Chapter 11 Partners in Crime II

224 61 7
                                    

Reya's POV

Nagsimulang paandarin ni Renzo ang motor. Inayos ko ang suot na salamin at humawak sa kanang balikat niya habang nasa dulo ng upuan ang isa ko pang kamay.

"Humawak ka ng mahigpit!" Pasigaw niyang sabi. Deretso ang tingin nito sa daan. Binabagtas na namin ang highway na para bang race game sa cellphone. Puro siya overtake.

"Tssk! Sanay akong sumakay nito." Malakas ko ring sigaw sa may malapit sa kanyang tainga. But of course I lied. Di niya lang alam na napakahigpit ng kapit ko sa likod ng upuan.

"Wala man lang helmet. Paano kaya kung nakalugay pala ang buhok ko 'edi sabog na ngayon." Bulong lang ang pagkakasabi ko.

"Bakit? Alam ko bang sasama ka? Pwede ka ng bumaba ngayon din." Oops, narinig pala ako ni Renzo.

"I'm telling you, kakailanganin mo ako." Mahina kong sabi malapit sa kanyang tainga. I can't see his expression but I'm sure it would be epic.

Binawi ko ang aking kanang kamay na nakahawak sa balikat niya nang ihinto niya ang sasakyan dahil sa stop light. Kinuha ko sa aking kanang bulsa ang dala kong maliit na cellphone at nagtype.

Its not a touchscreen pero mas prefer ko itong gamitin. Iniwan ko ang ibang gamit ko sa opisina at pinalitan ang phone na dala ko with this cheaper one.

I need back-ups. -Reya

After typing those words, I immediately sent it to the number I just saved a while ago. Sa tagal ng lalaking ito na lumabas kanina ay marami-rami na akong nagawa. Nakapag-ayos ng sarili, nagbalik sa opisina para iwanan ang iba kong gamit. Nag-save ng numero ni Derek, the person I just texted. Isa siya sa mga tauhan ni Arthur.

Hindi nagtagal ay hayan na at tumatawag na si Derek.

"Kumapit ka." I was about to press the green button when Renzo suddenly told those words. Nagulat ako nang umandar ang motorsiklo kaya naghanap ako kaagad ng maaaring makapitan.

"Putek!" Kasabay ng pagsigaw ko ay ang paghila ko sa jacket niya. Napakahigpit ng pagkakahila ko, mabuti na lang at malakas ang Renzo na ito kung hindi, nadala ko na siya at nawalan pa siya ng kontrol sa pagmamaneho.

"What are you doing? Maaari tayong madisgrasya sa ginagawa mo!" Halata ko ang diin sa bawat bigkas niya. Now he's pissed on me. Hmp, I should be angrier to him. Ilalaglag na nga niya yata ako sa bilis niyang magpatakbo.

"Hoy! Hinahabol ba tayo ng 'sang dosenang kabayo na mas mabibilis pa sa eroplano?" Nang-uurat kong tanong. I can't take it anymore. Nakakapanggigil. Now I realized how I badly curse riding on this kind of transportation. Nag-jeep na lang sana ako. It was so uncomfortable. At kahit anong mangyari, hinding-hindi ako hahawak sa beywang ng lalaking ito na tulad ng ginagawa ng iba kapag nakaangkas ng motor. Nope, I swear, I'll never do the same.

But I don't want to die because of falling from a damn moving motorcycle. Not yet... ngayon pa na nagsisimula na akong kumilos? Kung noon pwede pa.

Nilamukos ko ang jacket na kinakapitan ko saka ikinapit ang isa ko pang kamay na may hawak na cellphone sa balikat niya. Hindi ko tuloy masagot ang tawag. Pinindot ko ang red button para mag-end ito.

"If you haven't tried riding on a motorcycle before, you could just told me earlier." Sabi niya bago bagalan ang takbo. Haist, sobrang hangin ng dating ng sinabi niya.

"By the way, you're a good poet. Your words rhyme." Dagdag niya pa. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang aking paningin. Whoo... ang init! Mukhang malapit ng sumabog ang aking ulo sa inis.

"Shut up!" I just shouted.

Binaling ko ang atensyon sa pagta-type sa cellphone using my two hands. Mabagal naman na ang takbo namin kaya mukhang kaya kong bumitaw. I don't know but I have this feeling na hindi naman niya ako hahayaang mahulog, especially now that, errr... nabuko na niya ako about this riding matter.

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon