborn... Gusto ko sanang isatinig ang mga katagang ito subalit si Arthur siya eh. Alam kong magiging komplikado ang lahat. Kahit pa sa huli, malalaman din niya ang mga plano ko, hangga't maaari ayokong makisawsaw siya. I am about to come to life again. Humanda sila dahil ibang Reya na ang makikilala nila. Kung noon ay nasa ibaba at pinakamadilim na bahagi ako, ngayo'y ako naman ang pupunta sa itaas.

"How about you? Saan ka ba nagkakalat ng lagim nitong mga nakaraang araw?" Deretsahan kong tanong. Ganito na kami mag-usap noon pa man. Ilang araw din siyang hindi nagparamdam at ngayon nga ay heto at nakipagkita ako sa kanya. Hindi na ako magtataka kung paano niya nakuha ang numero ko. Si John lang naman ang nakakaalam nito sa ngayon kaya't malamang na sa kaniya niya ito kinuha.

"Middle East. Gusto mong malaman ang mga ginawa ko roon?" nanghahamon niyang tugon.

"Hindi na kailangan. Ikaw pa ba?" Makahulugan kong sagot. Kahit hindi na siya magsalita, alam ko namang nagtrabaho na naman siya para sa organisasyon. At kapag organisasyon ang pinag-uusapan, siguradong karumal-dumal na bagay ito.

"Why do you easily judge me?" Napahawak pa siya sa kanyang baba.

"Kailangan ko pa bang sumagot?" tanong ko sa kanya. I know he already understood what I meant. Kilala ko ang pagkatao niya. Kilalang-kilala. Alam kong tinititigan niya 'ko sa mga sandaling ito, ngunit magkatapat man kami'y sa papasikat na araw nakatanim ang mga mata ko.

"Let's have breakfast together."

"Hindi ako nag-aalmusal Arthur. At saka may pupuntahan ako. I need to go."

I am about to stand up but I saw how his facial expression changed, from normal to a demonic face. Hayan na naman siya. Napakuyom ang mga kamao nito. "Hindi ako nakipagkita sa iyo para lang maging mensahero mo Reya. Lagi ko na lang bang ipapaalala kung sino ka at kung sino ako? Kung ano ka sa akin?."

"Kung gan'un, ano bang gusto mong mangyari?" Pigil ang emosyong tanong ko. I want to talk back but what's the use? Paulit-ulit na arguments. Not now, sa tamang panahon, mananalo rin ako sa'yo.

"You have to prepare. Ang fighter na makakalaban mo ay nasa fifth rank. Hindi ko akalaing babaliwalain mo lang ang mga nalaman mo. Sa palagay mo ba mananalo ka ng ganoon kadali? Ah hindi, sa palagay mo mananalo ka? Napakaliit ng pag-asa mo. You only have two weeks to prepare."

"Wait... Arthur, hindi ko alam kung saan ba papunta ang usapan na ito. Why all of a sudden, naging concern ka yata sa laban ko? Wala ka namang pakialam kung matalo o manalo ako di ba?" Sira talaga ang lalaking ito. Siya ang perfect definition ng mahirap spelling-in.

"Don't get me wrong Reya. Saang grupo ka ba miyembro? Sino ba ang leader mo?" I just remained silent though malinaw na malinaw kung anong gusto niyang iparating. Kapagdako'y napabuga ako ng hangin.

"Ayokong maging kahihiyan ka sa grupo ko. I'm number one in the ranking, above everyone. At ako ang nagpasok sa'yo, you're under me. Kaya't kailangan mong manalo. Niintindihan mo? On the first place, sino ba ang may kagagawan ng lahat? Hinamon mo ang organisasyon. Huwag mo akong ipapahiya."

Nakakairita talaga siya sa pandinig. Relax lang Reya, hindi ako dapat magpaapekto sa mga sinasabi niya. He has lots of ways on saying that I'm his slave.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon