Chapter 48

105 8 2
                                        

Reya's POV

May nagtangkang humila sa akin samantalang naramdaman ko ang ibang kamay sa ibang parte ng aking katawan. Wala akong magawa kung hindi ang humagulgol na lamang habang tahimik na sinusumpa ang taong dahilan kung paano ako napadpad sa lugar na ito. Kahit magsisigaw man ako, walang tutulong. Mag-isa na lang ako. Hindi ko matanggap ang kapalarang kinasadlakan. Hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril. Napasilip ako sa pinaggalingan nito. Nakita ko siyang nakatayo suot ang maskarang pangkabalyero. Mas lalong dumilim ang paligid hanggang sa siya na lang ang aking nakikita. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Napaatras ako sa nakita! Duguan na ang mga lalaki! Puro sila may tama ng baril sa iba't ibang katawan. Sinubukan kong tumayo ngunit nakarinig ako ng mga yabag palapit sa akin. "Aahh!" papalapit siya ng papalapit sa akin. Punung-puno ng dugo ang buo niyang katawan. Sa isang iglap lang, nasa harapan ko na siya, nakadikit ang nguso ng kaniyang baril sa aking noo.

"NO!" Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng aking katawan sa isang napakalambot na bagay.

"Bakit? Hey! Reya!" boses ng isang pamilyar na tao.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. "Ack!" napakabilis ng aking paghinga na tila ba hinahabol pa ako. Tumingin ako sa aking paligid. Sandali. "Hindi ito ang kwarto ko." Tuluyan na akong nagising mula sa masamang panaginip.

"This is the safest place for you."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Renzo bagkus ay tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa aking magkabilang braso. Hindi ko napansin kanina na inaalog niya ako para magising. Ang lapit niya masyado sa mukha ko.

"Tsk. Anong alam mo? Wala nang safe na lugar sa mundo." Kahit ramdam ko ang panghihina ay nagawa ko pa ring sumagot. Aalis na sana ako sa kama nang itulak niya ako pabalik. "Meron Reya. I'll make sure of it."

Nawalan ako ng sasabihin, maski ang tingnan siya ay ayokong gawin. Baka traydurin ako ng aking puso kapag ginawa ko. Ayokong padaig sa nararamdaman ko.

"Huwag kang aalis diyan." Tumayo siya at may kinuha sa cabinet.

"Kailangan kong umuwi ng aking bahay."

"Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko bago ka sumunod?"

"Aist!"

Bumalik siya sa tabi ko dala ang sa tingin ko ay isang medicine kit.

"Look. I need to change clothes." Hindi niya pinansin ang paliwanag ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at nag-landing ang mga mata niya sa aking sugat. Nag-iwas ako ng tingin. Damn this guy! Bakit ganito ang epekto niya sa akin?

" Renzo. May cream ako sa bahay para hindi magpeklat ang sugat. I need to use it." mahinang paliwanag ko kahit pa mukhamg useless nang magsalita. Hindi ko nakita kung anong nilagay niya sa bulak dahil hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso. Kahit mahapdi ay hindi ko pinahalata.

"Ngayon alam ko na kung bakit ganoon ang kalagayan mo noong una kitang makita."

"Don't mention it!"

"Isang malaking palaisipan sa akin kung sino ka nga ba Reya. Why are you so fearless? Bakit magaling kang lumaban? This is the answer."

Habang nagsasalita ay nagpatuloy siya sa paggamot ng sugat ko.

"Oo na. Satisfied? This is my world. Pero huwag kang magsalita na parang naiintindihan mo ang lahat."

"Then tell me what I need to know. Tell me the whole truth. If you're in pain, you may share why. You need to open up. Even shout what's in your heart."

Silence filled all over the place. Patuloy siya sa paggamot ng aking sugat. I don't know what to do. Napahinga ako ng malalim bago ibuka ang aking bibig. Namuo sa aking damdamin ang iba't-ibang emosyon na ngayon ay gustong lumabas.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon