Reya's POV
1. Party
2. Pet
3. Father
4. Food
5.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama kay Renzo. Magmula nang makabalik kami sa kanyang kotse ay hindi ko na siya kinibo. Inabala ko ang sarili sa pag-type sa cellphone ng mga idinagdag ko sa listahan ng gagawin ko bago pumanaw.
Hanggang sa marating namin ang ospital...
Nakahinto na ang sasakyan ngunit wala sa amin ang kumilos. Hinayaan lang ako ni Renzo na manahimik at mapatitig sa malayo.
I can do it. Bakit ako matatakot na harapin siya? Nais kong pagalitan ang sarili sa mga kinikilos ko. Dapat palagi akong matapang, walang katakutan, walang pakialam sa damdamin ng iba!
Pero... pero anumang oras maaari na akong mawala. Nakatanim na sa utak ko iyan. Kaya magpapakabaliw na nga lang ako! Tinanggal ko ang seat belt na suot at kaagad lumabas. Nakasunod lang sa akin si Renzo.
Dumeretso ako sa Information Desk para hanapin kung nasaan ang matanda. Itinuro sa akin ang daan papunta sa isang mini garden daw na nasa likod ng hospital. Doon daw siya nagpapalipas ng oras ngayon.
Maliliit ang mga hakbang na tinahak ko ang daan. Habang papalapit ay iniisip ko na kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Hanggang sa mapahinto na lang ako nang matanaw ang taong pakay ko. Nakaupo siya sa wheelchair, naka-dextrose, bumagsak na ng tuluyan ang katawan at namumutla na ang balat.
Nasa ilalim siya ng punong hindi ko alam ang pangalan. Mapuno sa lugar at malamig ang hampas ng hangin. Maraming halaman at may grotto sa gitna. May nurse na nakaupo sa bench na katabi niya.
Napahawak ako sa katabi ko nang akala ko ay matutumba ako sa pagragasa ng kabang nararamdaman ko. Nagtatalo ang utak ko kung kakausapin ba siya?
"Go. Hihintayin kita sa loob." Hindi ko malaman kung bakit lumakas ang aking loob sa sinabi niya? E para namang hindi ito moral support.
Bumitaw ako ng kapit sa braso niya. Mahina niya akong tinulak sa likod. "Ikaw!" Sa bigla ko ay halos sikuhin ko siya. Tumango siya para ipahiwatig na maglakad na ako palapit sa lalaking nakatingin sa amin.
Hindi niya man lang hinintay ang sagot ko, naglakad siya pabalik sa loob.
Nandito na 'to.
Lumapit ako sa aking ama. Kaagad tumayo ang nurse na bantay niya kaya kami na lang ang natirang tao rito.
Hindi ko alam kung paano magsisimula. Parang wala siyang balak magsalita. Napaupo ako sa pwesto ng nurse kanina saka sinilip siya. Walang reaksyon ang kanyang mukha. Sinundan ko ng tanaw ang kanyang tinitignan. Ang grotto na nasa harapan.
"Buhay ka pa pala." Pagsisimula ko. Aba, iyan ang lumabas sa bibig ko.
"Malapit na." Mahinang sagot niya. Pati ang boses niya'y napakatamlay. Napaismid ako saka sinabunot ang kamay sa ulo.
"Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko bago magdesisyong pumunta rito?"
Its a mental torture at hindi ko alam kung bakit sinasabi ko pa iyon sa kanya.
"Hindi ka na lang sana pumunta iha. Wala kang responsibilidad sa akin. Our bond was already cut long time ago."
Nais kong matawa. "I am responsible for the bills." Nang-aasar na sagot ko. Hinintay ko siyang magsalita, na ipagtanggol ang sarili niya o manumbat. Ilang segundo na ang nasayang pero wala siyang sinabi.
"Alam mo bang sa ating dalawa, ako ang lumalabas na mas masama? Kung alam lang nila kung anong klase kang tao... ama at asawa. Hindi sa nagmamalinis ako, I'm just stating a fact." Pigil ang galit na sumbat ko. Naalala ko kung paano ko siya sigawan noon sa maraming tao. Oo ginawa ko iyon, tinrato ko siya na parang basura. Ngunit walang may alam kung bakit, ako lang.
BINABASA MO ANG
Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)
AcciónSi Reya ay isang underground fighter sa isang organisasyong pinamumunuan ng matataas na tao ng lipunan. She is cold and known to be heartless... as a fighter and even outside the battlefield. Para sa kanya, walang kwenta ang sarili nitong buhay. Nam...