Hey guys! I want to apologize kasi nagkamali ako ng chapter na inupload. Nakaligtaan ko ang CHAPTER 49 kaya heto na siya... Inunpublish ko muna ang CHAPTER 50 then will publish it again later together with CHAPTERS 51-53.
Thanks sa pagbabasa at pasensya na rin sa technical and grammatical errors.
***
REYA'S POV
"Ma'am, huminahon po kayo."
"Sagutin mo ang tanong ko. Sino ka? Paano ka nakapasok dito?"
"Bodyguard po ako ni Sir Lorenzo."
"Huh? Kailan pa siya kumuha ng bodyguard?"
"Noong isang araw? Hindi lang po ako ang narito Ma'am. The whole place is guarded. Nasa paligid ang mga kasama ko at may mga CCTV din na nakakalat sa buong sulok ng bahay-"
Napataas ang kilay ko sa narinig. "What? You mean?!"
"Ma'am?" Nagtatakang tanong niya.
"Nakita niyo akong bumaba kanina?"
Tumango siya bilang pagkumpirma na lalong nagpainit sa aking ulo. "Galing po ako doon kanina."
"Hey! Anong nakita niyo ha? Umamin ka!" Ibinaba kong maigi ang mahabang T-Shirt ni Renzo upang matakpan ang hita ko. Ang iksi ng pang-ibaba ko. Bwisit!
"Mabuti po Ma'am, bumalik na kayo sa loob at baka magalit si Sir sa amin kapag nakita kayo rito."
"Hey. I'm asking you! Huwag mong ibahin ang usapan. At anong klaseng tingin iyan? Akala mo ba hindi ko napapansin na titig na titig ka sa mukha ko?" Kaduda-duda ang lalaking ito.
Napayuko siya. "Ginagawa ko po ang trabaho ko. Maaari na po ba kayong bumalik sa loob ng bahay ni Sir Lorenzo?" tinuro niya ang direksyon ng bahay.
"Tsk. Mind your own business" irap ko sa kaniya. Naglakad ako palayo kaya lang ay humarang siya sa daan ko.
"You're part of my business Ma'am. Mahigpit ang utos ni Sir na huwag kayong paaalisin dito."
"Ang kulit!" Hindi dumapo ang sipa ko dahil maagap niyang napigilan ang paa ko. I tried to punch him pero nakailag siya.
"Ma'am, ayoko ng gu-"
Hindi ko siya pinatapos sa pag-awat sa akin bagkus ay sinugod ko siya. Puro ilag ang kanyang ginagawa. Nang makakuha ako ng magandang tiyempo ay natamaan ko rin siya sa mukha. Napangisi ako kasabay ng isa pang pag-atake. Isang malakas na sipa sa sikmura niya ang pinakawalan ko. Napahawak siya rito. Serves him right. Inayos ko ang aking sarili saka naglakad palayo. Ngunit naramdaman ko ang paghatak niya sa akin. Nag-isip ako ng paraan kung paano makakakalas sa hawak niya ngunit bigla niya akong tinulak sa pader. Hindi gaanong malakas ito pero sapat na para manumbalik ang sakit ng aking likod. Namalayan ko na lang na nakulong na ako ng mga braso niya.
"Stay away from me!" I tried to push him pero hindi siya natinag. Idagdag pa ang sakit ng likod na nararamdaman.
"No. You need to stop Miss Clemente. I have no intention of hurting you so please calm down. I'm just doing my job. Please naman, cooperate. Binabalaan ko kayo, kahit makalagpas kayo sa akin, may mga kasama pa ako rito, naghihintay lang ng instructions ko. Hindi ka rin makakalabas. May dalawa kayong choices... Babalik sa loob o babalik?" Kakaiba ang pinapakita niyang awra. Kahit pa may respeto ang pananalita niya ay halata ang gigil niya sa bawat pagbigkas ng mga salita.
"Hindi mo ako kilala para utusan" pakikipagmatigasan ko.
"Sige po. Tatawagin ko na lang si Sir Renzo. Mas kilala niya kayo hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
ActionSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...