Reya's POV
"Long time no see," bungad ko sa lalaking ilang araw ko ring hindi nakita. Napangisi siya na naging dahilan upang awtomatikong tumaas ang aking kanang kilay.
"Yes. How are you?" kaswal niyang tanong. Tumigil siya sa pagsusulat at tuluyang napatingin sa akin.
"You sent those documents right?" Diretsong tanong ko.
"What document? Ah. Iyong copy ng contract na kailangan mong ipapirma kay Lorenzo Aguilar Andrews?" Nakangising sagot niya. Inisang hakbang ko ang distansiyang namamagitan sa amin. Nang makalapit ay napalo ko ng malakas ang mesa.
"You!" I screamed.
"Hey! Stop acting fierce when truth is you're scared."
"Sinong takot? I am not scared Arthur."
"You are. Kahit itanggi mo pa. Why? The contract was sent as a reminder that you have your mission, kaya ka may kalayaan ngayon. Did you enjoy your freedom that much? Well. Kailangang basagin ang kaligayahang iyan ng realidad Reya. Dumadaan ang mga araw. Simple lang naman ang pinapagawa sa iyo. Make Lorenzo Andrews sign the contract."
"Kung ganoon ikaw nga ang hudas na nagpadala ng kontrata." Nanlulumo kong sagot. Ibinagsak ko ang sarili sa couch na nasa gilid ng mesa ni Arthur..
"No. It's Wilhenry himself."
Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi pala isang hudas kung hindi isang Satanas. Mariin akong napapikit. Kumukulo lalo ang dugo ko.
"Anong garantiya ko na tutuparin niya ang kasunduan kapag magtagumpay ako?" Sa kabila ng galit na nararamdaman ay nagawa ko pa ring itanong sa malumanay na paraan. Matutuwa lang siya kung magwawala ako sa harapan niya. I won't let it.
Tumayo si Arthur at nagulat na lang ako nang maupo siya sa tabi ko. Umusod ako upang magkaroon ng ispasyo sa pagitan namin.
"I don't know. Kayo ang magkausap."
"Huwag mo nga akong gawing tanga. Haist! Bwis-!" Napatigil ako nang biglang pumapasok sa utak ko ang boses ni Renzo habang sinisermonan ako dahil sa pagmumura. Gusto kong mapahalakhak. Haist! Ano bang ginawa mo sa aking lalaki ka? Malala na yata talaga ako.
"Mukhang mas lumalaki ang pagbabago mo. However, I still see the Reya Clemente I've known. Dinadaan sa galit ang lahat. Tuwing natatakot ka, nasasaktan, nalulungkot. Tama ba ako?"
Hindi ko siya nilingon. "Nonsense." Mahinang tugon ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa buhok ko at dahan-dahan itong hinila.
"What are you d-!"
"Shhh! I'M TALKING." Warning pa niya. Nag-iwas ako ng tingin. I hate this guy.
"Pero iyan ang gustung-gusto ko sa iyo. Everytime you hide your emotions through anger, you ended up looking for me."
"A-ano? Of course I will! Its because you're always the reason why I'm pissed." Simula ng araw na makilala ko siya, ang buhay ko ay naging isa nang basura. Siya ang nagpapaalala sa akin ng lahat ng mga masasakit na pangyayari sa aking buhay. I hate him! I will always hate him!
"Good. I love seeing your mad face. The mask you wear for hiding your true feelings."
"Tsk." Napahilamos ako ng mukha. What to do now? Naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang kamay sa aking buhok. Bigla akong napatayo na naging dahilan para mapasabunot siya sa mga hibla ng buhok na hawak niya.
"A-ah! Arthur!" I screamed. Hindi niya ito binitiwan kaya napabalik ako sa pagkakaupo.
"I miss my slave." Tagus-tagosang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
ActionSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...
