"What?!" Sigaw ko sa aking kausap. Matapos magbuga ng hangin sa dibdib ay kaagad akong bumwelo para sigawan siya ulit. "Hoy! Kakatawag ko pa lang. Ano umiiwas ka?-" I do have many many more to say but... uhmm, he's already out of line. Punyemas! Pinatayan niya ko ng phone! How dare him? Matapos ng ginawa kong pagtulong sa kanya sa underground, iiwasan niya na ko ngayon?
Nandidilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa magtatanghali na pero wala pang laman ang sikmura ko o dahil sa galit sa lalaking 'yun? Maybe both. Pabagsak akong nahiga muli sa aking kama while trying to calm myself. Ramdam ko ang pagguhit ng kirot mula sa sentido ko ngunit hindi ko ito pinansin. Namalayan ko na lang na napabitaw na ko sa hawak na phone.
Sira na ang araw ko. Ayoko na tuloy lumabas ng kwarto ko kahit gaano pa man ito kagulo. Lahat ng nais kong gawin ngayong araw, nasira na. Kasalanan ito ni Lorenzo! Wala na ko sa mood.
Isinara ko ang aking mga mata pero bumabalik lang sa utak ko ang mga nangyari kahapon. At dumagdag pa ito sa galit na nararamdaman ko ngayon. Tssk! Nanalo 'yung pusta ko kagabi pero hindi ko nakuha ang premyo ko. I could still picture the whole thing. Nanuntok ako ng lalaking adik kaya nagkagulo. Malay ko bang maraming galamay ang isang iyon. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. At kung mauulit man ang mga nangyari, iyon at iyon pa rin ang gagawin ko.
Well ang mga alipores ni Derek ang nakipagsagupa sa mga kaaway namin. Ang ginawa lang namin ni Renzo ay tumakbo palayo sa lugar. Kailangan ko na palang mag-umpisang magritwal para hindi makarating ang mga nangyari kay Arthur. "Aaaaah!' Hindi ko mapigilan ang sariling guluhin ang magulo nang buhok ko. This life really sucks. I do not know what to think or even what to do.
Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na akong nakatingin sa kisame. Blangko ang utak ko. Malapit na yata akong mabaliw...
Isang tumutunog na cellphone ang nakabasag sa malalim na katahimikang namutawi sa paligid. Patagilid kong tinitigan ang gadget sa aking kanan. It doesn't stops from ringing. Hindi ko makita ang pangalang nakarehistro kaya't inangat ko na lamang ito. Awtomatikong napaangat ang mga kilay ko sa nabasa.
Oh, I did not expect this. Inilapit ko pa sa aking mukha ang cellphone nang mabasa ito ng malinaw. Nang makasiguro'y pinindot ko ang green button ng makalumang telepono.
"Hello", pambungad na wika niya. Sinadya kong huwag sumagot. I remained silent.
"Are you there?" He impatiently asked. But still I didn't bother to speak.
"Hello? Miss Clemente?" Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. Dumaan ang ilang segundo and I just waited for what he'll say next.
"Am I just wasting my time here? Ikaw ang unang tumawag at ngayon na may oras ako para kausapin ka, hindi ka naman sumasagot. Are you really out of your mind?"
"Come on... May nangyari ba? Hello?"
Napapikit ako ng ilang beses bago magpasyang magsalita. Kung kanina, nagdadalawang isip ako, ngayon desidido na ako. I will stick with my plans, kahit pa hindi ko sigurado ang kahihinatnan ng mga gagawin ko. Tinanggap ko na ang kapalaran ko, pero ngayon, susubok ako... Buo na ang pasya ko. Wala ng atrasan ito.
"Pwede bang magkita tayo?" I asked.
***
Third Person's POV
Pinagmamasdan ni Renzo ang babaeng kaharap. Hindi nito mabasa ang dalaga. She's just wearing a white Kentucky shirt and dark blue pajama. Para siyang kagagaling lang sa jogging habang tirik na tirik na ang araw.
"Stop staring at me na para bang under observation ako dahil sa isang mabigat na kasalanan." Sita sa kanya ng dalaga bago sumubong muli ng pansit na in-order niya kanina. Magmula nang maibigay ang inorder niyang tig-isang plato ng pansit at juice ay inumpisahan niya kaagad ang kumain.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AksiyonSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...
