Reya's POV
"What if ayoko?" Nakataas ang mga kilay at nakapameywang na sagot ko.
"Aba't!" Nangigigil na usal ng lalaking may hawak na baril. Humakbang siya papalapit sa akin. I'm ready to defend myself whatever happens.
Ngunit nabitin ang paglapit niya nang may marinig kaming mga yabag ng paa. Kami lang tatlo ang tao sa pasilyo ngunit dahil papunta ang way na ito sa CR, siguradong mayroong magagawi rito. Napatingala ako at napansin ang isang CCTV. Nag-iba ang expression ng dalawa na wari'y nahulaan ang nasa isip ko. Agad tinago ng lalaki ang baril na hawak. Tanga rin e.
"Re... Reya?" tinig ng isang pamilyar na boses.
Hindi ako nakatingin sa kaniya subalit ramdam ko ang pagtataka sa kanyang boses.
I look at her with a smile on my face. "Yes?"
Napaatras naman ang dalawang lalaki. "Pasensya na pero pakisabi na lang na sa ibang araw na lang kami mag-usap. Hay, mukhang hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Pag-iinarte ko. Hindi naman na sumagot ang dalawang pangit. Tanging ginawa na lang nila'y magmartsa paalis.
Naiwan kaming dalawa ni Celine. Nakatingin siya sa akin na animo'y may nais sabihin. Naghintay ako ng ilang segundo at putek! Naging minuto ito pero nakatayo lang siya.
"Excuse me." I just said.
Naglakad ako paalis ngunit bago pa man ako makalagpas sa kaniya'y agad siyang humawak sa braso ko. Naging mabilis ang mga pangyayari. Namalayan ko na lang na nakayap na siya sa akin habang tahimik na umiiyak.
"What the h-"
"Please! Stay for a while." Ramdam ko ang pag-agos ng luha niya sa balikat ko. Sinubsob pa nito ang mukha sa aking balikat.
"Bakit kasi? Merian... I really miss her."
That's it. I rolled my eyes. Si Merian na naman. Ginalaw ko ang aking braso para kumalas ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos sa akin. Lumakas pa ang kanyang iyak.
"Nung nakita kita ka-kanina. Akala ko ikaw talaga si Merian... Iyong inosente niyang mukha, ang- ang paborito niyang kulay..."Halos di siya makapagsalita dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Nagpalinga-linga ako at baka may dumating na ibang tao. Bakit kahit gusto ko na siyang itulak ay di ko magawa? Sa halip ay hinayaan ko lang siya. Napabuntong-hininga na lamang ako.
"Sorry to disappoint you but... malabong mangyari na ako siya, okay?"
"I know... I know... Alam ko naman iyon. Pe-pero. I miss her so much. And seeing you, hindi ko mapigilan."
"Then don't look at me," sarkastikong sagot ko. Pero mas lalo lang humigpit ang kanyang yakap.
"Please. Hayaan mo muna ko sa ganito. Miss na miss ko na ang bestfriend ko. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Ipaliwanag. Akala ko naka-move on na ako. Pero, pero hindi pa rin pala." Mas lalong lumakas ang hagulgol niya.
Pinigilan ko ang sariling magsalita at baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ko. Nagpatuloy siya sa pag-iyak habang ako'y nasa malalim na pag-isip. Shall I include this into my list?
Be friendly.
Argh! I don't know.
Nakarinig ako ng mga yabag kaya't dagli akong kumilos para kumalas sa kanya at agad ko siyang hinawakan sa kamay. Hinila ko siya papunta sa CR. Pagkatapos ay ni-lock ang pinto.
"Now Celine. Tumingin ka sa akin. Tignan mo ako sa mga mata." Alangan man ang babae ay hinarap niya ako. Namumula na ang mga mata niya sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AksiSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...
