Davin's POV
"Wait! Bakit ka ba nagmamadaling tumakbo?! Ano bang nakain mo at para kang kiti-kiti?"
Napatakip ako sa bibig kasabay ng pigil na tawa. Inayos ko ang posisyon ng aking cellphone upang makunan ng maayos ang dalawa sa video.
"See? She' so fine, bro. Alive and kicking... running rather." Natatawang sabi ko kay Renzo. Masyadong seryoso ang mukha niya habang nanonood sa screen. Naka-video call kami ngayon.
Inilipat ko sa selfie mode ang camera upang makita niya ang pogi kong mukha. "I'll be there as soon as I finish some paperworks."
"What? You're coming? Bro, ginising mo ako ng maaga para pumunta rito, iyon naman pala e pupuntahan mo naman siya? Nasaan ang hustisya? Dapat ay natutulog pa ako ngayon."
"My supposed meeting has canceled, kaya may time akong dumaan. At trabaho mo ang bantayan siya hindi ba? Bakit nagrereklamo ka ngayon?"
"Dude, sige na talo na ako."
Matapos magpaalam ay nawala na siya sa screen. Naiiling na nakatingin pa rin ako sa aking phone nang makita ko sa aking peripheral vision ang paglapit ng isang taong naka-jogging pants at sweatshirt. Kahit hindi ko masyadong makita, alam ko na may hila-hila siyang aso.
Naibaba ko tuloy ang hawak na phone nang huminto siya sa mismong harapan ko. Isang alangang ngiti ang aking pinakawalan nang makita siyang nakapameywang habang nakakunot ang noo. "Uhm. Hi!" kaway ko.
Mas lalo siyang napasimangot. "Bakit ka nandito?"
"Siyempre bodyguard mo ako. I'm just doing my job."
"Wait! Wala akong sinabing puntahan mo ako ngayon? Paano mo nalaman na narito ako huh?"
Tinugunan ko ang matatalim niyang mga mata ng isang nakakalokong ngiti. "Magaling kasi ako."
Lumapit pa siya sa akin at akmang sisipain ako sa binti. Napaatras naman ako. "R-Reya. Heto na nga seseryoso na. Ikaw naman hindi ka na mabiro. Nanggaling ako sa bahay niyo. Sinabi sa akin ni manang kung nasaan ka." Napabaling ako sa kaniyang aso na tahimik na nakaupo sa bandang likuran niya.
"You can now go away." masungit niyang pagtataboy habang nakapameywang.
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Nope. Nandito na ako eh. At isa pa, marunong naman akong sumunod sa napagkasunduan nating tatlo. I'm here because its my job and I'm already paid."
Tinalikuran niya ako at kinarga ang mabalahibo niyang alaga. "Bahala ka sa buhay mo. Bakit ba sinasayang ko ang oras ko sa pakikipag-usap sa iyo?"
Naglakad siya palayo kaya sinundan ko na lang siya. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Mapuno ang lugar at walang ibang tao. "Nakakatakot naman dito. Ano bang klaseng parke ito?" tanong ko habang hinihimas ang aking magkabilang braso.
"Maghanap ka ng ibang tatambayan mo kung ayaw mo rito."
Lagi na lang may regla ang isang ito, tsk. "Alam mo nahihirapan ako sa set up na ganito. May alam akong paraan para hindi ganito kagulo ang mga mundo natin."
Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad ngunit pakiramdam ko nakikinig naman siya sa akin. Iyan talaga ang Reya na nakilala ko, parang walang pakialam ngunit sa totoo lang, pinipigilan lang niya ang sarili. Sa oras ng pangangailangan, maaasahan din siya.
"Bakit hindi ka na lang muna tumira pansamantala sa bahay ni Renzo?"
Dito na siya napatigil sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Nawala ang aliwalas sa perpekto kong mukha nang makita ang madilim niyang awra.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
ActionSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...
