Chapter 42

67 9 0
                                    

Reya's POV

"Can we just stay like this? Please, bigyan mo pa ako ng ilang segundo." Naramdaman ko ang pagdampi niya ng kanyang kamay sa aking ulo. Muling tumulo ang mga luha ko.

Kaagad kong pinunasan ang aking luha gamit ang kanang kamay. Nang makasiguro na maayos na ang aking mukha ay ako na ang kusang kumalas kay Renzo.

"Anong ginagawa mo rito? Sabi ko kay Daven, puntahan mo si Celine."

"She's safe. Nakaalis na siya ng ospital. Nagpadalus-dalos ka na naman." Sita ni Renzo.

Tumalikod ako sa kanya at tumanaw sa malayo.

"Wala naman. Gusto ko lang ng thrill kaya hinanap ko ang nagpanggap na nurse at pumatay sa kidnapper." Kung nakaharap lang siya sa akin ay makikita ni Renzo kung gaano kaseryoso ng aking mukha. Lintik! Nakatakas pa. Kung sana hindi lang ako nahuli ng ilang minuto. Sana walang buhay na nawala.

This time, alam ko na kung ano nga ba talaga ang gusto kong gawin.

"Hahanapin ko kung sino ang may kagagawan nito. I promise you."

"Why would I care?" Sagot ko sa kanya.

"Wala akong pakialam. Basta hahanapin ko sila."

"You can't do it alone Renzo. I will help you." Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang ito ay humarap ako sa kanya. Nagtataka ang mga mata niya...nagtatanong ang mga ito.

"Well, I love another thrill."

This time, alam ko na kung ano ang nais kong gawin. I want to protect these people. Kahit kapalit pa nito ang walang kwenta kong buhay.

Hinawakan ni Renzo ang kamay ko. Sa pagkakataong ito, hindi ako nagpumiglas. Napayuko ako para pagmasdan ang kanyang kamay. Ang kamay na ginamit niya para mambugbog kanina. Napabuntong-hininga ako.

"No." He said firmly.

"I'm telling you. Kakailangin mo ako. Don't you ever underestimate me. I am Reya Clemente...remember that. Trust me." I said while staring at his eyes.

Magsasalita pa sana siya ngunit inunahan ko na... "Let's go." Talikod ko sa kanya. Nagmadali akong naglakad papalayo.

***
"Ma'am, may nagbigay po nito kanina. Para
sa inyo raw." Bungad kaagad sa akin ni Manang pagpasok ko ng aking pamamahay. Walang ganang kinuha ko ito at nagderetso sa aking kwarto. Hindi pa lumulubog ang araw pero pakiramdam ko antok na antok na ako.

Pabagsak akong nahiga sa kama. Ang daming nangyari sa araw na ito. Pakiramdam ko punung-puno ang aking utak ng mga bagong nalaman. And it causes me headache.

Napapikit ako hanggang sa tuluyang makatulog.

Its a new day, everything seems calm and ordinary. Nagbago ang lahat nang makababa ako ng kwarto.

"Ano na namang ginagawa mo rito?!" Bulyaw ko sa lalaking prenteng nakaupo sa aking couch.

"Paying a visit."

"Tsk. LA-YAS!"

"Ahaha. Kumusta?"

"Manang! Bakit pinapasok mo na naman ba itong taong 'to?"

Mabilis na lumapit ang aking kasambahay.

"Eh Ma'am ka-kasi nagpumilit po siya."

I rolled my eyes.

"Lahat ba ng magpupumilit pumasok sa pamamahay ko hahayaan niyo lang?"

"Sorry po Ma'am." Nakatungong sagot niya.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon