Chapter 7 New Beginning

313 81 44
                                    

Third Person's POV

Makalipas ng ilang oras na pamamalagi sa loob ng mosoleyo, lumabas si Renzo. Matiyagang hinintay ni Celine ang lalaki. Nang makita niya ang paglabas ni Renzo ay kaagad niya itong sinalubong. Hindi niya mapigilang maawa sa hitsura ng binata. Wala siyang magawa para mapagaan ang bigat sa dibdib ng lalaki.

"Let's go?" Aya na lamang niya. Naalalang muli ni Celine ang mga katagang binitawan ni Merian noon...

Tragic? Ang buhay ng tao ay isang kwento ng trahedya. Lahat tayo mawawala, may nauuna nga lang, may naiiwan.

"Renzo, magsimula kang muli. Palayain mo na si Merian." Natapos na ang mga huling pahina sa aklat ng kwento ni Merian and Renzo's new chapter should start now, iyan ang nasa isip ni Celine sa mga sandaling iyon.

"Bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala nila." Matigas na sabi ni Renzo.

Hindi nakasagot kaagad si Celine. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Things are getting complicated. As she stares at the man, alam na niya kung ano ang naglalaro sa isipan nito... hindi magpapapigil ang binata. A new chapter is about to begin carrying out the past.

***
Renzo's POV

"Sir, matagal nang close ang kaso ni dating Senator Roman Felipe. Wala ka nang magagawa pa."

Pinukulan ko ng matalim na tingin ang private investigator na aking kausap. Ipinatawag ko siya dito sa opisina para mag-report. Tinanggal nito ang mga kamay sa bulsa ng maong niyang pantalon at inayos ang salamin sa mata. I guess he's just on his mid-30's but he looks older.

I also instructed him to investigate about Roman Felipe's case. Nahalata ko ang paglunok nito ng mangilang beses.

"Kaya nga nandyan ka hindi ba? I want you to investigate. Mangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga nangyari noon." Gusto kong malinis ang pangalan ni tito Roman. Isa siya sa taong pinakahinahangaan ko. Nakita ko ang dedikasyon niya bilang public servant. I've witnessed how pure and true to his job he is." Nakita kong lahat iyon...

"Sige po sir. Uumpisan kong gawin ito as soon as possible. By the way sir, tungkol sa mag-asawang pinatay, Luisa and Antonio Perez. Mga drug dealer ang mag-asawa. Maliit na sindikato lang sila at ayon sa mga humawak ng kaso maaaring alitan sa negosyo ang dahilan ng pagpatay."

"Narinig ko na yan sa mga pulis Mr. Alvin. I want to know more." I said trying to cool down. Is this all he can do? I should consider replacing him.

"Lahat ng tauhan nila, patay nang lahat, even their 5-year old daughter, pinasok sa kanilang bahay at pinatay. Maging ang katulong ng mag-asawa na kasama ng bata." Maski inosenteng bata? Anong klaseng mga tao ang kayang gumawa ng ganitong krimen?

"Nangyari ang lahat ng iyon noong araw din na pinatay ang mag-asawa. Hindi mo ba nakita sir ang mga killer? Baka naman nakita mo o ng kasama mo noong gabing iyon. Reya Clemente ang pangalan ng kasama mo nang mga oras na iyon hindi ba?" Tanong niya. That girl, halos makalimutan ko na ang babaeng iyon. I've been harsh to her the last time we met. Its her fault anyway. Saka ko na aayusin ang tungkol sa aming dalawa.

"Maybe I need to ask her kung may nakita ba siyang kakaiba."

"Gawin mo ang nararapat." I immediately said. It's a good idea but I doubt if she'll cooperate.

Unti-unti, naniniwala na akong hindi siya si Merian. May kumirot sa aking dibdib, I've been always feeling this unbearable pain everytime I think of her. Gagawin ko ang lahat para lang lumabas ang katotohanan. Kahit sino o ano pa ang makabangga ko.

"Sino kaya ang maaaring gumawa nito?" I asked while directly looking at his eyes as if telling him to give me more informations.

Napabuntong-hininga siya. "Have you ever heard of the organization, Mr. Andrews?"

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon